Wednesday, October 5, 2011

IKAW BA'y HANDA NA SA BAHA



Sa mga balita ngayon kalimitang laman ang mga balita tungkol sa sakuna na nagganap sa ating bansa o kahit sa mundo.

kailan kaya magiging aware ang mga tao sa nangyayari sa kanilang mga paligid?

this is one of the social issues our country is facing today.Siguro hanggang sa di pa handa ang mga tao sa pagbabago, paulit ulit mangyayari ang mga ganitong kalunos lunos na pangyayari. Kung ano tinapon mo , babalik sayo! Tama .. isang malaking check kasi yung tinapon kong basura nung bagyong ondoy .. gosh bumalik saken ! sinamahan pa ng madaming plastic ! :(

Well, hindi ba kayo nagtataka sa mga pagbabagong nagaganap sa paligid ngayon/ yung mga lugar na hindi dapat biinabaha ayon lubog hangggang ngayon sa baha. Yung mga bansang hindi naman inuulan ngayong dinatnan ng malalaking buhawi at bagyo. May sobra pangang kulang nalang lamunin ng dagat ang lupang kilala sa pag discover ng mga robots.



Hindi na biro at basta basta ang mga nagyayari sa atin ngayon.Hindi naman natin pwedeng isisi kay God ang mga pangyayari kasi nilikha nya ito at supposed to be paramihin pa nga natin at alagaan, maari siguro sa mga tao isisi dahil sa kapabayaan nila. Sa sobrang paggamit ng mga likas na yaman nakalimutan na nilang magtira para sa kalikasan. Kung makakapagsalita lang ang mga puno sasabihin nila na kailangan nila ang lupa para mabuhay. Kung makakadaing lang ang dagat na nasasaktan sila sa tuwing ginagamitan at tinatapunan sila ng dinamita.

Hindi dapat isisi sa pamhalaan ang dahilan ng baha. Hindi pwedeng sabihinh gumaganti na ang kalikasan sa mga pinaggagawa ng tao. Tanungin natin ang sarili natin: HANDA NA BA AKO SA BAHA? HANDA NA BA AKO SA GANTI NG KALIKASAN?


Simulan natin sa sarili natin ang hakbang tungo sa pag aalaga ng kalikasan. Kung ayaw mo ng maulit ang pangyayari sa buhay mo na nakababad ka sa tubig, walang malinis na tubig na mainom,walang maapakang tuyo at higit sa lahat magkaalipunga mag ingat tayo at maging aware!

bow ~

Wednesday, September 21, 2011

Foeneneth ( wagas na pag-ibig)


Wala naman taong hindi nakaramdam magmahal"
lahat tayo may sense sa pakiramdam na makaramdam ng kakaibang feeling na tinatawag na"PAGMAMAHAL"

.. kung inlove ka eto ang kantang para sa iyo ..

Sanay Pakingan mo ang awit na sayong nilaan
kaya ko nagawang isulat Para lang maramdaman mo
ang nadarama ng sang katulad kong nagmamahal
kahit panulat at papel ngayon ay lalong nag mahal
hindi na bale basta marinig mo ang mensahe ko
at makadalaw kahit tanging dala’y pamasahe ko
dahil ang syang makita ka yan lang ang kasiyahan ko
kahit sabihin man nilang pag ti-tripan mo lang ako
wag naman sana.. kasi ayoko ng ganyang laro
akoy seryoso at hinding-hindi ako nag bibiro
kasi hindi ko mapigilan ang nadarama ko
papayag na ko kung sakaling ikaw na ang karma ko
sakin ay ayos lang atleast di ko pag sisihan
kahit kadalasan alibay mo ay busy busyhan
dahil naiintindihan kita’t ayokong mangulit
kasi pangako ko sayo ako’y magpapakabait..

CHORUS:
Hora ashimoto wo mitegorawu
Kore ga anata no ayumu michi
Hora mae wo mitegorawu
Are ga anata no mirai(X2)

Verse 2

kapag kasama kita ay di ko maintindihan
para ang lahat ng epal ay gusto kong masindihan
at gusto kong maramdaman mo kung anong nilalaman
ng aking puso at paniwalaan mong ikaw lang
ang syang mahal kahit sabihin pa na o.A daw ako
bastat malaman mo’t alam ko rin na ok lng sayo
kasi hindi ako maporma.. hindi ako ma boca..
di malakas mambola.. di kasing gwapo ni koba ..
at hindi ako makwento pag kausap mo sa phone
pero ang ligaya ko nung tayo ay maging mag-On
dahil ang katulad moy hinintay ko ng kay tagal
at ikaw ang syang tugon saking mga pag darasal
pag pasensyahan mo na kung medyo korni ang tula ko
pero alam mo bang sa puso ko pa nag mula to
hindi to katang isip dahil kusang lumabas to
daig ko pang nanalo at ikaw ang aking premyo..

