Wednesday, April 7, 2010

Habilin ni Tofie




this post was requested by TOFIE DIAZ via email. This is his LOVESTORY!!!


Sept. 17, 2009 ng makilala ko si LORLEE sa isang chatsite. Siya ang nagpakilala ng site mo sakin. Si Lorlee ay matagal ng reader ng blog mo samantalang ako ay baguhan palang sa pagbabasa ng AM I REAL? Site na sinasabi mong Balikong buhay.

Nang nakilala ko si Lorlee nahilig na din ako sa pagbabasa pero isang blogsite lang ako madalas pumapasyal yun ay ang blog mo Bangz. I fell in love with Lorlee siguro its because na rin sa common denominator naming when it comes to feelings ar reaction after we read your blog. Hindi ko rin alam kung paano ko sasabihin kay Lorlee yung feelings ko for her ,not because nahihiya akong mareject kundi dahil may boyfriend siya.

Bangz si Tofie lang ako nagmamahal at gumagawa ng mga bagay na imposibleng mangyari para lang sa minamahal. Natatakot ako nab aka kapag sinabi ko kay Lorlee ay baka tuluyan na kaming hindi magkita.(yah hindi pa talaga kami nagkikita kaya nga nakakarelate ako sa story nyo ni ZOXIE eh.

Hanggang sa dumating yung time na hindi ko pinghandaan. Nagkaroon kami ng debate about sa post mong “SOUNDLESS BEAT”. Kung bakit nga ba may mga taong torpe?. Deep inside syempre aminado akong isa ako sa mga torpeng yun. To the point na baon na ako sa pang-aasar niya palihasa daw CHICKBOY AKO.

Umamin na ako sa kung ano ang nararamdaman ko.

Lorlee, mahal kita,mahal na mahal. Sorry kung ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin sayo. “Wala nga naman akong karapatan masaktan pero hindi ako kailangang utusan para mahalin ka”. Those lines ang nagpatigil ng mundo ko. Siguro mas mahirap bigkasin yun kung kaharap ko na talaga si Lorlee.

Tofie, kung alam mo lang ang pinagdadaanan ko ngayon. Tofie, nagkamali ako nung tanggihan kita noon. Ikaw lang pala ang hinihintay ko.

Kasalan ko kaya handa akong magtiis Lorlee. Kahit pa makihati ako sa kanya ibibigay ko ang pgmamahal na hindi niya kayang ibigay.

Sshh..Tofie,sayo lang ako at hindi mo na kailangang makihati pa. handa na akong magmahal at hindi ko kaya na mawala ka pa Tofie.

Sa wakas nagging kami ni lorlee nung NOV 07, 2009. Overwhelmed at sa sobrang tuwa halos di ko na mabitawan yung cellphone ko sa kaaantay at sabik na mabasa ang text ng GIRLFIREND ko. Halos di ko na makilala ang sarili ko dahil sa nabago sakin ni Lorlee. Akal ko dun na nagtatapos yun pero hindi pa pala.

Bangz naghiwalay din kami ni Lorlee nitong DEC 23 the day before ng xmas eve. Ipinaglaban ko siya Bangz gaya ng sinabi mong”HANGGAT MAY PAG-IBIG IPAGLABAN MO”.

Nagkabalikan sila ng BF niya. Siguro nga hindi pa time para magkita kami ni Lorlee. Siguro nga tama yung sinabi niya na hindi naman niya kasalanan na mahalin ko sya ng higit sa buhay ko.

Na marami pang mas deserving para sa pagmamahal ko.” Mahirap Bangz pero yun yung tingin kong way para somehow malaman niyang handa akong magsakripisyo para sa kanya—ang magpalaya!.

After 4 months of trying to escape the memories of yesterday, finally I’ve found the environment where I really fit in. Im happy with my life now though I cant hide the fact that my feelings for her wont vanish forever. But what can I do? Maybe shes happy right now to whomever she has fallen in love. But for me ,until now “Lorlee will still forever the girl in my heart. Yes, definitely Ive found the bliss of happiness but still I am INCOMPLETE.

Bangz ayokong umasa na babalik pa siya dahil nagpaalam na siya sakin. 4 months is enough para ipakita sa kanya na pagod na ako at nakaramdam ng kawalan ng pagpapahalaga.

