Saturday, September 5, 2009

sino ba si bangz?



Ang tanong na nakatatak na sa isip ko.Ang tanong na hanggang ngayon ay hindi ko masagot.AM I REAL?OO,HINDI,EWAN dahil hindi ko pa alam ang sagot.kaya nga iyan ang ginawa kong BLOG TITLE kasi alam kong may makakabasa nito at may makakatulong sakin para mahanap ko ang sagot.


Ako nga pala si BANGZ,ang may gawa ng mga blog na binabasa nyo sa site na http://www.bangzunlimited.blogspot.com/Ang Bangz na hindi nawawalan ng ideya at konsepto.pero SINO NGA BA TALAGA SI BANGZ, sa likod ng blog na binabasa mo?.sino nga ba talaga si BANGZ matapos mong malaman at mabasa ang opinyon at karanasan ko? matapos mong i CLOSE yung page ng site ko sa computer mo?


hindi ako BROKEN,nagkataon lang na ganun ang pumasok sa kukote ko.yun ang naisipan kong gawin kasi sa tingin ko ay interesante.Hindi ko nman talaga binalak na maging WRITER.Hindi ko rin inaakala na makakagawa ako ng blog.Siguro sapat ng dahilan yung ITINADHANA AKONG MAGING KASANGKAPAN PARA MATAUHAN ANG MGA TAO AT PARA IPARATING NA HINDI LANG SILA NAG-IISA. Na hindi lang sila ang nahihirapan.Na pare-pareho lang kami ng pinagdadaanan yun nga lang sa ibang paraan.simple lang nman akong tao.Lahat ay dinadaan ko sa biro.Kapag may ginagawa ako lalo na kapag blog gusto ko tahimik yung paligid ko.Yung tipong ang ballpen at papel lang ang binubuno ko.Trip kong pumunta sa lugar kung saan mararamdaman kong WELCOME ako at SOULMATE ko ang ambiance.Tumitira ako ng lollipop kapag sobrang stress na ako at bigat na sa mga problema.Matakaw at wala naman akong tinatanggihang pagkain basta masarap.Hindi ako kumakain ng may lason at panis na.Suplada daw,para sa mga taong hindi nakakaintindi sakin.Isnabera daw,para sa mga taong hindi muna ako tawagin sa pangalan ko kung may sasabihin sila..para kahit paano naman ay pansinin ko talaga sila.


pero iba man si BANGZ sa WORLD WIDE WEB na binibisita niyo.Hindi man halata na ganun ako mag-isip at ganun kabaliko ang buhay ko.Huwag niyo sana akong husgahan.May mga taong sadyang itinadhana para maintindihan ako.Wag niyong masyadong ikapit si JANINE DIAZ sa madilim na mundo ng blog ni BANGZ.Hayaan niyo lang akong magsulat at hahayaan ko rin kayong basahin ito.Malaya kayong magbigay ng opinyon tungkol sa mga ginawa ko.


Salamat sa lahat.Sa mga nilalang na tinadhana para maging parte ng blog ko.Sa mga taong walang sawang nagbabasa sa BALI-BALIKONG BUHAY NI BANGZ.Sa mga nakakaintindi ng mga nais kong iparating at sa pagiging salamin ko para sa inyo.Kay ZOXIE (Loraine Gonzalez)na kauna-unahang nagbasa at mambabasa ng blog ko.Sana ayhindi kayo naligaw at naiba ng landas.Kahit paano sana ay may naging puwang ang pangalan ko sa utak niyo.Baguhan man ako sa pagiging BLOGISTA alam kong malayo ang mararating ng tirahan kong blog.Manatili sana kayong sumubaybay sa mga PALABAS NI BANGZ.Huwag sana kayong mapagod HUMARAP SA KATOTOHANAN.Samahan niyo ako sa BIYAHE ko patungo sa kasagutan sa mga tanung ko at tanung niyo.Thanks coz ive learned that"SUCCESS is not the end,FAILURE is never fatal,COURAGE is what counts."

