Saturday, December 26, 2009

Ang Kwento at kwenta ng LABLAYP ko



" may mga taong tinadhana para maintindihan at tanggapin ang isang tulad ko bilang tao dito sa mundo, na kahit minsan magulo may pagkakataong sumasaya ito lalo na kapag nakita mo na ang taong babago sayo.."-BANGZ

Higit isang libot-isang tuwa na siguro ang naibigay ko sa taong mahal ko.Sa loob ng isang taon at dalawang buwan na biyahe namin sa baku-bakong daan madami na kaming trapik na nadaanan.
MAy mga pagkakataong kahit na alam nating mali ang ginagawa natin tuloy-tuloy parin tayo kasi ayaw nating may mawala satin.Ang BLOGA na ito ay ginawa ko para ipaalam at isigaw sa mga tao taas noo,sa buong mundo ANG KWENTO AT KWENTA NG LABLAYP KO!

Isa akong simpleng tao,seryoso sa lahat ng bagay na ginagawa.Walang panahon sa pakikipagtalastasan sa mga tao.HATE ko talaga ag pagsusulat dahil ang paniniwala ko "ANG PAGSUSULAT GAYA NG MGA TULA AY GAWAIN NG MGA LONER AT BROKEN.Hindi ako malalapit sa taong tinuturing akong malapit sa kanila.May sarili akong mundo at pananaw na "ANG PAGIGING INLOVE AY PARANG ICE CREAM NA NATUTUNAW DIN"(DATI YON).Bihira lang tumibok para sa isang tao ang puso ko.Aoyko kasing pagkatapos sa ISA sa sususnod na araw meron ka ng bagong ISA.

Simula ng dumating SIYA,lahat ng akala ko hindi ko magagawa nagawa ko dahil sa kanya.SINO si SIYA at KANYA?Sa mga madalas tumambay sa BLOGHAUS ko siya si ZOXIE -MY MEDICATION.



Hindi ko alam kung may matututunan ba kayo sa lablayp ko pero isa lang ang sinisigurado ko "hindi ka magsisisi na binasa mo ito".Siya bagamat hindi ko pa nakikita masaya ako sa naging resulta ng story naming dalawa.Hindi ko alam speechless ako this time kasi on the spot kong ginagawa ito.Madami na kaming pinagdaanan ni Zoxie at karamihan dun nalagpasan na namin at yung iba kinalimutan nalang.Siya yung masasabi kong titser na dahil sa kanya sinisipag ako pumasok ng eskwelahan.Para siyang sorbetera ng ICE CREAM na hahanap-hanapin ko kapag may problema ako.Siya yung nagiging dahilan para magkaroon ng kwenta ang panyo na pinupunas ko sa luha niya lalo na kapag umiiyak siya.Siya yung dahilan kaya nauubos yung papel at ballpen ko para lang isulat ang mga nararamdaman ko.PARA SIYANG PAGKAIN NA KAPAG HINDI AKO KUMAIN MAGUGUTOM AKO AT MAARING KONG IKAMATAY.

Yan ang kasa-kasama ko sa pagbuo ng mga pangarap ko.hindi ko alam pero kahit anong mangyari maging sobrang bigat man ng problema sa relasyon namin di namin magawang magalit sa isat-isa.Sabihin mo nga:MASASABI MO BANG MATIBAY ANG SAMAHAN NAMIN?

Sabihin man ng iba na masyado akong pathetic sa LOVE pero MAHAL KO SIYA at SIYA NA ANG GUSTO KONG MAKASAMA SA MGA NATITIRA KONG BUHAY DITO SA MUNDO.Wala akong pakialam sa sasabihin nang ibang tao basta may paraan ako kung PAANO KO SIYA IPAGLALABAN SA IBANG TAO.Walang debate na uso samin kasi nagkakaintindihan kami ni Zoxie.Marami ng binago sakin yang tao na yan at kung sakali man na magkahiwalay kami,hindi ako babalik sa dating ako,WALA AKONG MAGAGAWA KUNDI MANATILING SA KUNG ANO AKO NA NABAGO NIYA AT MANANATILING BUO PARA SA KANYA.

HiNdi NamAN kAiLanGaN ng mAramiNg TaO pARa bUmuO ng MunDo KO eh.. MiNsAN IsAnG tAo lang ang KaSamA KO, BuO na ang MundOng KaiLaNgan KO habAmBuHaY...
AT siya lang ang kukumpleto dun.
yan ang KWENTO AT KWENTA NG LABLAYP KO.

Loraine Gonzales,Wifey,tanda,manang,bebita,sparky,topak,melisa,nene,bezbuds.MAHAL NA MAHAL KITA at sana hayaan mo kong sabihin yun sayo!nobody else IKAW LANG WALA NG IBA!

Monday, December 21, 2009

Pasko kasama ang Isang OFW


Isa sa pinakamalungkot na lugar para sa mga OFW ang ‘airport”. Ito kasi yung lugar kung saan malalayo na sila sa kanilang mga mahal sa buhay. Dito nila binubuhos yung mga luha nila n asana kung pwede lang hindi na sila umalis pa.

Sampung taong gulang ako ng umalis ang aking ina patungong ibang bansa upang doon magtrabaho at maghanap ng swerte. Umalis ang mama ko na hawak ang mithiin niya na itataguyod niiya ang pamilya naming. Hindi man madali para samin pero may tiwala kami kay Mama.