Aminado ako na hanggang ngayon iniiyakan ko parin si Lorlee. Wala akong magawa but to Forgive even I ve been hurt to much. Sa labas ng telon malakas at matatag ako pero sa likod nito gaya din ako ni Lorlee na naging mahina lalo na sa mga panahong dapat ay magkasama kaming dalawa.

Bangz thanks sa lahat lahat. Sobrang laki ng naitulong mo sakin pati sa blog mo. Sana 1 day nakita kita sa personal. Sana makabuo din ako na kakaibang lovestory gaya ng sayo.

Kay Lorlee, if ever man na mabasa mo ito dito sa blog ni Bangz . Si TOFIE AY SI TOFIE PARIN. Mananatili ako sa kung ano ako na nabago mo at mananatiling buo para sayo.

Salamat sa lahat.

Tofie Diaz



Para kay Tofie, hindi pa tapos ang buhay mo. Huwag mong hayaang umikot ang mundo mo para lang sa iisang tao. Kung sa tingin mo nakamove-on na siya why not? Magmove-on ka na rin. May mga taong tinadhana para tanggapin at mahalin tayo. Yung taong kahit alam niyang mahina siya pipilitin niyang maging matatag para sa taong mahal niya. Tulad mo Tofie;

“I HAD LET GO OF WHAT I THOUGHT I OWNED. IT HURTS, A LOT ACTUALLY, BUT GETTING THRU EACH DAY MADE ME REALIZE THAT THE WORLD WILL JUST KEEP ON TURNING AND I HAVE TO CONTINUE EVEN IF SHES NOT AROUND. SO I GOT TO MOVE ON. FACE THE WORLD AFTER SHE RUINED IT AND PROVE THAT I CAN BE BETTER THAN WHAT SHE USED TO HAVE IN ME”.

KAYA mo yan Tofie may tiwala ako sayo!!!!

Tuesday, March 30, 2010

milya milyang pagkakataon

Oh,siya na naman. Ang aking VIO! ang nag-iisa at tanging Vio ko.Ang makita siya sa klase ay tila kumpleto na ang lahat.


Sandali lang,Bakit masyado akong conscious sa sarili ko? Maganda ba ako tingnan?Ang bilis ng tibok ng puso ko. Mapipigilan ko ba ito? hindi ko kaya.Sinubukan kong magpapansin sa kanya,nginitian ko siya,pero hindi man lang niya ako nginitian.


Oo,siya si Vio at wala ng iba.Sa tagal ng panahong kami ay magkasama,naging magkaribal na kami sa pagiging honor sa klase.Simula pa lang nuong elementarya hanggang hayskul.Hindi ko siya masisisi sa pagiging ganuon.Ngunit may isang bagay akong dapat itago sa aking sarili,MAHAL KO SIYA,KAHIT ANO PA MAN.Ang puso ko ay tumitibok para sa kanya.Sa tuwing gigising ako sa umaga mas lalo akong napapamahal sa kanya.Para siyang kakaibang kaklase sakin.Lahat ng hinahanap ko sa isang lalaki ay nasa kanya-matalino,disiplinado,matipuno at higit sa lahat responsable,Ngunit anong gagawin ko?Hindi man lang niya ako kausapin.Kung alam lang niya na ang babae na tinuturing niyang karibal ay umiibig na sa kanya.


Nagpatuloy pa ito hanggang sa hindi ko na mapigilan.Magkahalong takot at pagkasabik ang aking narararamdaman.Nasasabik ako sapagkat sa wakas magsusuot na ako ng toga.Natatakot ako kasi ang pelikula na ginagawa namin ni Vio ay magtatapos na.ITS OUR GRADUATION DAY!!