Milya-milyang pagkakataon




Oh,siya na naman. Ang aking VIO! ang nag-iisa at tanging Vio ko.Ang makita siya sa klase ay tila kumpleto na ang lahat.


Sandali lang,Bakit masyado akong conscious sa sarili ko? Maganda ba ako tingnan?Ang bilis ng tibok ng puso ko. Mapipigilan ko ba ito? hindi ko kaya.Sinubukan kong magpapansin sa kanya,nginitian ko siya,pero hindi man lang niya ako nginitian.


Oo,siya si Vio at wala ng iba.Sa tagal ng panahong kami ay magkasama,naging magkaribal na kami sa pagiging honor sa klase.Simula pa lang nuong elementarya hanggang hayskul.Hindi ko siya masisisi sa pagiging ganuon.Ngunit may isang bagay akong dapat itago sa aking sarili,MAHAL KO SIYA,KAHIT ANO PA MAN.Ang puso ko ay tumitibok para sa kanya.Sa tuwing gigising ako sa umaga mas lalo akong napapamahal sa kanya.Para siyang kakaibang kaklase sakin.Lahat ng hinahanap ko sa isang lalaki ay nasa kanya-matalino,disiplinado,matipuno at higit sa lahat responsable,Ngunit anong gagawin ko?Hindi man lang niya ako kausapin.Kung alam lang niya na ang babae na tinuturing niyang karibal ay umiibig na sa kanya.


Nagpatuloy pa ito hanggang sa hindi ko na mapigilan.Magkahalong takot at pagkasabik ang aking narararamdaman.Nasasabik ako sapagkat sa wakas magsusuot na ako ng toga.Natatakot ako kasi ang pelikula na ginagawa namin ni Vio ay magtatapos na.ITS OUR GRADUATION DAY!!


Matitigil ko pa ba ang oras?Gusto kong tumagal ang araw na ito hanggang sa makaipon ako ng lakas ng loob na sabihin sa kanya kung gaano siya kahalaga.Nang abutin niya ang diploma,para bang iyon na ang katapusan ng lahat ng mga pangarap ko kasama siya na hindi pa man nabubuo.

makaraan ang 15 taong pagsubok na takasan ang alaala ng kahapon.Sa wakas nahanap ko na ang lugar kung saan ako nababagay.Masaya na ako sa buhay ko ngayon kahit na hindi ko maitatago ang katotohanan na ang nararamdaman ko para sa kanya ay hindi na mawawala.Pero anong gagawin ko?Siguro masaya na siya sa kung sino man ang pinili niyang mahalin?Ngunit para sakin hanggang ngayon mananatili parin siyang espesyal sa puso ko.Oo,sa wakas nahanap ko na ang aking kaligayan pero hindi parin ako kumpleto.



Gising Zandra!nananaginip ba ako?siya na naman.Paano ko malilimutan yung pagtayo niya na tila isang sundalo at syempre ang mga mapangusap niyang mata.Papalapit na siya sa akin habang sinasambit ang mga salitang "MAHAL KITA , SA SIMULA PALANG NA NAKITA KITA.IBA KA SA MGA BABAENG NAKILALA KO.YUN NGA LANG WALA AKONG LAKAS NG LOOB NA SABIHIN SAYO DAHIL WALA PA AKONG KAHIT ANONG MAIPAGMAMALAKI SAYO."Bakit hindi mo ako hintayin? Parang gusto ko ng tapusin ang buhay ko nung mga oras na iyon.Kung sinabo niya lang sakin iyon ng mas maaga edi sana magkasama na kami ngayon.

Naglakad siya papalayo habang dumadaloy ang mga luha sa kanyang pisngi.Gusto ko siyang habulin kaso pinigilan ako ng mga ka-ministry ko.Siguro hindi niya maaatim na makita ako suot ang asul na palda at mahabang damit at ang puting belo na magtatakip sa buhok ko upang hindi makita ng mga tao.Pero kahit ganuon,mananatili parin siyang nag-iisang lalaki sa puso ko.Kahit na ako ay isa ng MADRE,hindi ko makakalimutan ang taong naging dahilan ng malaking pagbabago ko.