Repeat CHORUS

Verse 3

Sa dinami-dami ng babaeng nagdaan na sakin
ay ikaw lang ang babaeng ang lahat walang masabing
negatibo kasi pra sakin perfect match kana
di kita pag papalit kahit pa sa mga kana
dahil ang pagmamahal ko ay di kayang dangkalin
mas malawak pa sa dagat di mo kayang bangkain
di na kayang tanggalin at tangkain man lang masira
mas matibay pa sa bakal kung tiwala ay mabisa
sana ang pagmamahal ko ay wag sanang pag dududahan
at ipaparamdam ko ito sayo ng dahan dahan
gagawin ko ang lahat -lahat ng yong mga naisin
lagi kang papatawanin at hindi ka gagalitin
kasi pag nakangiti kay gaan ng mundo ko
pag kayakap kay nalilimutan ang problema ko
kasi alam mo bang pangalan mo ang laging nasa-isip
sanay makasama ka hanggang saaking panaginip..

Hora ashimoto wo mitegorawu
Kore ga anata no ayumu michi
Hora mae wo mitegorawu
Are ga anata no mirai..



Listen to Songs: http://videokeman.com/foenineth/mirae-tagalog-rap-foenineth/#ixzz1Yf9eIxMb



sa mga mambabasa , masarap ma inlove, kasi eto lang yung pagkakataon matututo kang maging mature sa buhay ! eto yung point na nagiging totoo ka sa mga binibitawang mong salta, panahon sa isang tao kung saan makakaramdam siya ng ibang kasiyahan sa buhay ! yan ang pag-ibig pag napunta sayo ng tama WAGAS ..

Saturday, September 17, 2011

A 19 yr old girl named ZOXIE



after a year eto na naman ako para magpost ng simple bertday blog for my special slash loving someone --> ZOXIE

haist ! di na nga talaga siya bata :)
gang dito nalang ba ang kaya kong iregalo sakanyang birthday?
its been 1 yr and 10 months may nakarecover na ba? meron na siguro pero yung mga bagay na nangyari na nakapagpasaya saming dalawa yun siguro yung di kami makakarecover kasi wala nang makakagawa ulit non.

bihira nalang kaming magkausap, i know and i admit that pero pag nagkaron kami ng pagkakataon masasabi kong yung mga oras na di kami nagkakausap sulit sa ilang txt message lng na galing sa kanya :) cHILL






"Nalaman Kong habang lumalaki ka, maraming beses Kang madadapa. Bumangon ka tao ulit o Hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras. "

eto lang masasabi ko ; LAKAS MO PREEEEEEEEE!!!!


mensahe ko para kay zoxie !



tanda habang may buhay may siomai ! hehe joke ..

sana ngayong 19 ka na mas marami ka na ngayong plano sa buhay na nais marating ( wow pang beauty queen ) di nga seryoso !

topak ! kelan kaya tayo magkikita hays ayoko planuhin kasi alam kong tatadhana talaga tayo para magkita ( sa simbahan ) hahaha!
sparky alam ko namang masaya ka sa buhay mo ngayon . wala naman atang nanggugulo.yaan mo budx makakapagintay naman ako papatangakadpa ko bago tayo magkita.

kung ako siguro ay kasama mo nung bday m at hawak ko ang inaasam kong canon eos camera , ilalaan ko yung oras ko sa pagcapture ng moments na nakangiti ka ! hapi bday manang .. wag mong papabayaan ang sarili mo nene at magagalit si jojo ! sayang kakantahan pa naman sana kita ng kanta ni neyo- yung together ! hehe

bestbudx ingat plagi hah ! wag mong pababayaan ang sarili mo . pati ako wwag mo kong papabayaan ! hehe gusto mo ba ng banat? eto bibigyan kita !

balot ka ba?
bakit?