Matitigil ko pa ba ang oras?Gusto kong tumagal ang araw na ito hanggang sa makaipon ako ng lakas ng loob na sabihin sa kanya kung gaano siya kahalaga.Nang abutin niya ang diploma,para bang iyon na ang katapusan ng lahat ng mga pangarap ko kasama siya na hindi pa man nabubuo.

makaraan ang 15 taong pagsubok na takasan ang alaala ng kahapon.Sa wakas nahanap ko na ang lugar kung saan ako nababagay.Masaya na ako sa buhay ko ngayon kahit na hindi ko maitatago ang katotohanan na ang nararamdaman ko para sa kanya ay hindi na mawawala.Pero anong gagawin ko?Siguro masaya na siya sa kung sino man ang pinili niyang mahalin?Ngunit para sakin hanggang ngayon mananatili parin siyang espesyal sa puso ko.Oo,sa wakas nahanap ko na ang aking kaligayan pero hindi parin ako kumpleto.



Gising Zandra!nananaginip ba ako?siya na naman.Paano ko malilimutan yung pagtayo niya na tila isang sundalo at syempre ang mga mapangusap niyang mata.Papalapit na siya sa akin habang sinasambit ang mga salitang "MAHAL KITA , SA SIMULA PALANG NA NAKITA KITA.IBA KA SA MGA BABAENG NAKILALA KO.YUN NGA LANG WALA AKONG LAKAS NG LOOB NA SABIHIN SAYO DAHIL WALA PA AKONG KAHIT ANONG MAIPAGMAMALAKI SAYO."Bakit hindi mo ako hintayin? Parang gusto ko ng tapusin ang buhay ko nung mga oras na iyon.Kung sinabo niya lang sakin iyon ng mas maaga edi sana magkasama na kami ngayon.

Naglakad siya papalayo habang dumadaloy ang mga luha sa kanyang pisngi.Gusto ko siyang habulin kaso pinigilan ako ng mga ka-ministry ko.Siguro hindi niya maaatim na makita ako suot ang asul na palda at mahabang damit at ang puting belo na magtatakip sa buhok ko upang hindi makita ng mga tao.Pero kahit ganuon,mananatili parin siyang nag-iisang lalaki sa puso ko.Kahit na ako ay isa ng MADRE,hindi ko makakalimutan ang taong naging dahilan ng malaking pagbabago ko.


Mas pipiliin ko pang maging tagasunod ng DIYOS kaysa makasama ang taong hindi naman si VIO.

Mahal ko si VIO pero sa ngayon,mas matimbang ang pagmamahal ko sa DIYOS at hindi na ito magbabago pa habang buhay.



Sunday, March 14, 2010

will you still forgive me?





Promises are meant to be broken… well, that’s what they say… hmmm pero come to think of it… it makes perfect sense ‘di ba… ilang pangako na ba ang binitawan sa iyo ng kaibigan mo na napako? Ilang pangako na ba ang ginawa ng boyfriend/girlfriend mo na hindi ka daw niya sasaktan, lolokohin at iiwan pero look at you now… nag-iisa ka na lang ‘di ba (ouch!!!) at ilang beses ka ng pinangakuan pero ‘di naman natupad? Madami na noh? at ‘di mo na mabilang sa dami…
Lahat tayo aminin man natin o hindi ay nag bitaw na ng pangako na ‘di naman natupad… oh wag kang mag deny…. Sure yun! At kabilang din ako sa mga taong nag promise but I failed to make it happen, hindi ako exempted at lahat tayo naranasan ng mabigo dahil sa mga pesteng pangako na ‘di naman natupad. Alam natin kung gaano tayo umasa pero nag hintay lang tayo saw ala. Nangako siya na mag babago siya and yet look at them wala pa rin pag babago, nangako siya na ikaw lang ang mamahalin niya pero let me ask you something… sino yung yakap yakap at kahalikan niya now? Nangako siya na ‘di ka niya sasaktan… pero look at you now, kulang na lang ay “blade” at for sure mas gusto mo pang wakasan ang buhay mo kaysa ma-feel mo yung pain every damn day dahil sa mga promises niya na puro naman kasinungalingan.(Sorry if medyo morbid yung mga sinasabi ko, ito kasi yung nararamdaman ko now)
Bakit ba tayo na ngangako if alam natin hindi natin kayang gawin or tuparin? Bakit natin kailangan mag sinungaling? Siguro nangangako tayo para lang mapasaya yung taong mahal natin or ma satisfy sila… ginagawa natin yung minsan para lang matigil sila sa pangungulit sa atin… Pero hindi naman dapat mag bitaw tayo ng mga pangako sa kanila if ‘di naman natin kayang tuparin (ouch!!!). We all know na nag papaasa lang tayo sa ginagawa natin at mahirap yung mag paasa sa wala… makakasakit lang tayo sooner or later.
If your not pretty sure na matutupad mo yung mga pangakong bibitiwan mo… you or should I say “We” should shut our mouth to prevent further problems. If we think we can’t make it happen sana lang sabihin natin agad at ‘wag pa natin dagdagan ng kasinungalingan…. Take it from me… it would just make things more complicated.
Maybe your wondering kung ano na naman ba ang nangyari sa akin at bakit ito ang topic ko…sorry to say but secret yun (hehehehe) let’s just say na may unexpected thing na nangyari sa akin kagabi that made me write ‘bout this stuff. Next time ko na lang isusulat yung nangyari sa akin kagabi some other time…
*I’m sorry for all the pain that I’ve caused dahil sa mga broken promises ko at for all those who have hurt me… your forgiven…