Tumagal ng mga taon si mama sa ibang bansa. Bagaman umuuwi siya kada ikatlong taon,kulang pa ito para makapiling ang inang bihira lang naming makasama. Tinaguyod kami ni Mama hanggang sa makatuntong ako sa kolehiyo. Kumuha ako ng kursong journalism dahil yun ang pangarap ko at gusto ni Mama para sakin, ang maging manunulat. Nagsumikap ako sa pag-aaral higit pa sa pagsisiskap ni Mama sa pagtatrabaho para naman kahit paano ay masuklian ko ang pagmamahal niya sakin. Sa bawat dampi ng ballpen ko sa papel ay inspirasyon ko si Mama. Kapag nakakatapos ako ng isang sulatin ay iniisip ko kung tapos na kaya si Mama sa 18 oras na trabaho niya?. Nagpahinga na kaya siya matapos niyang manahi ng mga damit at mag-alaga ng bata na hindi naman niya anak?.

Kailan kaya siya uuwi?. Limang pasko naring hindi buo ang pamilya namin. Disyembre na,isang lingo nalang bago magpasko ngunit wala pa akong balita kay Mama. Nais ko sanang ipagmalaki sa kanya ang tropeong napanalunan ko sa isang paligsahan sa malikhaing pagsusulat. Nais ko sana ngayong Pasko ,ksama namin siya. Kasalo sa hapagkainan at kumakain ng hamon sa Noche Buena. Paano ko maibibigay sa kanya ang binili kong regalo gamit ang naipon kong pera na napanalunan ko sa ibat-ibang palahok.

Dumating na ang bisperas ng Pasko,maagang nagluto sila Ate para sa Noche Buena. Nadako ang aking tingin sa Christmas tree na dati at dinedesenyuhan naming kasama si Mama. Hindi ako mapakali at tila biniblang ko ang bawat minuto na lumilipas. Ngayon lang kasi kami hindi binati ni Mama ng “Maligayang Pasko”. Biglang narinig ko ang pagkatok sa pintuan. May tao ata? Hindi ko alam kung bubuksan ko ang pinto. Bumilis ang tibok ng puso ko. Si Mama na kaya ito? Bubuksan ko na!! natigil ako ng ilang sandal dahil sa bumungad sakin. Ito ang babaeng matagal ko ng hinihintay ang pagbabalik. Ang aking Mama!! Agad niya akong niyakap ng mahigpit samantalang ako ay gulat parin sa nangyari. Muli ko na naming naramdaman ang yakap ng isang ina.

Natupad na yung hiling ko n asana ngyong Pasko ay mabuo ang pamilya naming. Inabot ni Mama ang regalo sa aking mga kapatid at panghuli ang sakin. Binuksan ko ito at nasorpresa ako na ang laman ng kahon ay isang blankong libro at isang ballpen. Hinding-hindi ko maliimutan yung sinabi niya saking, “Anak,yang librong yan ang magiging bahagi ng iyong tagumpay sa pinli mong larangan. Huwag mong sayangin ang pribilehiyo mo na mabigyan o mailipat ang isip mo sa papel. Iyakap mo ang sarili mo ditto at angkinin ang bawat espasyo ng papel na kinalaunan ay magiging pahina. Hayaan mong maubos ang tinta ng ballpen na iyan dahil nais mong abutin ang iyong mga pangarap at nais mong matuto ang mga tao sa buhay mo at hindi dahil sa nakakasulat ka. Anak,andiyan lang ang pangarap mo hinihintay ka para abutin mo.”

Salamat kay Mama dahil andiyan siya at hindi na niya kami iiwan. Kahit wala siyang nauwing pera samin, ang mahalaga kami ay samasama. Tulad ni Mama, kahit gaano pa karaming swerte ang magkaroon ako sa ibang bansa,uuwi parin ako sa bansa ko upang makasama ang aking pamilya at yun ang mas importante sa akin kaysa makakita ng snow sa labas ng aking bintana sa magandang umaga ng Pasko.

Thursday, December 10, 2009

Ang kwento ng Isang Gangster





Matakaw sa gulo at away,palamura,hindi seryoso sa mga bagay2x lalo na pagdating sa pag-ibig.Mahilig magyosi at kapit tuko sa alak..Yan ang impresyon ng iba sa mga GANGSTER.Yung tipong kakatakutan mo kapag nasalubong mo sa kalsada.Ilang taon na rin mula ng nahilig kami sa pagsali sa mga dance contest.Duon madalas ang mga gangster na pakalat2x.Naghihintay sila ng mga dancer na pagtitripan at bigla na lang bubugbugin.Ilang kaibigan kong mga dancer ang mga naging biktima ng mga mokong na yun.Ilang sesyon na din ng sapakan ang napanuod ko lalo na kapag katapos ng dance contest.

Ngunit simul ng nagturo ako ng sayaw sa mga teenager na gangster na sabihin na lang natin na matitinu naman,naiba ang pananaw ko sa mga dating takaw gulo tulad nila.Ang mga teenager na yun iba sila sa mga nakita at nakilala kong gangster(THE FACT NA ISA NA DIN PALA AKONG GANAP NA GANGSTER).May sad part pala na dahilan ang pagiging gangster nila at yun ang nalaman ko nung pinakinggan ko sila.