..
kasi hinahanap hanap kita gabi gabi ehh WOOOOWWW ! :)

mahilig kaba sa ice cream?
bakit?

..
kasi ice cream ako eh WOOOOWWWWWWWWWWWWW !!!!!!!!


haha tama na

hapi beerday ulit budx
19 yrs of rocky road
hehe
love you always lamoyan yown !

im irr for u !
im not the only one for you, but your the only one for me !
at pag iniwan mo ko , gigising na ko ng mag -isa nalang





from ;

tatang ! nag-iisang bangz sa buhay mo
IKAW LANG SAPAT NA !

Wednesday, September 7, 2011

MAKAKALIGO NA AKO Bow :)




Ano na ba nangyayari sa bansa ngayon? Ano naba nagyayari saken ? nakakaloka ang thesis writing mntik ko ng makalimutan na tao rin ako kailangan ko rin maligo.

Di bale ilang months na lang makakapaligo na ko !
ilang months nalang magiging gagong guro na ko ! haha
nakikinig ako tuwing hapon at 2 to 3 pm ng segment ni Dj diwata sa 91.5 ( promoting )
at pasalamat ako dahil hindi ako inaantok dahil ang ganda ng napapakinggan ko.. teka lumalayo na ata ako sa title ng blog ko :) MAKAKAPALIGO NA KO ! oo BULAKBOL
Ano bang gamit mong shampoo?
Naghihilod kaba?

grabe .. di ako makaget over sa nakatabi ko ang ganda niya ang ganda niya pag naligo ! over baho...........
well ikiskis mo pa ang sandamak na soap at maxi peel .. echos


anu kya itsure ko kapag sobrang di ako naligo?
isipin m nalang parang pugad ang buhok ko .

haha .. Makakapaligo na siya....

Thursday, July 21, 2011

Finally, IM BACK

Masarap pala talagang mag blog ano lalo na at araw-araw kang may magandang kwento .
Hays, Collge life busy talaga . akala ko pa naman pagbalik ko madami na akong fans at followers sa blog haha . medyo nadagdagan naman awa ng master blogsphere :)

Nga pala thanks sa mga masugid na nagbabasa at nagfollow sakin , pati na rin sa mga napilitan hehe . know what , Pinangarap kong matulad ang blog ko sa page ni Prof. Pajay, kuya jepoy at Kuya Lordcm, pati na rin si Kosa . Binalak ko din maging Hall of Famer khit man lang maging NOMINEE SA PEBA. Well, gang plano at pangarap lang siguro yon. ( aww, may dumapong ipis mukhang nakikibasa sa tinatype kong blog Chill !)

Madaming bagay ang nagyari. Madami na din palang nawala sa blogsphere simula ng nawala din ako ( sunod sa yapak ko kaya ganun :) hehe). Siguro panahon ngayon ng pagiging busy busyhan. Kamusta na kaya sila Aneng. Patola, at Kuya Saul ?

haist badtrip. Nagbunutan kame ngayon lang 1st Reporter ako na magdedemo. :-(


(after 1 week ...)


haist bukas na ko magdedemonstration :( wala pa akong nagagawa)
hindi ko alam kung PAANO KO i IINTEGRATE ANG Theme na: LOVING GOD LIVING GREEN sa subject na P.E. ?

-- mmya magtatanong ako sa prof. ko! if pwede sa tuesday nalang hehe :)
binagyo ang Pilipinas Sumama na pati utak ko tahaha..

well pumahabol ang post
bazta nagbalik na ko smile na kayo :) ung malaking SMILE !

Wednesday, July 6, 2011

An UNBORN CHILD WRITES:






Minsan sa aming klase nanghiram ako ng isang mallit na libro sa classmate kong madre na si Sr. Analyn . binuksan ko ang Libro hinalikat ang mga pahina ng mahulog ang isang naliit na papel at ito ang nakaantig ng aking puso. KOnektado ito sa isyu ngayon na pinag aawayan at dinedebate sa Kongreso ang RH BILL.
Pakibasa nalang mga Co- Bloggers. : ( Feedback are accepted)





My Dear Parents,

I am sure you'll be surprised to hear from me, but I am afraid to wait any longer as my chances of eternal life are running out with every passing day. I am your UNBORN CHILD. No one kows me; no one ever will, unless you decided to bring me to life, Every time I have a chance of life, you are clever enough to take that out of which God forms me, and discard it. I am then forever forced to remain a thing of naught. If you only realized that you have God's power to decide who shall live and who shall not. When you keep me out of life a thousand others perish with me, too. You see, Life is a chain and when one lick is broken, the other links slip back into seas of silence. With the passing centuries parents long forgotten become other Adams other Eves, first parents of many men.