Tuesday, February 2, 2010

Bakit nga ba ako nawala sa BLOGWORLD?



Almost 1 month na simula ng huli kong ipost ang proud blog about sa “KWENTO AT KWENTA NG LABLAYP KO”. Isang buwan din akong tumahimik at nagtago sa mga taong nag aantay ng ng balita sa kung ANO NA BA ANG BALITA SA LABLAYP NI BANGZ?.
Ano nga ba ang nangyari?Bakit nga ba higit isang buwan nanahimik si Bangz sa pagpopost ng kwento nila ni ZOXIE. I wish this time I made the right decision. Eto ako si BANGZ after almost 1 month na pananahimik IM READY TO FACE THE TRUTH! Hindi ko matiis ang blogworld na itago ang kung ano ang nangyari sa inaaabangan nilang binubuo kong love story. “WALA NA PO KAMI NI ZOXIE? Yah you read it right WALA NA KAMI. I don’t need to elaborate kung bakit kami naghiwalay?. Alam nyo naman siguro kung gaano ko kamahal yung tao to the point na naisipan kong magmakaawa sa kanya na kung pwede PAGSABAYIN NALANG KAMI NUNG PINALIT NIYA?
2 days after kong mapost ang KWENTO AT KWENTA NG LABLAYP KO! Naghiwalay kami. Tinanggap ko yun nag emsi ako ng childrens party ng dec24 ng nakikipagplastikan sa mga bata. Nag Christmas eve ako ng di ko mamalayan kung dapat ba akong tumanggap ng bati nilang MERRY XMAS!


Xmas day na siguro mga 1;30 am nuntinanong ko sa kanya na” KUNG AKO SI SANTA AT NASA HARAP MO NA AKO NGAYON AT TINANONG KITA KUNG ANONG WISH MO NA GUSTO MONG GAWIN KO ANO YON?”

-simple lang sinagot niya: “BUMALIK SANA YUNG NGITI AT SIGLA SA TAONG KAHARAP KO,PLANO MAN NIYANG IWASAN AKO,SANA KAHIT PAPANO MERON PART SA PAGKATAO NIYA NA MAGPAPAALALA SA KANYA NA KAHIT KELAN DI SIYA MAWAWALA SA PUSO KO (PROMISE).”-Loraine Gonzales ZOXIE
Yan yung last wish na pinakiusap sakin ni ZOXIE. Siguro dec 30 yung last txt message niya sakin the day matapos ko siyang kantahan ng theme song naming na “IKAW NA SANA”. (na hanggang ngayon di ko pa ineerase mga message niya sa inbox ko dahil wala talaga akong balak burahen) .Basag ako pakiramdam ko yung test na matagal ko ng nireview para ipasa sa school nabelewala. Pakiramdam ko yung training na pinagpaguran ko para lang ipanalo yung laban ko bilang varsity player wala ring nangyari. Mga mambabasa,handa na akong humarap sa mga reaksyon nyo pangungutya man ito o hindi. Handa na akong tanggapin lahat ng sasabihin niyo na yung pinagmamalaki kong love story ay TAPOS NA!