Ang kwentong ito ay tungkol sa isang gangster na tawagin na lang nating "KUYA TATOR".Ang sanaysay ng kanyang Ultimate lifes saddest part.

Matagal na panahon na yung pinagsamahan namin bilang magkasintahan.Nangako kaming dalawa na walang iwanan.Pero paano ko pa maibabalik yung nakalipas?nahuli na ako at hindi na ako makakatakas.Naalala ko nung 1st yir anibersari namin.Niyaya kong lumabas ang gf ko pero tinanggihan niya ako.Sa kadahilanang tinatamad daw siya at ayaw lumabas at alam kong pagod siya galing sa trabaho.Sumama ang loob ko ng mga aoras na iyon kasi gusto ko siyang kasama sa aming unang taon.Kaya pinilit ko siya at kahit pagod ang gf ko pumayag siya na aking makasama.
Hinintay ko siya nuon sa tagpuan namin,maaga pa lang puumunta na ako dun.Pero hapon na hindi pa siya dumadating.Naiinis ako kasi hindi man lang siya nagtext at kung tawagan ko man siya out of coverage naman.Hindi ko man lang inalala kung nasan na ang gf ko.Ang inisip ko pa ay baka indianin nya ako.Kaya pinuntahan ko siya at pagdating ko sa bahay nila nakita ko ang kanyang Mama papalapit sakin at umiiyak."KASALANAN KO KUNG BAKIT SIY NADISGRASYA,KUNDI DAHIL SAKIN DAPAT BUHAY PA SIYA".

Hindi ko kayang mabuhay ng hindi siya kasama.Yung mga memories namin ang lagi kong naaalala.Nahihirapan akong tanggapin yung kanyang pagkawala.Pinilit ko pero ako pa itong lalong nasasaktan.Ang dami kong sinakripisyo at pinagdusahan.Ang daming nagbago sa buhay ko.Ang mga pangarap na binuo ko kasama siya parang pader na gumuho.Ang akala wala ng katapusan yung saya at pagmamahalan namin,pero dahil sakin nawala lahat sa isang iglap.Isang tapik lang nawala ang lahat ng pangarap namin.

Tuwing iniisip ko siya nahhhirapan ako.Ako yung nagdurusa sa lahat ng mga nangyari.KAhit kailan hindi siya nnawala sa isipan ko.Yung sakit na nararamdaman ng puso ko kelan pa malulunasan?
BAkit ganun?kung sino pa yung minamahal yun pa ang nawawala ng matagal.Hindi ko man ginusto ang mga nangyari .
NASAAN NA KAYA SIYA?BAKIT INIWAN NIYA AKO?PINAPAASA NA LANG BA NIYA AKO?kahit iniwan niya man ako hindi parin siya mawawala sa puso ko.Tanging para lang ako sa kanya.

Ngayon pakiramdam ko wala akong buhay kapag wala siya.Kung wala siya di ko talaga kayang mag-isa.NAhiirapan na ako kasi mahal na mahal ko siya at kung nasaan man siya ngayon sana maintindihan niya kung bakit ako nagkaganito.


madami akong natutunan ng pakinggan ko ang kwento ng isang gangster.Sa bawat hithit at buga nila ng yosi may dahilan pala.Masasabi kong pinakamamasasaklap na parte ng buhay natin ay may dahilan para mag-iba ang isang tao.Kip it up kuya Tator!!

only the mighty one remains.!!!

Tuesday, December 8, 2009

Dalaga na si Neneng




Isang nakakapagod na araw nuon,kakatapos lang ng praktiz namin ng sayaw sa dance studio na pagmamay-ari ng manager namin.Naglalakad-lakad kami pansamantala upang kahit paano ay makapgmuni-muni.Sa aming paglalakad nakarating kami ng Paranaque ilang kilometro ang layo mula sa dance studio ng Makati.Sa di kalayuang plaz, may sigawan akong narinig at palakpakan.Habang papalapit kami nakita kong maraming tao.tinignan ko ito at dance contest pala.Dahil isa rin naman kaming mga adik sa sayaw hinila ko ang mga tropa ko para manuod.Tinawag ang huling grupo na sasayaw "Students Diary Crew" yun ang nabanggit nG m.c Biglang lumakas ang hiyawan ng tao.Hindi ko alam kung bakit siguro dahil nakita ako Juk...Pero may narinig akong sinisigaw nilang pangalan "GO JIAZMIN"!!Jiazmin??? tila may kilala akong ganung pangalan.LAlo akong napatutok sa panunuod.Tinanung ko ang katabi ko. Isa sa mga sumusigaw ng GO JIAZMIN!.

(=)"Miss sino Ba yung Jiazmin dyan?
(+)Yung nasa kaliwa ,Yung kulot.