Mas pipiliin ko pang maging tagasunod ng DIYOS kaysa makasama ang taong hindi naman si VIO.

Mahal ko si VIO pero sa ngayon,mas matimbang ang pagmamahal ko sa DIYOS at hindi na ito magbabago pa habang buhay.




Friday, August 21, 2009

longing for a grandfather


august 24,2005,2nd year highschool ako ng namatay ang lolo ko.I call him TATANG.bata pa lang ako ay na ay NASTROKE na siya.Madaling araw noon at nasa kahimbingan kami ng tulog nang may biglang kumatok si DITCHE(kamag-anak namin).nung time na iyon parang kinutuban na ako sa ibabalita ni ditche.Its either naospital ang tatang ko or patay na siya.Ako ang nagbukas ng pinot nang banggitin sakin ni ditche na "wala na ang tatang MO".Those words made my world stop.Those words made my heart beat so fast.Pinigil ko ang sarili ko na umiyak simula ng nalaman ko sa patay na siya,maging sa 6 days na burol niya at hanggang sa araw ng libing niya.

Kahit pa nakikita ko ang mga tito at tita ko maging ang mga pinsan ko din na naiiyak.Pinilit kong huwag ipakita sa kanila na naiiyak din ako.Pinigil ko ang luha ko everytime na sisilip ako sa kabaong niya.Pero sa totoo lang sa loob ko,malungkot ako.umiiyak ako ng ako lang ang nakakaalam.Tulad ng habang ginagawa ko ito mas lalo kong narerealize na sana nuon ko pa inilabas ang luha ko.

kapag wala akong ginagawa,pasikreto ako bumibisita sa puntod niya.Nagdidilig ako ng halaman.Ginagamas ko ang mag damo at nililinis ang kanyang lapida.Sa gilid ng sementeryo,bumibili ako ng kandila at hindi nakakalimot magtirik bago umalis.

miss na miss ko na ang lolo ko.kahit na hindi ko siya masyadong naiintidihan magsalita dahil nastroke siya.Miss ko na yung tatang na mangungutang para lang may ihanda kami tuwing fiesta.Yung tatang na kasabay ko kumain ng tanghalian pagkagaling ng school.Si tatang na sinesermonan ako kapag hindi ako natulog sa hapon at pinapagalitan ako kapag hindi ko naubos ang pagkain ko.

kahit hindi ko masyadong close ang tatang ko.Kahit bihira lang kami magkaroon ng bonding.Kahit na nagawa niyang kaliwain ang nanang ko..LOLO KO PARIN SIYA.

sa araw2x na nadadaanan ng biyahe ko ang sementeryo kung nasan siya.NAging bisyo ko na ang tanawin ang puntod niya at masdan kung may nagbago ba.Almost one year na akong di pumapasyal sa puntod niya kahit araw2x kong nakikita.Ngayon,halos matakpan na ang lapida niya ng mga damo gaya ng mga kalapit-punotd niya.
kaya on his 4th DEATH ANNIVERSARY,bibisitahin ko ang tatang ko.kahit man lang yun ang regalo ko sa kanya sa nakaraang bday niya..maswerte parin si tatang dahil kahit paano may bumubisita s akanya di tulad ng mga ibang puntod na halos wala ng makaalala. para dalawin.

Nagflashback tuloy sa isip ko yung panahong nakikita ko siya na talagang hirap na.NA gustuhin man naming dalhin siya sa ospital kaso wala kaming pera.Yung nakikita ko siya na nakahiga sa lumang papag namin at nakaratay na.Yung naririnig namin yung ungol niya dahil nasasaktan siya.
sapat na siguro,yun para mapagbayaran niya lahat ng kasalanan niya.Nagpahinga na si tatang at alam ko in GODS TIME makikita ko ulit siya.Yung makakausap ko na siya ng maayos kasi tuwid na siya magsalita.Yung moment na makikita ko siya na suot ang paborito niyang ALPOMBRA,hanbang hawak ang PUTING PANYO na hawak niya nung nakaburol siya.

ganun pla yung feeling ng namatayan.Parang kalahati ng katawan mo ay baldado.GAnun pala yung feeling na naglalakad ka habang kasunod ka ng karo ng patay.Habang suot mo yung puting tshirt at may blackpin na nakakabit sayo.Yung hanggang sa huling sandali na ililibing siya at hahagisan mo ng bulaklak.


i miss you tatang at sana kung nasaan ka man ngayon nasa maayos ka sana..

antayin mo ko tatang.magkikita ulit tayo yun nga lang matatagalan pa..