Could I possibly be so close to eternal life and yet until you decided to have me, be so very, very far away? I would be the sixth, I know, but I would try not to be too much trouble. I promise i'll be the one who will take care of you when you are old. I dont mind if you have to move after I am born. I dont mind being crowded, cold or hungry! All those things are passing with time; what is important to me is life eternal. Which one of my brothers and sisters would you now give up? but wait until you see me! you'll really love me.

surely one more would not destroy all the joys of life. On the contrary, I would bring into your home another ray of heaven- another unit of love. The laughs, the tears, the times we would have together and heaven for all eternity- all these things hang on your decision. I dont know why God gave you such power over me. If you get to heaven I'll not be there either because the laws of heaven state that man must pass via the womb of woman before he can enter in. you'll be happier when I am on your lap instead of on your conscience.

I will be waiting to hear from you, hoping some day to meet you.


I remain.
YOUR UNBORN CHILD


:-(

( from the book of Humanae vitae)

Sunday, April 24, 2011

IM BACK (welcome ulit sakin :-)






sa wakas after 7 months nakapagpost na rin ako ng blog..
well nakakamiss pala magtype ng sarili mong experience.. nakakamiss din pala yung mga taong nagcocoment sa blog ko. ANDITO NA KO!

7months?? tagal na siguro kaya medyo natigang ang utak ko...
madami akong natutunan .. mga bagay na maari kong gamitin sa pag bablog..
namiss ko magkwento about sa story namen ni ZOXIE.. well hindi naman siya natapos.. kumbaga sa twilight at harry potter maraming sequel..

maraming trials, struggles at pagkatalisod sa kalsada hndi dahil sa nakahigh hills aq kundi sa nagttext ako. (IMBA)
i miss all .. at madami ako ikkwento siguro eto muna
nagiipon pa ako ng lakas ng loob . kasi alam kong marami akong maibabahagi na aral sa mga nagbabasa ng open diary ko. sa seven months na yun natutunan ko
NA ANG MGA BAGAY PALA NA MINSAN MONG TINALIKURAN KAHIT ANONG IWAS MO, KAHIT ANONG PILIT MONG KALIMUTAN NA , KUNG NAGKARON NAMAN TOH NG PUWANG SA PUSO AT MUNDO MO. LILINGON AT LILINGUNIN MO PARIN ITO PARA BALIKAN DAHIL MANIWALA KA MAN SA HINDI SUMAYA KA DITO.

WELCOME SAKIN
welcome satin bangzoxie!!

Wednesday, September 15, 2010

Finally, dalaga na si Zoxie





Well bakit nga ba ako nagpopost!!! naka online ako sa facebook ng di ko inaasahang makita ang STATUS ni LORAINE ( REIIN GONZALES CROOX IS IN RELATIONSHIP WITH ALVIN??)

late na naman ako.. kung sila man di ako nakapila! kainis


[nabadtrip at nanghinayang kaya nagisip ng topic]

FINALLY, DALAGA NA SI ZOXIE (topak sa buhay ko)
18 years old na siya at mature enough para magdesisyon para sa sarili niya. Dati sa una kong bertday blog sa kanya almost puro message at wishes ! And now siguro magkukuwento ulit ako ng buhay ko AFTER naming magkahiwalay ni TOPAK!!

After december 24.. sobrang dami kong natutunan. hindi ko alam pero yun siguro yung tinatawag na DI INAASAHAN.
Nagmahal ako para MATUTO hindi para MASAKTAN. Sa nangyari sa relasyon namin ni Loraine wala man lang akong naramdaman na galit. Pati break up namin aminado akong naging tahimik.

May isang bagay lang na pinagtataka ko, Bakit yung ex ni loreng at yung jowa nya naun tumagal samantalang sakin 1 and a half month?