Lumapit ako para makita ko ng malapitan.baka si tots na yun ahh..Ayos pala sumayaw si Jiazmin.Siya siguro si Tots?Sana nga sya na nga..
Nang matapos ang sayaw nila inintay kong bumaba si Jiazmin.Nang madaan siya sa gilid ko ko palihim ko siyang tinawag.."PZzt..JHel!"(hindi siya tumingin) hhhahaa.. Siguro hindi siya si Jhel na nakilala ko sabi nung katabi ko hndi daw Jhel name nun haha xd..(sana magets ninyo)

Teka..bat ba ako gumawa ng ganito??haha..Hndi ko kasi alam kung paano ko sisimulan yung blog ko para kay lou!!Well..HAPPY BDAY TOTS!!!

uy,,,Dalaga na si Neneng!pakabait kang bata ka.Pasensya na at ito lang ang naisipan kong i gift sayo.Simple pero makakarating ang bati ko sa ibat-ibang bansa sa mundo oh diba bongga tots sisikat kana gaya ni LorAngz!!Kung saan-saan kasi nakakrating ang blog ko at karamihan mga OFW ang nakakabasa.
Tots..Pagbutihin mo ang pagsasayaw at kung sakaling makita nga kita sa Dance contest goodluck sana saktong kasali kami para magkalaban tayo oh diba!!showdown iyon krumping,tatting,isolating to the max!!
Yung mga bilin sayo ng nanay lorang mo sundin mo nalang i know naman kung talagang hindi ka nya nabati I"i know proud yun sayo at miss ka na nun"
kUng sino man yung kenth na yun tots pakisabi sana kunin pa siya ni Lord Joke!!
hindi ko talaga kilala yun at wala akong sibaning magagalit ako."HINDI NAMAN AKO MADAMOT EH!!Well ayoko na munang pag-usapan kung sino mang alien yun!
Basta andito ako para kay TOTS at batiin siya at para naman kahit pano maramdaman mong matino akong kausap at totoo lang ako walang samaan ng loob.Hmm..mamats Tots..wag mo ng tanungin kung para san dahil hindi ko sasabihin JOKE!!
Bzta sexy pakabait ka,pakatino at wag pasaway haneh..para hindi nakukulitan ang kuya mo sa kulot na tulad mo..

Oh xa toTs eto ang kiss na malupet Para sayo..

MwUahAhahhaHAhahhahah...

LOVE YAH TOTS..I RAWR YOU!!!

Saturday, December 5, 2009

Aking pagmamahal




Aking Pagmamahal

Mahal sana'y pakinggan mo...
Ang awitin kung ito
Na handa akung magbago para lamang saiyo

Lahat ay aking gagawin
Wag ka lang mawalay sa akin
At ang puso't isip ko sana'y iyo din angkinin...

At maramdaman muh sana ang pag-ibig saiyo...
Di sasayangin ang pag-ibig na inalay mo...

At handa ko pung baguhin ang lahat lahat sa akin...
Bhie mahalin mo lang ako yun lang ang tangi kung hiling

Aking pagmamahal sana nama'y maramdaman At malaman mo lang na ikaw lang ang siyang laman Ang isang tulad ko na umiibig sa iyo Sana'y dinggin ang mga panalangin at awitin kong ito...

Aking pagmamahal, sana nama'y masuklian...
At ang nais ko lang sana iyong maramdaman
Ang isang tulad ko na umiibig sa iyo
Sana'y dinggin ang mga panalangin at awitin kong to...

At ngaun alam kuh na tibok ng puso muh sinta, At ikaw lang ang babae sakin nagpapasaya Sana'y malaman ng pag-ibig na inalay ko sayo... At ikaw ang dahilan kaya ako ay nagbabago...
Tanging hiling sa maykapal na tau pa ay magtagal Pangako kuh sau mahal ihaharap ka sa altar...
At salamat nga pala sa mga kaibigan ko na nagpapasaya sa akin pag pinapaluha mu...

Aking pagmamahal sana nama'y maramdaman
At malaman mo lang na ikaw lang ang siyang laman
Ang isang tulad ko na umiibig sa iyo
Sana'y dinggin ang mga panalangin at awitin kong to...

Aking pagmamahal,, sana nama'y masuklian
At ang nais ko lang sana iyong maramdaman
Ang isang tulad ko na umiibig sa iyo
Sana'y dinggin ang mga panalangin at awitin kong to...

Kay sarap naman isipin na pang habang buhay na
Ang samahan nating dalawa
Na palagi kang masaya
At ikaw lang at ako ang tutupad sa pangarap mo
Dingin muh sana ang pag-ibig na inalay ko sayo

Lahat ay aking gagawin
Mahalin lang ang katulad ko
At kung maskatan ka, sana na ako'y handang magbago...
At lahat lahat ng to'y nagawa koh para sa iyo at ikaw ang dahilan kaya ako'y nagsusumamo...

Aking pagmamahal sana nama'y maramdaman
At malaman mo lang na ikaw lang ang siyang laman
Ang isang tulad ko na umiibig sa iyo
Sana'y dinggin ang mga panalangin at awitin kong ito...

Aking pagmamahal, sana nama'y masuklian...
At ang nais ko lang sana iyong maramdaman
Ang isang tulad ko na umiibig sa iyo
Sana'y dingin ang mga panalangin at awitin kong ito...

Nanana nananana nananna nananana nana

Aking pagmamahal, sana nama'y masuklian...
At ang nais ko lang sana iyong maramdaman
Ang isang tulad ko na umiibig sa iyo
Sana'y dinggin ang mga panalangin at awitin kong ito... oohhh...




