Friday, August 21, 2009

longing for a grandfather


august 24,2005,2nd year highschool ako ng namatay ang lolo ko.I call him TATANG.bata pa lang ako ay na ay NASTROKE na siya.Madaling araw noon at nasa kahimbingan kami ng tulog nang may biglang kumatok si DITCHE(kamag-anak namin).nung time na iyon parang kinutuban na ako sa ibabalita ni ditche.Its either naospital ang tatang ko or patay na siya.Ako ang nagbukas ng pinot nang banggitin sakin ni ditche na "wala na ang tatang MO".Those words made my world stop.Those words made my heart beat so fast.Pinigil ko ang sarili ko na umiyak simula ng nalaman ko sa patay na siya,maging sa 6 days na burol niya at hanggang sa araw ng libing niya.

Kahit pa nakikita ko ang mga tito at tita ko maging ang mga pinsan ko din na naiiyak.Pinilit kong huwag ipakita sa kanila na naiiyak din ako.Pinigil ko ang luha ko everytime na sisilip ako sa kabaong niya.Pero sa totoo lang sa loob ko,malungkot ako.umiiyak ako ng ako lang ang nakakaalam.Tulad ng habang ginagawa ko ito mas lalo kong narerealize na sana nuon ko pa inilabas ang luha ko.

kapag wala akong ginagawa,pasikreto ako bumibisita sa puntod niya.Nagdidilig ako ng halaman.Ginagamas ko ang mag damo at nililinis ang kanyang lapida.Sa gilid ng sementeryo,bumibili ako ng kandila at hindi nakakalimot magtirik bago umalis.

miss na miss ko na ang lolo ko.kahit na hindi ko siya masyadong naiintidihan magsalita dahil nastroke siya.Miss ko na yung tatang na mangungutang para lang may ihanda kami tuwing fiesta.Yung tatang na kasabay ko kumain ng tanghalian pagkagaling ng school.Si tatang na sinesermonan ako kapag hindi ako natulog sa hapon at pinapagalitan ako kapag hindi ko naubos ang pagkain ko.

kahit hindi ko masyadong close ang tatang ko.Kahit bihira lang kami magkaroon ng bonding.Kahit na nagawa niyang kaliwain ang nanang ko..LOLO KO PARIN SIYA.

sa araw2x na nadadaanan ng biyahe ko ang sementeryo kung nasan siya.NAging bisyo ko na ang tanawin ang puntod niya at masdan kung may nagbago ba.Almost one year na akong di pumapasyal sa puntod niya kahit araw2x kong nakikita.Ngayon,halos matakpan na ang lapida niya ng mga damo gaya ng mga kalapit-punotd niya.
kaya on his 4th DEATH ANNIVERSARY,bibisitahin ko ang tatang ko.kahit man lang yun ang regalo ko sa kanya sa nakaraang bday niya..maswerte parin si tatang dahil kahit paano may bumubisita s akanya di tulad ng mga ibang puntod na halos wala ng makaalala. para dalawin.

Nagflashback tuloy sa isip ko yung panahong nakikita ko siya na talagang hirap na.NA gustuhin man naming dalhin siya sa ospital kaso wala kaming pera.Yung nakikita ko siya na nakahiga sa lumang papag namin at nakaratay na.Yung naririnig namin yung ungol niya dahil nasasaktan siya.
sapat na siguro,yun para mapagbayaran niya lahat ng kasalanan niya.Nagpahinga na si tatang at alam ko in GODS TIME makikita ko ulit siya.Yung makakausap ko na siya ng maayos kasi tuwid na siya magsalita.Yung moment na makikita ko siya na suot ang paborito niyang ALPOMBRA,hanbang hawak ang PUTING PANYO na hawak niya nung nakaburol siya.

ganun pla yung feeling ng namatayan.Parang kalahati ng katawan mo ay baldado.GAnun pala yung feeling na naglalakad ka habang kasunod ka ng karo ng patay.Habang suot mo yung puting tshirt at may blackpin na nakakabit sayo.Yung hanggang sa huling sandali na ililibing siya at hahagisan mo ng bulaklak.


i miss you tatang at sana kung nasaan ka man ngayon nasa maayos ka sana..

antayin mo ko tatang.magkikita ulit tayo yun nga lang matatagalan pa..