Tuesday, August 11, 2009

parting time




PARTING IS SUCH A SWEET SORROW.
kung sa iba masakit para sa kanila ang pagpaparay o paghihiwalay.meron namang iba na masaya na nangyari sa kanila yun..

WHY?

here are some reasons base sa PRINSIPYO NI BANGZ.

1.masaya na sila kasi naniniwala sila na yun ang mas makabubuti.

2. nagagawa nilang magparaya kasi para sumaya ang dalawa at masaktan ang isa.

3.kuntento na ,dahil gusto nilanh mapatunayan na mahal nila ang isang tao kaya mas gusto nilang sa mas karapat-dapat na tao mapunta ang mahal nila.

4.siguro,mas ginusto ng nagpaparaya na siya ang mas masaktan kaysa makita niyang nasasaktan ang mahal niya.

may kasabihan nga,"HABANG MAY PAG-IBIG,IPAGLABAN MO."

kung sa tingin mo WORTH IT naman ang taong ipaglalaban mo SIGE WAG KANG MAPAGOD MAGMAHAL.MAGSAKA KA LANG DAHIL SA BANGDANG HULI BAKA MAY ANIHIN KA.
kung sa tingin mo naman ang pagpapalaya ang pinakamagandang paraan para MAGBAGO KA.GO!!!

tulad nga ng lyrics sa isa sa mga favorite kong kanta;"IF YOU LOVE SOMEONE,YOUVE GOT TO LEARN TO LET THEM GO."

isipin mo nalang na nagawa mong magparaya na isang ibon na nararapat talaga sa dapat niyang tirahan.isipin mo nalang na tungkulin niyang SUMAKAY NG BARKO AT MAGLAYAG patungo sa lugar na gusto niyang puntahan.
hindi naman CHEWING GUM ANG LOVE na basta-basta mo nalang ILULUWA.siguro bago ka magpalaya isipin mo muna ng isang daang ulit kung mahal mo nga talaga ang isang tao.
"KASI ANG TUNAY NA NAGMAMAHAL AY KAPAG NAGAWA MONG IPAGDAMOT ANG TAONG MAHAL MO SA IBA."

minsan nakakapanghina talaga kapag yung taong ipinaglaban mo sa korte ay hindi mo naipanalo.nakapanghina in a way na sa hiwalayan lang magtatapos ang lahat ng pinaghirapan mo. totoo nga yung sabi ni BOB ONG:"MINSAN KAILANGAN MO RIN NG LAKAS PARA MALAMAN MO NA MAHINA KA",at sabi naman sa paborito kong telenovela."HINDI LAHAT NG MALAKS AY NAGWAWAGI PERO LAHAT NG NAGWAWAGI AY LALONG LUMALAKAS."

yan ang LOVE IT IS A WORD THAT HAS NO PERFECT DEFINITION.
ang PAGPAPALAYA ay di dahil sa duwag ka.hindi dahil sa takot kang masaktan at hindi dahil wala kang alam sa pagmamahal,kundi ang PAGPAPALAYA ang pinakamabisang paraan para mapatunayan mo na handa kang MAGSAKRIPISYO PARA SA TAONG MAHAL MO.


bANGZ SAID:

IM UNLUCKY BUT STILL BLESSED.

Wednesday, August 5, 2009

soundless beat




bago ko simulan ang drama ko.hindi ko alam kung bakit wala ako sa mood ngayon. kaya pasensya na kung saan man makarating ang blog na ito.