Sabihin man ni ZOXIE na MALAYO NA ANG MUNDO NAMIN! Naniniwala akong may mga force na biglang nangyayari sa outer space na maglalapit sa mga mundong magkakalayo. At yun yung hihintayin ko. Tanga man isipin pero 2years ,3 or 4 years from now kapag kinalabit ako ni ZOXIE at nalaman kong mag-isa nalang siya handa akong iwan ang lahat ng meron ako balikan lang siya. HINDI KO SIYA HINIHINTAY pero naniniwala akong kahit gaano pa kami katagal magkalayo kung kami talaga para sa isat-isa edi kami.

Salamat sa lahat ng mga taong kahit paano ay nakapawi ng pagwawala ko. Kay KUA CM alam niya kung gaano ako kaexcited Makita si Zoxie to the point na tanungin ko siya kung anong magandang diskarte ang gagawin ko kapag nagkita na kami.!Kay kua saul na nag advice na wag ko nalang ilabas sa blog kung ano nangyari,sorry kua saul I think ito kasi ang makakabuti. Sa mga bloggers at mga nagbabasa ng BLOG KO salamat sa lahat2x.at hnda kayong tanggapin ang mga salitang binubuga ko. Sa dancefloor at sa mga kadance mate ko sa salitang LIFE LIKE DANCE! Bravo ako ang laki ng hinugot kong lakas ng loob para maisayaw lang ng maayos ang mga steps ng buhay ko.

KAY ZOXIE!:I Know mapapasyal ka sa blog ko kapag nagtanim ka sa hacienda mo (FARMVILLE).

Topak ,I miss you so much! Kahit ginawa mo sakin yun napatawad na kita dun pa lang sa time na nalaman kong ginawa mo yun. I know Masaya ka na I know na kuntento ka na kasi sa kanya mo ko nakikita dagdag pa dun na magkasama kayo. Loraine,di ka man lang nagpaparamdam sakin. Sana sa 18th bday ko magparamdam ka naman. Alam mo nman yung date diba (FEBRUARY 9)
Manang, kung ano ko sayo dati,kung ano yung feelings ko for you hindi nabawasan yun. Natanggap ko na lahat lahat!magingat ka palagi,wag mong pababayaan sarili mo. If ever na maisipan mong itext ako ito digits ko 09198973568. Salamat sa lahat tinatanawa kong utang na loob lahat ng ginawa mo sakin.

Isang tao lang ang mas makakapagpasaya sa magiging 18th bday ko this February 9 yun ay ang batiin ako ni Loraine Gonzales a.k.a ZOXIE.

“Siguro kailangan nating MADAPA kasi merong mas tamang paraan ng PAGTAYO. Kailangan nating UMIYAK kasi hindi lahat kayang idaan sa TAWA. At minsan kailangan nating MASAKTAN kasi meron tayong dapat MATUTUNAN.”-bangz

Tuesday, January 26, 2010

Sunday, January 3, 2010

xmas party

javascript:void(0)

Saturday, December 26, 2009

Ang Kwento at kwenta ng LABLAYP ko



" may mga taong tinadhana para maintindihan at tanggapin ang isang tulad ko bilang tao dito sa mundo, na kahit minsan magulo may pagkakataong sumasaya ito lalo na kapag nakita mo na ang taong babago sayo.."-BANGZ

Higit isang libot-isang tuwa na siguro ang naibigay ko sa taong mahal ko.Sa loob ng isang taon at dalawang buwan na biyahe namin sa baku-bakong daan madami na kaming trapik na nadaanan.
MAy mga pagkakataong kahit na alam nating mali ang ginagawa natin tuloy-tuloy parin tayo kasi ayaw nating may mawala satin.Ang BLOGA na ito ay ginawa ko para ipaalam at isigaw sa mga tao taas noo,sa buong mundo ANG KWENTO AT KWENTA NG LABLAYP KO!

Isa akong simpleng tao,seryoso sa lahat ng bagay na ginagawa.Walang panahon sa pakikipagtalastasan sa mga tao.HATE ko talaga ag pagsusulat dahil ang paniniwala ko "ANG PAGSUSULAT GAYA NG MGA TULA AY GAWAIN NG MGA LONER AT BROKEN.Hindi ako malalapit sa taong tinuturing akong malapit sa kanila.May sarili akong mundo at pananaw na "ANG PAGIGING INLOVE AY PARANG ICE CREAM NA NATUTUNAW DIN"(DATI YON).Bihira lang tumibok para sa isang tao ang puso ko.Aoyko kasing pagkatapos sa ISA sa sususnod na araw meron ka ng bagong ISA.