September 17 2009 ng huli akong magpost ng birthday blog ko for ZOXIE. One year na pala ang nakalipas after kong ihayag yung mga bday wish ko para kay TOPAK. Now im here nakaharap sa laptop (courtesy of ate jinky) para magpost ng di ko alam kung anu ba ang sasabihin ko para sa TAONG MINSANG NAGING PINAKAESPESYAL SA BUHAY KO.

Well, finally dalaga na si Lorelie Gonzales, (kilala sa tawag dito sa blog kong ZOXIE)

18 years old na siya at mature enough para magdesisyon para sa sarili niya. Anu nga ba naging buhay ko after naming magkahiwalay ni Topak? Aminado ako it takes 6 months para mag-antay pero 1 month para makamove on! Mas nauna ang MOVE ON ko kaysa PAGHIHINTAY. And now its been 8months at siguro eto na yung sinasabing PROMISES ARE MEANT TO BE BROKEN. Why? Kasi…. Hindi ko natupad yung usapan namin ni Topak na sa pinakaespesyal na araw sa buhay niya dapat magkasama kami, Kumakain ng Balot, nagtutusok g siomai at kinakamay ang kalamares. Magdamag magkukuwentuhan at inabukasan pagluluto niya ko ng adobo.

Hindi naman ako nagmahal para masaktan, nagmahal ako para may matutunan.








Aminado akong di kami nagtagal ni Loraine, at mas matagal pa yung paghihintay ko kasya sa mg araw na OFFICIALLY KAMI NA. Kaya marami ang di naniniwalang nahirapan ako magmove on.

Ang totoo everytime na makikita ko yung pictures ni Topak kasama si Jhoan (gf niya). May konting kurot sa puso ko. Gusto kong iminimize or iclose yung page para somehow di ko makita yung pic nila pero THAT’S THE REALITY na si Topak nakamove on na samantalang ako napag-iiwanan. May nakilala akong katulad ni Topak, pagdating sa pag-iisip ng mga positibong bagay (si MOMAY). But now, malapit na siyang ikasal. At yun yung pinakamasaklap na parte sa buhay ko, na nagregalo si God sakin ng 2 taong super nagcause ng great change sa buhay ko at sa bandang huli kukunin din sakin at ibibigay sa iba.

Siguro kung tatanungin ko si Loraine ngayon kung ano yung greatest dream niya. Ang isasagot siguro niya sakin ngayon “ Gusto kong maging Photographer”. At hindi na yung “ Gusto kong tumira sa isang mall at kainin lahat ng ice cream”

Iniisip ko kung isang estudyante pa ba si Loraine na makikita sa gilid ng room habang nagbabasa ng libro? Yung iiyakan yung mga bagay na maliit lang?

After 8months ngayon ko lang ulit naopen itong samin ni Zoxie. Ngayon lang ulit ako nakapagpost ng blog. Siguro nga, marahil itong blog na to ay para lang sa storya namin ni Zoxie na open for all madlang pipol. Ngayon ko lang aaminin na OO UMIYAK AKO!! SA FONE MISMO HABANG KAUSAP KO SI LORELIE. LALO NA NUNG SINABI NIYANG KASAMA NIYA SI JO THAT TIME. Umiiyak ako habang sinasabi ko sa kanyang “DAPAT AKO YUNG KASAMA MO DYAN EH”

Hindi masakit pero malungkot sa part ko. Hindi ako umiyak kasi nasaktan ako, umiyak ako kasi alam kong yung oras na iyun ay yung huling oras na pwede kaming maging sweet sa isat-isa ng walang malisya. Malungkot dahil yun na yung huling beses na tatawagin ko syang HONEY.

May something sa puso ko na hanggang ngayon nakalaan parin kay Zoxie at di ko alam kung ano yun. Dalaga na si tanda. At isa na ako sa mga taong nakangiti habang tinitignan siya na malaki na ang pinagbago.

I know at nararamdaman kong dito ako hahanapin ni Tanda kaya magiiwan ako ng mensahe para sa kanya.


TANDA/TOPAK!

Happy happy 18th bertday! Sorry kung di ako makakapunta dyan para kumain ng ballot. May intrams kasi kami at lalaban ako ng badminton. Don’t be excited tanda, baka ayaw pa ni lord na kumain ako ng balot dyan. Pupunta ako dyan sa time na may karapatan na akong pumunta dyan dahil legal na ko sa mga taga Laurel at STI.