WHEN A HEART IS TRUE THERE IS NO NEED FOR WORD BECAUSE EVEN IN SILENCE,LOVE CAN BE HEARD.


naalala ko yung crysh ko dati.lagi niyang sinasabi na sana magparamdam na yung taong nagmamahal sa kanya.sabi ko naman,naku nasa tabi-tabi lang yun.(pasimple).tapos sinabi niya sakin ngayon na napapagid na siyang maghintay.sa loob2x ko kaw naghihintay lang eh mas nakakapagod kayang magparamdam.


may mga tao kasing sdyand sapat na sa kanila ang masabi nila ang salitang "I LOVE YOU"pero hindi naman nila kayang patunayan.meron namang masaya na sila na iparamdam ang pagmamahal nila kahit na hindi nila sinasabing "I LOVE you".


kung hihingin mo ang opinyon ko.hindi ko na kailangan sabihin mahal ko ang isang tao.hindi ko na kailangangipost sa bulletin at igm at ishoutout ito sa buong pilipinas para lang ipaalam at patinayan na nagmamahal ako,.walang taong TORPE nagkataon lang na takot sila or hindi pa handang masaktan.


LOVING IN SILENCE!kung baga sa kanta tunog lang ang pinakikinggan mo at walang lyrics.


may kaibigan ako si ART.siya ang kasabwat ko sa lahat ng kalokohan ko.tulad ng ibang tao.kahit gaano pa siya ka-immoral at abnormal ang tingin sa kanya ng ibang tao.marunong din pala siya magmahal.

yun nga lang tama na sa kanya ang patingin-tingin,sweet at caring sa taong natitipuhan niya.MAHAL NIYA BUT HE DONT HAVE THE COURAGE TO TELL IT DAHIL takot siyang mareject.

dumating ang JUDGEMENT DAY at isa ako sa mga saksi sa HUKUMAN NI KUPIDO.pinagtabi ko ang dalawa. sauna ay tahimik at walang kibo.ngunit nagsalita na si babae.


"ART,MAHAL DIN KITA!".biruin mo nalaman ni babae.hindi na niya nagawang tanugnin si art kasi nararamdaman na niya.

siguro yung 6o secs na yun ang pinakamahalagang oras sa buhay ng kaibigan ko.


minsan pala kailangan mo ring maging tahimik para mas malaman na totoo ka sa nararamdaman mo.minsan kailangan mo munang pakinggan ang tono at intindihin ang lyrics ng kanta bago mo ito maging paborito.at minsan kailangan mo munang subukan kung hindi kapa handang masaktan..


kung totoo talaga kayo sa isat-isa.hindi sapat ang paniwalaan nyo ang natitikman nyong lasa.hindi sa kung ano lang ang naabot ng dalawa niyong mata.maari niyo ding pakiramdaman at pakinggan ito gamit ang inyong tenga.


tulad ng nabasa ko sa isang libro na.:

"ANG PAG-IBIG AY HINDI NANGANGAILANGA NG DALAWANG TAONG NAGMAMAHALAN,KUNDI TINIG NG DALAWANG PUSONG NAGKAKAINTINDIHAN."

Sunday, August 2, 2009

how to hate this world

paano kaba magmahal?paano kaba masaktan?paano kaba maging manhid kahit na sobra ka ng nasasaktan ng taong mahal mo?mahirap sa dahilan na hindi mo man lang maparamdam ang pagmamahal mo.hindi sapat na sabihin mong "i love you".kulang pa ang mangako para lang masabi nyong mahal nyo ang isat-isa...at walang mangyayari kung parehas kayong hindi makalimot sa nakaraan nyo..masakit diba?masakit tanggapin na nilikha ka lang para magpasaya sa kanya..na ikaw ang tagapuno ng mga pagkukulang ng taong mahal niya..na tila isa ka lang tissue na pupunas at tagasalo ng mga luha niya,,at pagkatapos gamitin ay itatapon ka nalang o iiwan basta na tila isang basura..minsan nga naisip ko na sana di nalang ako natutongmagmahal.na sana lahat ay isa nalang laro..na sana ang mundong ginagalawan ko ay isang malaking playground..para naman hindi ako matutong magtanim ng sama ng loob..kung bakit ako naiinis sa buhay ko..pero kahit anong mangyari..kapag naiisip ko siya(zoxie)..i just simply smile and said.."how can i hate thid world ehh dito ko siya nakilala"thats life and thats we were supposed to be now..kahit wala akong ngwa ,,dahil minahal ko siya kaagad..