HmM..YAng KanTAng yaN ang Paulit-ulit kOng pinapatugtog nunG mgA panahoNg miss ko na Siya!PAti yuNg kanTang "iKAw na SaNa".MukHa Nga AKong tanGa kasi HabaNg kuMakAnTa nakAtinGin ako Sa PICtuRE ni Zoxie Hahah..HaDek Diba!?
YaN nGa paLa ang BackGound Music ko ditO sa BlogHaUs Ko!!



Hays..graBe Miss na Miss ko na aNG spaRky GirL ko.UliLa akO sa KalinGa niYa.SpaRky aSan kana?madami Akong iPAgmamalaki sayo!maLapit Na taYong MagkiTA IKay Bumili na Ng Sim Ng magkaTExt na Ulit tAu.SobrAng Miss Ko na Ang lanDIaN naTin..May KUlaNg kapAg di kiTa kauSap.KapaG uMaga biGla na lanG akoNg nagigisiNg ng 4am kasi nasanAy aKong GiSingin ka Nga maaga or PagiSing Ko teXt m AgAd Ang maBAbasA ko.

NgA paLa HAppi 1st MonthSari of PAkNership!!(dec.07 2009)oh diBa naKa 1 monTh na AGad..Tuloy2x LanG topAk,.saNA maBasA mo ito.SaNa madako ka sa blog ko paRa maBAsa mo itO
miss you So mUCh at MaHal na MaHal kiTa paYAtot!!

Monday, November 30, 2009

A varsity's experience

Pang 2nd year ko na ito bilang VARSITY PLAYER sa BADMINTON ng Cainta Catholic College.Wala paring pinagbago madugo,mapawis na training ang pinagdadaanan ko 2weeks before ang PRISAA meet.10 rounds ng ikot sa buong quadrangle namin,2 sets ng warm up,sandamakmak na footwork.As in nakakapagod at sobrang kaka lng!!hahaa..

Novemvber 28 nag start ang opening ng PRISAA meet sa TCMC sa Morong,Rizal (2hours ang byahe mula sa Cainta).Maraming masayang karanasan during that day,nakabus kmi sosyal may sariling bus ang CCC!bonding with the other varsity players.Para na rin kaming nagtour dahil sabay kain at panuod ng Paranormal activity.Iba talaga ang experience kaya heto share ko sa inyo kahit medyo masaklap ang ibang mga pangyayaring ilalahad ko.

DAY 1:

Ang aga naming nakarating sa venue ng laban!Grabe daming schools na kasali syempre madami ding makakalaban!Matapos magparegister ng name ay dinala kami sa BARACKS namin!abay parang elementary lang ang nagroroom.Ready for the parade!!(sigaw ng isang lalaki mukhang officer sa palaro!)

una ko kaagad hinanap yung babaeng nakalaban ko at nakatalo sakin!namis ko kasi sya sobra

abay kakatuwa nagparada kami sikat habang pinapalakpakan ng mga tao yuhooo!!!lumaban ang aming MUSE
TRIVIA:kakatapos lang ng Taping ng MUSE namin sa BANANA SPLIT nung dumating siya!!

pakte,may tumugtog nang mala BANDA RITO,BANDA ROON!
NAng matapos ang program simula na ng pagkakaba ko pero goodnews galing sa coach kong si Mam Puri Sunday pa laban ko.


DAY 2:

walang masyadong sad momets kasi puro bonding parin ang nangyari kahit na ang ibang mga kateam ko ay talo na sa game nila!picturan sila to the max,nang-aasar ng mga gunggong magspike at adik dumakdak sa ring!

May mga mukhang tatay na,mukhang mga tito at lolo ng mga players namin sa basketball!grabe nilampaso ang team namin hahaha...

Day3:

hays..laBan ko nun.Ako ata ang nagbukas ng school.Nagmeditate muna ako dun sa rooftop ng hrm building nila!hays..grabe fresh air kita mo mga palayan tapos may sementeryo grabe probinsyang probinsya!sarap ng hangin at magpaaraw habang iniisip mo kung "BAKIT HINDI NAGTETEXT ANG ANU MO?"
may magkabilang bundok,natanaw ko ito yung nasa left side ko ang inisip ko kaagad....
"sa kabila kaya nyang bundok na yan BATANGAS na Sana laurel na ang kabila nyan,ANU KAYA KUNG SIMULAN KO NA ANG PAGLALAKAD PARA MAKARATING AKO NG MAAGA DUN SA KABILANG BUNDOK AT MAKAAPAK SA LAUREL MAN LANG BAKA SAKALING MAKITA KO DUN SI SPARKY?"

Grabe ang pinakamasaklap na parte ng laban ko ay yung hintay ako ng hintay ng text niya.Pero bawi parin kasi nakita ako na parang kakambal niya.magkamukhang magkamukha sila xd..maikli lang ang buhok nun at mukhang tibo pero maputi hays..tinawag ko pa sa pangalan ng ano ko!
ako ang taga cheer niya kahit di niya ako kilala lols.Pero kulang parin kasi wala parin talaga syang paramdam siguro masasabi kong 50% siya ang dahilan ng pagkatalo ko hmp..
tapos na yun napako na ang promise niya na present siya sa laban ko.(NAKAKAPANLUMO)

Naku hanggang dyan nalang ako.masyadong masakit na ang aking kamay sa pagsasalitype ng mga nangyari sa walang kwenta laban ko..Nagkataon lang sigurong lumilipad ang isip ko nung laban ko yan tuloy napagalitan ako ng coach ko.nextyear nalang!makikita ko na naman yung mga players na halos mga close ko na dahil lagi kaming nagrereunion kapag PRISAA kahit na iba ang school nila.

better luck if theres nexttime para sakin.