Tuesday, August 11, 2009

parting time




PARTING IS SUCH A SWEET SORROW.
kung sa iba masakit para sa kanila ang pagpaparay o paghihiwalay.meron namang iba na masaya na nangyari sa kanila yun..

WHY?

here are some reasons base sa PRINSIPYO NI BANGZ.

1.masaya na sila kasi naniniwala sila na yun ang mas makabubuti.

2. nagagawa nilang magparaya kasi para sumaya ang dalawa at masaktan ang isa.

3.kuntento na ,dahil gusto nilanh mapatunayan na mahal nila ang isang tao kaya mas gusto nilang sa mas karapat-dapat na tao mapunta ang mahal nila.

4.siguro,mas ginusto ng nagpaparaya na siya ang mas masaktan kaysa makita niyang nasasaktan ang mahal niya.

may kasabihan nga,"HABANG MAY PAG-IBIG,IPAGLABAN MO."

kung sa tingin mo WORTH IT naman ang taong ipaglalaban mo SIGE WAG KANG MAPAGOD MAGMAHAL.MAGSAKA KA LANG DAHIL SA BANGDANG HULI BAKA MAY ANIHIN KA.
kung sa tingin mo naman ang pagpapalaya ang pinakamagandang paraan para MAGBAGO KA.GO!!!

tulad nga ng lyrics sa isa sa mga favorite kong kanta;"IF YOU LOVE SOMEONE,YOUVE GOT TO LEARN TO LET THEM GO."

isipin mo nalang na nagawa mong magparaya na isang ibon na nararapat talaga sa dapat niyang tirahan.isipin mo nalang na tungkulin niyang SUMAKAY NG BARKO AT MAGLAYAG patungo sa lugar na gusto niyang puntahan.
hindi naman CHEWING GUM ANG LOVE na basta-basta mo nalang ILULUWA.siguro bago ka magpalaya isipin mo muna ng isang daang ulit kung mahal mo nga talaga ang isang tao.
"KASI ANG TUNAY NA NAGMAMAHAL AY KAPAG NAGAWA MONG IPAGDAMOT ANG TAONG MAHAL MO SA IBA."

minsan nakakapanghina talaga kapag yung taong ipinaglaban mo sa korte ay hindi mo naipanalo.nakapanghina in a way na sa hiwalayan lang magtatapos ang lahat ng pinaghirapan mo. totoo nga yung sabi ni BOB ONG:"MINSAN KAILANGAN MO RIN NG LAKAS PARA MALAMAN MO NA MAHINA KA",at sabi naman sa paborito kong telenovela."HINDI LAHAT NG MALAKS AY NAGWAWAGI PERO LAHAT NG NAGWAWAGI AY LALONG LUMALAKAS."

yan ang LOVE IT IS A WORD THAT HAS NO PERFECT DEFINITION.
ang PAGPAPALAYA ay di dahil sa duwag ka.hindi dahil sa takot kang masaktan at hindi dahil wala kang alam sa pagmamahal,kundi ang PAGPAPALAYA ang pinakamabisang paraan para mapatunayan mo na handa kang MAGSAKRIPISYO PARA SA TAONG MAHAL MO.


bANGZ SAID:

IM UNLUCKY BUT STILL BLESSED.

Wednesday, August 5, 2009

soundless beat




bago ko simulan ang drama ko.hindi ko alam kung bakit wala ako sa mood ngayon. kaya pasensya na kung saan man makarating ang blog na ito.