Thursday, July 30, 2009

your the best thing ive ever had





i was the so lonely
i wish i had a friend
to cry with
to talk with
and to
share with


you came along my way
and i learn to love you
your smile,your thoughtfulness and your gentleness
i have nothing to ask for.

days past,memories and laughters we shared
trials and sacrifice no matter how hard
but i can still endure the pain
just because I LOVE YOU VERY MUCH

sometimes we commit mistakes
and irealize that the more i pretend the more it hurts

maybe the answer is there inside.

giving up ones pride.


if someday we will fall apart from each others heart
i know forgetting you will be to hard

but bear in my mind my love

YOUR THE BEST THING IVE EVER HAD.

Wednesday, July 29, 2009

a proud dancer





The best thing to describe life is dance. Para sakin “life is like dance”.

As a dancer, ang buhay ay isang continous process of stepping to the rhythm.. every step youll make is equal to great responsibility.. buong buhay ko inilaan ko sa pagsasayaw. Ditto ko ikinapit ang sitwasyong nangyayari sakin ngayon. Oo, masaya maging dancer in a way na, kapag sumasayaw ka pansamantala kong nakakalimutan ang problema ko. Masaya kapag yung mga taong nanunuod sayo ay nag-eenjoy sa performance mo. Mas masaya kapag yung mga judges ay naimpress sayo. Kapag after the dance “WE GOT A BIG ROUND OF APPLAUSE”. Nakakaflatter dahil inspite of tired dancing, maligo man kami sa pawis, mangawit man kami sa kakasmile sa huli na-appreciate ng mga tao yung sayaw naming tama na sakin yun. Bawat move, bawat step kailanagan detalyado ganyan ang “BUHAY NG DANCER”.

Bawat pagkakamali ay din a maitatama ng isa pang pagkakamali unless maulit yung track song and make it sure na ayos ang gagawin mong sayaw.

Kailangan polido, malinis ganyan ang buhay diba?



ang dancer ay magaling magtago ng saloobin pero malupit magparamdam ng feelings.As a dancer, I believe that dancers are not great because of their technique, they are great because of their passion. To inspire, to dance this is the true meaning of dance.

ps.

pakihanap nalang ako diyan..

representing STYLES NO LIMIT!!!

your my medicine




kahit gaano pa katagal ang pinagsamahan niyo.kung sa tingin nyo ay mahal niyo ang isat-isa.masaya man kayo sa estado ng buhay niyo ngayon.hindi parin ibig sabihin nun ay nakatadhana kayo para sa isat-isa.
marami ngayon ang nabubuhay ng puro nalang akala.naniniwala sila sa sarili nilang prinsipiyo.pero sa tingin niyo ba ay may mararating ang kung anu mang prinsipyo meron kayo.
sabi ni bangz:"LOVE IS THE CURE AND LOVING IS A DISEASE.THE LOVER IS THE PATIENT AND THE LOVE ONE IS THE DOCTOR."

in tagalog,ang pag-ibig ang gamot.ang pagmamahal ang sakit.ang nagmamahal ang pasyente at ang minamahal ang doctor na siyang gumagamot.
may mga gamot na nakamamatay.may pasyenteng namamatay dahil sa maling gamot.at may pasyenteng namamatay dahil sa maling gamot na ipinainom ng doktor niya.
kung may sense of humor ka maiintindihan mo kung bakit kinumpara ko ang LOVE BILANG GAMOT.kulang na ang mga ospital natin para sa ganitong klase ng sakit.siguro out of 100%:40% dito ang RECOVERING o nasa intensive care unit(ICU).and 60% ang UNDER OBSERVATION oh yung mga nasa emergency room (ER).
pero kahit gaano pa karami ng klase ng gamot ang(LOVE)ang ipainom satin ng ibat-ibang doktor.kung sa tingin natin malala na ang sakit natin PARA SAAN PA?
sabi ng prof ko:"WALANG MASAMA SA LOVE WAG KA LANG MASOSOBRAHAN".