Topak I miss you! Miss you so much.. Tanda im happy for you in a way na Ok ang buhay mo ngayon. Siguro time na para sabihin ko sayo yung tunay na feeling ko. Tanda, mahalaga ka sakin. May isang pinto sa puso ko na inaantay ka para katukin mo. May mga bagay ditto sa mundo na isang tao lang ang makakapagpatunay na totoo lahat. Abutin mo lang ang mga plano mo sa buhay. Alam kong kahit di ka pa 18 mature ka na mag-isip.

Topak its my 2nd bday blog. And sana nagiimprove hahaha.. di naman ako nawala eh andito lang ako. Nagkataon lang na yung prisensya na nakakapagpasaya sayo ay kasama mo. Kaya nababalewala yung aura ko. Ang sarap isipin na di man lang tayo nag-away nung di pa TAYO at nung TAYO na at lalo na nung hindi na TAYO. May isang salita na tumatak sa isip ko na ipanamana mo sakin à MARAMING PWEDENG MANGYARI! At dahil dyan naniniwala akong marami pa ngang surprises at changes na mangyayari.

Topak dito ako, still buo ! thanks for everything sorry for this simple gift eto nga pala contact ko ( 09483751791)

Happy 18th bday lorelie Gonzales. Isa ka ng ganap na dalaga. No more ice creams, koko crunch and kitkat. Again happy bday at sana maging Masaya ka pa sa mga susunod mong araw!

from your:

topak and bestbuds.


Monday, August 23, 2010

Mga hinuhang Magaganap

Mga Hinuhang Magaganap

By. Janine Diaz

Natigil ako SA pagbabasa habang nasa biyahe ang eroplanong aking sinasakyan ng madako ang aking panigin sa petsa na nakalagay sa pahayagan na aking binabasa, Abril 2022. Sampung taon na ang nakalipas nang ako ay nagtaos ng klehiyo sa CAINTA CATHOLIC COLLEGE. Ako si Janine Diaz. Kilala sa tawag na Bangz, isa ng ganap na manunulat na nakadestino sa California at nagtatrabaho bilang isang editor sa isang malaking kompanya sa L.A... Binigyan ako ng 7-day vacation leave na malugod kong tinanggap. Napili kong umuwi nalang ng Pilipinas dahil matagal din akong hindi nakabisita dito.

Naalala ko ang EDUCRATS. Inilabas ko ang litrato na nakatago sa wallet ko. Sampung taon na ang nakalipas matapos naming matanggap ang inaasam na diploma. Matapos naming magpalitan ng autograph, iyakan at yakapan. Wala na akong naging balita sa kanila. Ano na kaya ang nagging buhay ng EDUCRATS? Nagtagumpay kaya sila sa napili nilang larangan?

Habang inaayos ko ang damit ko,maksidenteng nahulog ang litrato naming. Dinampot ito ng isang babae at iniabot sakin. Nang tiningala ko siya para pasalamatan siya pala si Abegail Guevarra isa ng flight stewardess sa isang first class airline.nang lumapag ang eroplano nagpaalam na ako sa kanya. Sa paglalakad ko sa NAIA nabunggo ako ng isang newscaster si Mam Reggie Guevarra na nagmamadali para sa flight niya patungong U.S upang saksihan ang panunumpa ng bagong presidente na si Michelle Obama.

Tumungo muna ako sa El Grande Hotel na pagmamay-ari ni Janine Zapanta upang magpahinga. Makaraan ang 2 araw nakatanggap ako ng tawag mula sa kaibigan kong si Bob Ong. Naghanda pala siya ng mga talaan ng aking mga dadaluhan para sa bago kong libro.

Binuksan ko ang telebisyon para manuod ng balita at si Liezel Joy Muya na pala ang pumalit kay Mel Tiangco sa 24 oras. Binabalita niya ang tungkol sa pinay na bagong miyembro ng NASA si Ritchelita Laurente isa ng astronaut. Kinabukasan tumungo ako sa Mall of Asia upang saksihan ang pagbubukas ng isang galeriya na pagmamay-ari ni Grace Agustin na isang pintor; lalo akong napahanga ng ipinta niya si Grace Dei de leon na isang sikat na ramp model suot ang napakagandang damit na likha ni Monique Lhuiller.

Binuksan ko rin ang aking laptop para puntahan ang webite na www.travelwithdiane.com isang sikat na website ni diane Jose tungkol sa kanyang paglalakbay bilang misyonaryo.