Layas na ko nakapgkwento tuloy ako ng wala sa oras!pahinga mode na ko dahil naupo agad ako sa pc pagkarating ko galing laro (ADIK)

ingatS sa lahat!

text me nalanG sa mga aalala sakin(EHEMMM)
09089173696

kipseyf kau!

Tuesday, November 17, 2009

Pwede Na Ba akong Magpaalam?



Nabuhay ako ng 17 taon ng hindi ko alam kung may napatunayan na ba ako sa buhay ko.Kung may nagawa na ba ako na maipagmamalaki ko sa ibang tao.

Sabi ng Bespren ko:bakit daw AM I REAL? ang blog title ko at nag subtitle ay "kung hindi mo alam kung sino ka, paano mo maipagmamalaki ang sarili mo?"


Ang sagot ko Lang "NGITI".Hindi ko pa kasi alam ang tunay na sagot.Wala naman sa dictionary at encyclopedia.Ilang Library na ang tinulugan ko wala parin!Lols..

Ang totoo,Ngayon ko lang naaappreciate ang halaga ng pagshashare mo ng buhay mo sa ibang tao na hindi mo naman kilala.17years ng BALIKONG BUHAY at unti-unti palan tumutuwid ngayong mag-18 na ako dahil sa pagdating ng isang tao sa buhay ko.


Aminado akong sa loob ng 17years kong yun naging BALIKO ang BUHAY ko hindi dahil nagdrugs ako,tumira ng marijuana,naging lider ng isang gang kundi dahil sa dinami-dami ng pinagdaanan ko "NGAYON LANG AKO UNTI-UNTING NATUTUTO".Hindi naman lahat ng bagay matututunan mo sa isang iglap lang dahil sinubok ka nito.Marami akong ginwang kalokohan sa buhay ko. Ilang bote na ng alak ang pinatumba ko.Ilang Exams na ang binagsak ko dahil sa hindi ko pagrereview.Ilan na bang klase ang hindi ko pinasukan dahil sa katamaran ko.Puro sermon na ang inabot ko sa mga magulang ko dahil sa hindi ko pag-uwi sa oras.Yung ibang mga kaibigan ko na nag-away hindi ko na napagbati.Ilang babae na ang napaiyak ko dahil sa iniwan ko sila.


Gusto ko ng magbago at sisimulan ko ito sa sarili ko.Im not referring sa diet!Marami na akong nararamdaman sa katawan ko.MArami ng din akong pahiwaatig sa mga panaginip ko.LIFE IS SO SHORT!may ending din ang lahat ng mga story at gusto kong gawing makabuluhan ang mga natitira kong buhay dito sa PLANETANG EARTH.


Hindi ko naman tatalikuran ang nakaraan ko siguro the best way is IHIIWALAY KO LANG ANG MGA NABUBULOK SA HINDI NABUBULOK.At isa sa dahilan kung bakit gusto kong gawin ito ay dahil sa isang taong ginawang makabuluhan ang buhay ko.SOMEONE WHO KNOWS ALL MY FLOW,DIFFERENCES AND BAD ASSETS BUT STILL ACCEPTS AND LOVE EVERTYHING ABUOUT ME.Si LORAINE GONZALES ang isa sa mga taong gusto kong makasama sa mga natitira kong balikong buhay.


SINISILAYAN,

-sparky girl kong payatot piz!


Ahmm..Hon,may panyo ka ba dyan baka kasi maiyak ka na naman eh hahaha!!!

Acknowledgement ko ulit sau.Sa mga tinuro mo sakin na hindi mo alam na may tinuro ka pala.Sa hindi pagdodropped out sakin sa klase mo kapag gabi,kahit na medyo nakatulala ako sayo habang turo ka ng turo hahaha(nananaginip). Sa pagintindi kapag matagal akong magreply.Sa pag-alala kapag alam mong hindi ako OK.Sa hindi pagsesermon sakin dahil sa mga kabulastugang ginagawa ko.Sa pang-aasar sakin ng TABA kahit na ang totoo CHUBBY lang ako heehe!!(magsisikap akong magbawas ng timbang).Sa pagsasabi mo ng tapat tungkol sa mga FLIRT issues mo na hindi ko alam kapag wala ako RAWR!!Sa pagtanggap sakin kahit na alam mong disabled ako..JOKE LANG!Sa pagmamahal kahit na alam mong mas ADIK si MELISSA kaysa kay PATRIA xd.At sa pagdating mo sa BALIKONG BUHAY ko na unti-unting tumutuwid dahil kasama kita sa mundo ko.


topak ko.Ikay pakatino dyan,wag mo kong pagpapalit sa mga mokong dyan.Kapag ako ay naging presidente ISANG TULAY lang ang magiging layo ng Laurel at Angono.Konting tiis na lang at magkikita na tayo.