Simula ng dumating SIYA,lahat ng akala ko hindi ko magagawa nagawa ko dahil sa kanya.SINO si SIYA at KANYA?Sa mga madalas tumambay sa BLOGHAUS ko siya si ZOXIE -MY MEDICATION.



Hindi ko alam kung may matututunan ba kayo sa lablayp ko pero isa lang ang sinisigurado ko "hindi ka magsisisi na binasa mo ito".Siya bagamat hindi ko pa nakikita masaya ako sa naging resulta ng story naming dalawa.Hindi ko alam speechless ako this time kasi on the spot kong ginagawa ito.Madami na kaming pinagdaanan ni Zoxie at karamihan dun nalagpasan na namin at yung iba kinalimutan nalang.Siya yung masasabi kong titser na dahil sa kanya sinisipag ako pumasok ng eskwelahan.Para siyang sorbetera ng ICE CREAM na hahanap-hanapin ko kapag may problema ako.Siya yung nagiging dahilan para magkaroon ng kwenta ang panyo na pinupunas ko sa luha niya lalo na kapag umiiyak siya.Siya yung dahilan kaya nauubos yung papel at ballpen ko para lang isulat ang mga nararamdaman ko.PARA SIYANG PAGKAIN NA KAPAG HINDI AKO KUMAIN MAGUGUTOM AKO AT MAARING KONG IKAMATAY.

Yan ang kasa-kasama ko sa pagbuo ng mga pangarap ko.hindi ko alam pero kahit anong mangyari maging sobrang bigat man ng problema sa relasyon namin di namin magawang magalit sa isat-isa.Sabihin mo nga:MASASABI MO BANG MATIBAY ANG SAMAHAN NAMIN?

Sabihin man ng iba na masyado akong pathetic sa LOVE pero MAHAL KO SIYA at SIYA NA ANG GUSTO KONG MAKASAMA SA MGA NATITIRA KONG BUHAY DITO SA MUNDO.Wala akong pakialam sa sasabihin nang ibang tao basta may paraan ako kung PAANO KO SIYA IPAGLALABAN SA IBANG TAO.Walang debate na uso samin kasi nagkakaintindihan kami ni Zoxie.Marami ng binago sakin yang tao na yan at kung sakali man na magkahiwalay kami,hindi ako babalik sa dating ako,WALA AKONG MAGAGAWA KUNDI MANATILING SA KUNG ANO AKO NA NABAGO NIYA AT MANANATILING BUO PARA SA KANYA.

HiNdi NamAN kAiLanGaN ng mAramiNg TaO pARa bUmuO ng MunDo KO eh.. MiNsAN IsAnG tAo lang ang KaSamA KO, BuO na ang MundOng KaiLaNgan KO habAmBuHaY...
AT siya lang ang kukumpleto dun.
yan ang KWENTO AT KWENTA NG LABLAYP KO.

Loraine Gonzales,Wifey,tanda,manang,bebita,sparky,topak,melisa,nene,bezbuds.MAHAL NA MAHAL KITA at sana hayaan mo kong sabihin yun sayo!nobody else IKAW LANG WALA NG IBA!

Monday, December 21, 2009

Pasko kasama ang Isang OFW


Isa sa pinakamalungkot na lugar para sa mga OFW ang ‘airport”. Ito kasi yung lugar kung saan malalayo na sila sa kanilang mga mahal sa buhay. Dito nila binubuhos yung mga luha nila n asana kung pwede lang hindi na sila umalis pa.

Sampung taong gulang ako ng umalis ang aking ina patungong ibang bansa upang doon magtrabaho at maghanap ng swerte. Umalis ang mama ko na hawak ang mithiin niya na itataguyod niiya ang pamilya naming. Hindi man madali para samin pero may tiwala kami kay Mama.