Sa ikalimang araw na pamamalagi ko. Niyaya ako ng bagong may-ari ng Julie’s Bakeshop na si Kaye Gaco upang manuod ng isang konsiyerto. Tampok ang international recording artist na si Ivan Manela na bagong kasal kay Ofelia Medina na isa ng guro sa Unibersidad ng Pilipinas. Panauhin din sa konsiyerto ang bokalista ng bandang Parokya ni Jm na si John Michael Gutierrez na ama ng 2 supling ni Marisa Jimenes, ang abogado ni Aling Dionisia Paquiao. Pumunta din ako sa Asian Hospital para bisitahin ang kababata ko ng makabunggo ko si Marisa Biscuecos. Na nurse na doon. Sa di kalayuan nakita ko si Ema Rose Gaco na nurse naman ng isang senador. Sa labas ng ospital ay ay nakasalubong ko si SPO1 Grace Abines at SPO2 Marianne Joy Pasang na kasalukuyang may iniimbestigahang krimen sa tulong na rin ni Elena Siasat na isa ng crime scene investigator.

Sa ikaanim na araw ko nakatanggap ako ng imbitasyon para maging panauhing pandangal para sa araw ng pagtatapos ng mga sekondarya sa CAINTA CATHOLIC UNIVERSITY. Iba na ang eskwelahan na minsan ay aking naging tirahan. Lumawak na ang dating isang palapag na gusali ng mga kolehiyo. Ang pasilidad ay kompleto Na. Ang silid na dati ay tmatagaktak ang pawis naming ngayon ay fully-airconditioned na.

Tumungo ako sa opisina ng punong guro at sumalubong sakin si Francisco Aguba ang bagong college dean. Sinalubong din ako nila Wenilyn Bautista, Rosevie Moyo, Maryrose Marco at Allan Salazar na pawing mga guro na din sa aming eskwelahan. Sila Unica Cano, Marybel David, Reyna de Guzman at Myleen Servo naman ay ipinagmalaki nila sakin ang diploma nila ngmakatapos sila ng Master of Arts.

Sinulit ko ang oras dahil baka matagalan ulit ako bago makabalik. Naglakad lakad ako sa pasilyo na dati ay kalimitan kong dinadaanan. Dinalaw ko ang silid kung saan ako natuto sa maraming bagay, bumagsak sa mga pagsusulit at kung saan pinahalagahan ako na aking mga kaklase.

Nakita ko pa yung sarili ko na nasa likuran malapit sa pinto habang nakikinig sa mga sermon at pangaral ng guro ko. Nakita ko pa ang sarili ko na nakikipagkwentuhan sa mga kaklase ko kapag walang klase. Naririnig ko pa yung tawa naming magbabarkada habang pinaplano kung saan at kailann kami maglalaboy.

Naupo ako pansamantala sa stage. Pinagmasdan ko ang paligid ng paaralan. Miss na miss ko na ang EDUCRATS. Ang mga kaklase kong apat na taon kong kasama ay makikita ko pa kayang samasama? Ano na kaya nangyari sa mga guro ko? Paano ko sila pasasalamatan kung ngayon ko lang natututunan mga tinuro nila?

Sa ikapitong araw at huling pamamalagi ko, nakatakda muli akong magtalumpati sa aming eskwelahan para magpasalamat sa mga sumuporta sa libro ko. Sa pagbukas ng talon, bumungad sakin ang maraming tao na hindi ko inakalang ganon karami ang dadalo. Pinasalamatan ko lahat ng naging bahagi ng tagumpay ko. Sa huling parte ng aking talumpati ay binanggit ko na:

“Life is never about the people who act true to my face,. It is always about the people who remain true behind my back.”

Nagtayuan ang lahat at pumalakpak. Nang masorpresa akong isa-isa ng umaakyat sa entablado ang mga dati kong kaklase na andun pala para suportahan ako.

Yan ang mga graduates ng CCC matagumpay sa mga napili nilang larangan.

I love the way you smile while take pics ♥
I love the way you scold me 'Baka' ♥
I love the way you laught ♥
I love the voice when u jst awake ♥
I love to see your eye ♥
I love to hear you scold me '傻瓜' and i love to be your '傻瓜' forever ♥
I even love the way u jealous, and pretend your'r not jealous ♥