Tanda,Mhie!isang bagay lang siguro ang mahihirapan akong trabahuhin sayo pero sisikapin kong matuto ka(ang pagiging matatag at iwasan ang pagiging iyakin)

Dumating ako sa buhay mo ng hindi ko alam kung may nagawa ba ako?Pero sige HANGGAT NANANATILI TAYONG BUO,WE WILL MAKE GREAT THINGS POSSIBLE.!


Sumisilay,

BANGZ


Masyado atang mahaba ang BLOGA ko. Salamat din pala sa BLOG WORLD at naishare ko ang blessing ko kahit na wala akong talent sa pagsusulat.(HUMBLE)

KAy kua saul,Papa kosa,PRof.Pajay,KUa Cm,Kua JEpoy atbp.


GOODBYE TO MY PAST COZ I JUST NEED TO FACE MY FUTURE NOT JUST FOR ME BUT FOR EVERYBODY.Sanay kasabay ng pagbabago ko ang pagbabawas sa pagiging adik ng mga tao sa facebook.Ang pagiging madalang ng EB ng mga rakista at emo sa mall.At ang pag-iwas ng mga DANCER na magyabang na hamunin ako sa DANCE FLOOR.

Tuesday, November 10, 2009

Titser to be!




Second year college na ako sa Cainta Catholic College at kumukuha ng kursong Bachelor in Elementary Education(BEED)
TITSER TO BE ata ako.?at yun siguro ang kahihinatnan ko in the near future. Hindi man ito ang gusto kong kurso,habang tumatagal na chinachallenge ako nito mas lalo kong natututunang mahalin.

NaKAsanayan ko ng humarap sa mga batang makukulit at pasaway.Gumawa ng mga colorful ng visual aids at kailangan paganahin ko lagi ang aking Creativity(kung meron ako nun).Estudyante pa lang ako pero nasasarapan ako kapag tinatawag akong TITSER ng mga estudyante at halos matakot sila dahil sa titig ko kapag maingay sila.

Siguro,nakikita ko yung sarili ko 10 years from now na nakasalamin at madaming hawak na lesson plan,Test papers at mga activities ng mga estudyante pero hindi ko papangaraping makita ang aking sarili na ABURIDO at tila ang itsura ko ay mas matanda pa sa UNANG TAO NA PUMILAS NG CEDULA SA PUGAD LAWIN(tama ba?)Oldies,kapanahunan ni MElchora Aquino hehehee..

Ang totoo mahilig ako sa bata basta kamukha at kasing utak ni Jimmy NEwtron at batang inspired ng katauhan ni Dora the explorer(yeh!Vamonos).
kaPAg naman nakaahon na ako sa pagtututro,siguro magpapatayo naman ako ng 5 na eskwelahang matagal ko ng inaambisyong maitatag.

Ito ang listahan ng mga paaralang nais kong ipatayo at welcome ng ang lahat ng may TOPAK at ADIK sa eskwelahan ko!

1.UNIVERSITY OF BATUGAN
2.MAMAMALAT KA SA KAKABIRIT SCHOOL OF SINGING
3.NATIONAL ACADEMY NG MGA DISABLED DAHIL SA DANCING
4.MABABANG PAARALAN NG MGA MAYAYAMAN
5.at,CHEATERS REVIEW CENTER

YAn lang naman ang mga natatangi at huwarang paaralan na pinapangarap kong maitayo sa gilid ng MALACANANG,sa tapat ng ATENEO at DE LA SALLE at sa tuktok ng BUNDOK(lols)
Paniguradong manginginabang nyan ay ang mga na-expel or mga nadropped-out sa schools nila.Yung school na aakalain mong TAMBAKAN NG MGA BOBO na hindi man lang binigyan ng pag-asang patunayan na sila ay matalino.

Malay mo!dyan sa eskwelahan na yan mag-aaral ang susunod na MANNY PACQUIAO,CHARICE PEMPENGCO,BILLY CRAWFORD at BILL GATES. Oh kaya, isa sa mga estudyante ko ang magpapatalsik sa CORRUPT ng president natin.Malay mo!yung tuitor ko ang susunod na presidente ng Pilipinas oh kaya yung janintor namin ang susunod na BOb ONg.

IM A TITSER TO BE!at welcome ang lahat sa magiging classroom ko.Sa lahat ng gustong mag-enrol sa eskwelahan ko,JUST BRING YOURSELF WITH PLASTIC COVER!(adik)
Hindi,tama na sakin yung dalhin mo yung sarili mo na dala ang sagot sa tanung kong "HANDA KA BANG MATUTO?"

Walang entrance exam,walang tuition fee(hala lugi ata ako piz.)Basata matuto kang magsulat,magbasa,mangopya at makipagdaldalan toinks..
Pero seryoso sapat na sakin yung matuto ang mga estudyante kong sumagot sa mga tanung (?)
tulad ng:


-Tao kaba?
*oo,ata
-Gusto mo bang matuto?
*minsan,kapag trip!
-meron ka bang latest na scandal ni HAyden?
*oo,gusto mo bang hiramin?
-Pwede bang mangutang?
*ha?utangin mo lelang mo!
-adik ba tister mo?
*ou,SOBRA
-kanino ka ba nagmana?
*sa titser kong adik hahahaa!!!!

Tama na nga,baka kung saan pa mapunta ang discussion natin.