Tumagal ng mga taon si mama sa ibang bansa. Bagaman umuuwi siya kada ikatlong taon,kulang pa ito para makapiling ang inang bihira lang naming makasama. Tinaguyod kami ni Mama hanggang sa makatuntong ako sa kolehiyo. Kumuha ako ng kursong journalism dahil yun ang pangarap ko at gusto ni Mama para sakin, ang maging manunulat. Nagsumikap ako sa pag-aaral higit pa sa pagsisiskap ni Mama sa pagtatrabaho para naman kahit paano ay masuklian ko ang pagmamahal niya sakin. Sa bawat dampi ng ballpen ko sa papel ay inspirasyon ko si Mama. Kapag nakakatapos ako ng isang sulatin ay iniisip ko kung tapos na kaya si Mama sa 18 oras na trabaho niya?. Nagpahinga na kaya siya matapos niyang manahi ng mga damit at mag-alaga ng bata na hindi naman niya anak?.

Kailan kaya siya uuwi?. Limang pasko naring hindi buo ang pamilya namin. Disyembre na,isang lingo nalang bago magpasko ngunit wala pa akong balita kay Mama. Nais ko sanang ipagmalaki sa kanya ang tropeong napanalunan ko sa isang paligsahan sa malikhaing pagsusulat. Nais ko sana ngayong Pasko ,ksama namin siya. Kasalo sa hapagkainan at kumakain ng hamon sa Noche Buena. Paano ko maibibigay sa kanya ang binili kong regalo gamit ang naipon kong pera na napanalunan ko sa ibat-ibang palahok.

Dumating na ang bisperas ng Pasko,maagang nagluto sila Ate para sa Noche Buena. Nadako ang aking tingin sa Christmas tree na dati at dinedesenyuhan naming kasama si Mama. Hindi ako mapakali at tila biniblang ko ang bawat minuto na lumilipas. Ngayon lang kasi kami hindi binati ni Mama ng “Maligayang Pasko”. Biglang narinig ko ang pagkatok sa pintuan. May tao ata? Hindi ko alam kung bubuksan ko ang pinto. Bumilis ang tibok ng puso ko. Si Mama na kaya ito? Bubuksan ko na!! natigil ako ng ilang sandal dahil sa bumungad sakin. Ito ang babaeng matagal ko ng hinihintay ang pagbabalik. Ang aking Mama!! Agad niya akong niyakap ng mahigpit samantalang ako ay gulat parin sa nangyari. Muli ko na naming naramdaman ang yakap ng isang ina.

Natupad na yung hiling ko n asana ngyong Pasko ay mabuo ang pamilya naming. Inabot ni Mama ang regalo sa aking mga kapatid at panghuli ang sakin. Binuksan ko ito at nasorpresa ako na ang laman ng kahon ay isang blankong libro at isang ballpen. Hinding-hindi ko maliimutan yung sinabi niya saking, “Anak,yang librong yan ang magiging bahagi ng iyong tagumpay sa pinli mong larangan. Huwag mong sayangin ang pribilehiyo mo na mabigyan o mailipat ang isip mo sa papel. Iyakap mo ang sarili mo ditto at angkinin ang bawat espasyo ng papel na kinalaunan ay magiging pahina. Hayaan mong maubos ang tinta ng ballpen na iyan dahil nais mong abutin ang iyong mga pangarap at nais mong matuto ang mga tao sa buhay mo at hindi dahil sa nakakasulat ka. Anak,andiyan lang ang pangarap mo hinihintay ka para abutin mo.”

Salamat kay Mama dahil andiyan siya at hindi na niya kami iiwan. Kahit wala siyang nauwing pera samin, ang mahalaga kami ay samasama. Tulad ni Mama, kahit gaano pa karaming swerte ang magkaroon ako sa ibang bansa,uuwi parin ako sa bansa ko upang makasama ang aking pamilya at yun ang mas importante sa akin kaysa makakita ng snow sa labas ng aking bintana sa magandang umaga ng Pasko.

Thursday, December 10, 2009

Ang kwento ng Isang Gangster





Matakaw sa gulo at away,palamura,hindi seryoso sa mga bagay2x lalo na pagdating sa pag-ibig.Mahilig magyosi at kapit tuko sa alak..Yan ang impresyon ng iba sa mga GANGSTER.Yung tipong kakatakutan mo kapag nasalubong mo sa kalsada.Ilang taon na rin mula ng nahilig kami sa pagsali sa mga dance contest.Duon madalas ang mga gangster na pakalat2x.Naghihintay sila ng mga dancer na pagtitripan at bigla na lang bubugbugin.Ilang kaibigan kong mga dancer ang mga naging biktima ng mga mokong na yun.Ilang sesyon na din ng sapakan ang napanuod ko lalo na kapag katapos ng dance contest.