kapag nasobrahan ka sa isang gamot, baka maoverdose ka.
kung mahal ka ng doktor mo.aalagaan ka niya at gagawa siya ng paraan para gumaling ka.kung sincere siya sayo handa siyang magserbisyo ng libre at walang hinihintay na kapalit.
kaya ko naihalintulad ang pagmamahal sa sakit.kasi 3 months ago,may girl akong nakilala sa isang ospital.shes 19 year old named KHIM.at ginawa na niyang bahay ang ospital dahil sa sakit niya sa puso.nakilala ko siya habang naglalakad ako sa corridor ng ospital at nasilip ko ang kanyang kwarto.tinwag niya ako at dun kami nagsimulang maging magkaibigan.
sa four days na pagstay ko sa ospital marami akong nalaman at natutunan kay khim.pinipilit niyang gumaling kasi ayaw niyang masyang ang pagod ng doktor niya.kakalipat lang niya ng ospital kung saan ko siya nakilala.kaya pala ganun siya nanibago kasi iba ang ambiance at lalo na ang doktor na tumutingin sa kanya.
curious ako kung bakit ganun nalang kalapit at kaespesyal ang doktor niya.nang aminin sakin ni khim na ang doktor niya ay ang kanyang LONG TIME BOYFRIEND.
aba nagmamahalan sila dok at pasyente.

the last day ng pagstay ko dumaan agad ako sa room ni khim para magpaalam.nabanggit niya sakin na yung dok bf niya ay handa siyang operahan sa puso ng libre para tuluyan na ang paggaling niya.hindi sa walang pera sila khim.nagkataon lng kulang pa ito para sa operasyon.

masaya ako para sa kanya kasi nagkaroon siya ng doktor ng all-around.LOVER AND A HEALER.
iniwan ko kay khim ang contact number ko at pinangako ko sa kanya na "I WILL PRAY FOR HER FULL RECOVERY"

a week after,i received a text from khim.sucessful ang operation niya at malapit na siyang lumabas ng ospital.binalita niya rin sakin na nagproposed na ang DOK BF niya.
masaya ako para sa kanya kasi maganda ang naginig ending ng story nila.
sa tulong narin ng lOVE OF HER DOCTOR.
"LOVE IS THE CURE"at may isang bagay akong natutunan sa buhay ni khim na sinabi niya sakin:"IF LOVE IS THE ONLY MEDICINE FOR YOU TO SURVIVE THE HURT.DONT STOP TAKING IT.EVENTHOUGH NOT ALL MEDICINES CAN HELP YOU TO FORGET THE PAIN BUT ADD WOUNDS THAT YOU DONT EVEN DESERVE."

sana kung sino man ang doktor na nakatadhana sakin sana makilala ko na siya.
kailagan ko ng doktor na gagamot sa sakit na pinagdadaanan ko ngayon.
may kasabihan nga.:"HINDI NAMAN ASPIRIN ANG LOVE NA MABILISANG GAGAMOT SA SAKIT MO.ANG TOTOO NIYAN ILANG BESES KAPANG INOM NG ASPIRIN PARA MALAMAN KO KUNG PARA SAN BA TALAGA ITO."(BANGZ PRINCIPLE)
COZ IN THIS BLOG.narealize ko na "MINSAN ANG SUGAT AY HINDI KAYANG HILUMIN NG PAGIYAK LANG.HINDI KAYANG GAMUTIN NG PAGMAMAHAL NG IBA.DAHIL ANG SUGAT NA NILIKHA NG MAHAL MO AY WALANG IBANG MAKAKAGAMOT KUNDI SIYA MISMO."
REMEMBER "theres nothing wrong in being bitter.cause medicines usually taste bitter but makes you feel better."