OK CLASS,tapus na kayong makinig sa kwento ko.GET 3 WHOLE "SHIT"OF YELLOW PAPER AND BE READY FOR A SHORT QUIZ.(hahaha,short daw)
for your assignment bring the latest issue of mens magazine of newspaper of TIKTIK,and for your project submit the latest model of NOKIA cellphone for you to PASS my subject BwaHAHahahaha!!

KRING!!KRING!!! CLASS DISMISSED...

Saturday, November 7, 2009

Ang aking time machine




Pagod na pagod ako galing sa training ng badminton sa school.Dinoble pa ito dahil sa traffic na dulot ng mga bakas na driver ng Jeep.Dumeretso agad ako sa kwarto at tila bagsak presyo ang aking katawan.Nakalimutan ko ng kumain at gumawa ng mga kababalaghan.Samakatuwid ay naidlip ako.

Oo,naidlip ako pero sa bandang 11pm naalimpungatan ako dahil sa isang bagay na nahulog galing sa aking kabinet!!Nang tingnan ko ito abay ang aking bag.Ang pinakamamahal kong bag.
that time nadako ang aking tingin sa naiwanang ilaw na bukas sa aking study table,naks!!madami pala akong nakatambak na gagawin eh..napansin ko ang picture frame na nakalagay sa aking lamesa(hayskul classmatesko!)

hayskul life,sa totoo lang paisi-isi lang kami nuon. Iba ang hayskul,dati kasi uso ang flag ceremony at kailangan kang pumila sa canteen kapag recess time.Matindi at masaya walang ka challenge2x ang buhay namin nuon.Kahit na humahalik na kami sa school ground dahil sa pagkainis samin ng mga teacher namin.KApag walang assign pwede kang kumpya ora mismo habang hindi ka pa nilalapitan ng titser. Pwede mo ding utuin ang titser mo na wag na muna magturo at matulog nalang sa faculty niya.Nakakamiss talaga.Naaalala ko yung bag kong naitago ko sa kabinet.Kinuha ko ito.Yung bag na iyon hindi lang siya basta bag kasi may gulong siya.hahahaa ganun talaga!!yung bag na iyon ang pinakapaboritong kong bag nung bata ako. Kulay dilaw siya at design si PIKACHU.TIME MACHINE ANG TAWAG KO DUN.

Hindi ko alam kung bakit ko naisipang ipreserve yung bag na iyon.Siguro dahil sa market value nun dati(mahal eh katumbas ng isang buwan kong baon)
Sa loob ng TIME MACHINE BAG ko ay laman ang kung anik-anik na bagay na naging parte ng 17TAONG BALIKONG BUHAY KO.
Dito ko inilagay ang mga resibo ng mga tuition fee ko,mga pasado at bagsak na test nung elementary at hayskul.Yung 3whole sheet ng paper na nakasulat na "HINDI NA PO AKO MAG-IINGAY".Yung balat ng espasol na binili ko nung ngtour kami nung grade 3 sa BIAK NA BATO.Yung kauna-unahang shuttlecock na nagpanalo sakin sa intrams nung grade 5 ako.Pati yung bandana na ginamit ko nung nagfield day kami at sumayaw ako ng PARU-PARONG BUKID hahaha!!!Mga tansan ng alak na may nakalagay na date kung kailan at bakit ko naisipang inumin yon.Mga scratch paper ko kapag gumagawa ako ng mga sulatin.Mga NAG-EEVOLVE KNG PAGMUMUKHA SA SCHOOL I.D.Isang Proud certificate ng makatapos ako ng isang ART LESSON.Mga school papers na nagtataka ako kung bakit wala ang mga gawa ko duon!NAMEPLATES,mga LOVELETTERS sakin at yung mga CARDS ko na kahit bagsak sa MATH ay mukha paring kaaya-aya dahil wala akong ABSENT!

ang alam ko si BOB Ong meron ding time machine gaya nang sakin!HOW nice same kami ni idol!
Na halos maging basurahan na dahil habang papalapit ako sa graduation ng college lalong lumalaki ang mga bagay na nilalagay ko sa time machine kong bag!!

Sabihin man ng iba na bakit ganun ako KAWEIRD dahil mas inuna ko pang iligtas ang BAg ko kaysa sa mga ibang gamit namin nung binaha kami ng BAGYONG ONDOY..HIndi ko ipagpapalit yung bag na iyon kahit paulit-ulit akong batukan nang nanay ko dahil sa pagligtas ng isang bagay na sa tingin niya ay isang basura lang!!

Simple lang yun kasi ang tingin ko na makakatulong sakin para tumanaw ng utang na loob sa nakaraan ko.DAYS LONG PAST pero matibay ang nabuo kong buhay kaysa sa isang litrato lang na madaling kumupas.Kahit na habang tumatagal at tumatanda ako siguro tignan ko lang ang TIME MACHINE KONG BAG babalik na naman ako sa pagkabata kung saan mas maraming beses akong NADAPA dahil sa kakatakbo ko heheheeh!!!

oo ngat hindi na maibabalik ang panahon pero kung yun ang tanging paraan para kahit paano maalala mo ang nakaraan mo ay sa tulong ng mga BAGAY NA NAGING PARTE NG BUHAY MO!

I LOVE MY TIME MACHINE BAG!
na puno ng kung anik-anik na bagay inspired by my Kolokoys na idol na sina BOB at doraemon!!