Ngunit simul ng nagturo ako ng sayaw sa mga teenager na gangster na sabihin na lang natin na matitinu naman,naiba ang pananaw ko sa mga dating takaw gulo tulad nila.Ang mga teenager na yun iba sila sa mga nakita at nakilala kong gangster(THE FACT NA ISA NA DIN PALA AKONG GANAP NA GANGSTER).May sad part pala na dahilan ang pagiging gangster nila at yun ang nalaman ko nung pinakinggan ko sila.

Ang kwentong ito ay tungkol sa isang gangster na tawagin na lang nating "KUYA TATOR".Ang sanaysay ng kanyang Ultimate lifes saddest part.

Matagal na panahon na yung pinagsamahan namin bilang magkasintahan.Nangako kaming dalawa na walang iwanan.Pero paano ko pa maibabalik yung nakalipas?nahuli na ako at hindi na ako makakatakas.Naalala ko nung 1st yir anibersari namin.Niyaya kong lumabas ang gf ko pero tinanggihan niya ako.Sa kadahilanang tinatamad daw siya at ayaw lumabas at alam kong pagod siya galing sa trabaho.Sumama ang loob ko ng mga aoras na iyon kasi gusto ko siyang kasama sa aming unang taon.Kaya pinilit ko siya at kahit pagod ang gf ko pumayag siya na aking makasama.
Hinintay ko siya nuon sa tagpuan namin,maaga pa lang puumunta na ako dun.Pero hapon na hindi pa siya dumadating.Naiinis ako kasi hindi man lang siya nagtext at kung tawagan ko man siya out of coverage naman.Hindi ko man lang inalala kung nasan na ang gf ko.Ang inisip ko pa ay baka indianin nya ako.Kaya pinuntahan ko siya at pagdating ko sa bahay nila nakita ko ang kanyang Mama papalapit sakin at umiiyak."KASALANAN KO KUNG BAKIT SIY NADISGRASYA,KUNDI DAHIL SAKIN DAPAT BUHAY PA SIYA".

Hindi ko kayang mabuhay ng hindi siya kasama.Yung mga memories namin ang lagi kong naaalala.Nahihirapan akong tanggapin yung kanyang pagkawala.Pinilit ko pero ako pa itong lalong nasasaktan.Ang dami kong sinakripisyo at pinagdusahan.Ang daming nagbago sa buhay ko.Ang mga pangarap na binuo ko kasama siya parang pader na gumuho.Ang akala wala ng katapusan yung saya at pagmamahalan namin,pero dahil sakin nawala lahat sa isang iglap.Isang tapik lang nawala ang lahat ng pangarap namin.

Tuwing iniisip ko siya nahhhirapan ako.Ako yung nagdurusa sa lahat ng mga nangyari.KAhit kailan hindi siya nnawala sa isipan ko.Yung sakit na nararamdaman ng puso ko kelan pa malulunasan?
BAkit ganun?kung sino pa yung minamahal yun pa ang nawawala ng matagal.Hindi ko man ginusto ang mga nangyari .
NASAAN NA KAYA SIYA?BAKIT INIWAN NIYA AKO?PINAPAASA NA LANG BA NIYA AKO?kahit iniwan niya man ako hindi parin siya mawawala sa puso ko.Tanging para lang ako sa kanya.

Ngayon pakiramdam ko wala akong buhay kapag wala siya.Kung wala siya di ko talaga kayang mag-isa.NAhiirapan na ako kasi mahal na mahal ko siya at kung nasaan man siya ngayon sana maintindihan niya kung bakit ako nagkaganito.


madami akong natutunan ng pakinggan ko ang kwento ng isang gangster.Sa bawat hithit at buga nila ng yosi may dahilan pala.Masasabi kong pinakamamasasaklap na parte ng buhay natin ay may dahilan para mag-iba ang isang tao.Kip it up kuya Tator!!

only the mighty one remains.!!!