WHEN A HEART IS TRUE THERE IS NO NEED FOR WORD BECAUSE EVEN IN SILENCE,LOVE CAN BE HEARD.


naalala ko yung crysh ko dati.lagi niyang sinasabi na sana magparamdam na yung taong nagmamahal sa kanya.sabi ko naman,naku nasa tabi-tabi lang yun.(pasimple).tapos sinabi niya sakin ngayon na napapagid na siyang maghintay.sa loob2x ko kaw naghihintay lang eh mas nakakapagod kayang magparamdam.


may mga tao kasing sdyand sapat na sa kanila ang masabi nila ang salitang "I LOVE YOU"pero hindi naman nila kayang patunayan.meron namang masaya na sila na iparamdam ang pagmamahal nila kahit na hindi nila sinasabing "I LOVE you".


kung hihingin mo ang opinyon ko.hindi ko na kailangan sabihin mahal ko ang isang tao.hindi ko na kailangangipost sa bulletin at igm at ishoutout ito sa buong pilipinas para lang ipaalam at patinayan na nagmamahal ako,.walang taong TORPE nagkataon lang na takot sila or hindi pa handang masaktan.


LOVING IN SILENCE!kung baga sa kanta tunog lang ang pinakikinggan mo at walang lyrics.


may kaibigan ako si ART.siya ang kasabwat ko sa lahat ng kalokohan ko.tulad ng ibang tao.kahit gaano pa siya ka-immoral at abnormal ang tingin sa kanya ng ibang tao.marunong din pala siya magmahal.

yun nga lang tama na sa kanya ang patingin-tingin,sweet at caring sa taong natitipuhan niya.MAHAL NIYA BUT HE DONT HAVE THE COURAGE TO TELL IT DAHIL takot siyang mareject.

dumating ang JUDGEMENT DAY at isa ako sa mga saksi sa HUKUMAN NI KUPIDO.pinagtabi ko ang dalawa. sauna ay tahimik at walang kibo.ngunit nagsalita na si babae.


"ART,MAHAL DIN KITA!".biruin mo nalaman ni babae.hindi na niya nagawang tanugnin si art kasi nararamdaman na niya.

siguro yung 6o secs na yun ang pinakamahalagang oras sa buhay ng kaibigan ko.


minsan pala kailangan mo ring maging tahimik para mas malaman na totoo ka sa nararamdaman mo.minsan kailangan mo munang pakinggan ang tono at intindihin ang lyrics ng kanta bago mo ito maging paborito.at minsan kailangan mo munang subukan kung hindi kapa handang masaktan..


kung totoo talaga kayo sa isat-isa.hindi sapat ang paniwalaan nyo ang natitikman nyong lasa.hindi sa kung ano lang ang naabot ng dalawa niyong mata.maari niyo ding pakiramdaman at pakinggan ito gamit ang inyong tenga.


tulad ng nabasa ko sa isang libro na.:

"ANG PAG-IBIG AY HINDI NANGANGAILANGA NG DALAWANG TAONG NAGMAMAHALAN,KUNDI TINIG NG DALAWANG PUSONG NAGKAKAINTINDIHAN."

Sunday, August 2, 2009

how to hate this world

paano kaba magmahal?paano kaba masaktan?paano kaba maging manhid kahit na sobra ka ng nasasaktan ng taong mahal mo?mahirap sa dahilan na hindi mo man lang maparamdam ang pagmamahal mo.hindi sapat na sabihin mong "i love you".kulang pa ang mangako para lang masabi nyong mahal nyo ang isat-isa...at walang mangyayari kung parehas kayong hindi makalimot sa nakaraan nyo..masakit diba?masakit tanggapin na nilikha ka lang para magpasaya sa kanya..na ikaw ang tagapuno ng mga pagkukulang ng taong mahal niya..na tila isa ka lang tissue na pupunas at tagasalo ng mga luha niya,,at pagkatapos gamitin ay itatapon ka nalang o iiwan basta na tila isang basura..minsan nga naisip ko na sana di nalang ako natutongmagmahal.na sana lahat ay isa nalang laro..na sana ang mundong ginagalawan ko ay isang malaking playground..para naman hindi ako matutong magtanim ng sama ng loob..kung bakit ako naiinis sa buhay ko..pero kahit anong mangyari..kapag naiisip ko siya(zoxie)..i just simply smile and said.."how can i hate thid world ehh dito ko siya nakilala"thats life and thats we were supposed to be now..kahit wala akong ngwa ,,dahil minahal ko siya kaagad..