Friday, August 21, 2009

longing for a grandfather


august 24,2005,2nd year highschool ako ng namatay ang lolo ko.I call him TATANG.bata pa lang ako ay na ay NASTROKE na siya.Madaling araw noon at nasa kahimbingan kami ng tulog nang may biglang kumatok si DITCHE(kamag-anak namin).nung time na iyon parang kinutuban na ako sa ibabalita ni ditche.Its either naospital ang tatang ko or patay na siya.Ako ang nagbukas ng pinot nang banggitin sakin ni ditche na "wala na ang tatang MO".Those words made my world stop.Those words made my heart beat so fast.Pinigil ko ang sarili ko na umiyak simula ng nalaman ko sa patay na siya,maging sa 6 days na burol niya at hanggang sa araw ng libing niya.

Kahit pa nakikita ko ang mga tito at tita ko maging ang mga pinsan ko din na naiiyak.Pinilit kong huwag ipakita sa kanila na naiiyak din ako.Pinigil ko ang luha ko everytime na sisilip ako sa kabaong niya.Pero sa totoo lang sa loob ko,malungkot ako.umiiyak ako ng ako lang ang nakakaalam.Tulad ng habang ginagawa ko ito mas lalo kong narerealize na sana nuon ko pa inilabas ang luha ko.

kapag wala akong ginagawa,pasikreto ako bumibisita sa puntod niya.Nagdidilig ako ng halaman.Ginagamas ko ang mag damo at nililinis ang kanyang lapida.Sa gilid ng sementeryo,bumibili ako ng kandila at hindi nakakalimot magtirik bago umalis.

miss na miss ko na ang lolo ko.kahit na hindi ko siya masyadong naiintidihan magsalita dahil nastroke siya.Miss ko na yung tatang na mangungutang para lang may ihanda kami tuwing fiesta.Yung tatang na kasabay ko kumain ng tanghalian pagkagaling ng school.Si tatang na sinesermonan ako kapag hindi ako natulog sa hapon at pinapagalitan ako kapag hindi ko naubos ang pagkain ko.

kahit hindi ko masyadong close ang tatang ko.Kahit bihira lang kami magkaroon ng bonding.Kahit na nagawa niyang kaliwain ang nanang ko..LOLO KO PARIN SIYA.

sa araw2x na nadadaanan ng biyahe ko ang sementeryo kung nasan siya.NAging bisyo ko na ang tanawin ang puntod niya at masdan kung may nagbago ba.Almost one year na akong di pumapasyal sa puntod niya kahit araw2x kong nakikita.Ngayon,halos matakpan na ang lapida niya ng mga damo gaya ng mga kalapit-punotd niya.
kaya on his 4th DEATH ANNIVERSARY,bibisitahin ko ang tatang ko.kahit man lang yun ang regalo ko sa kanya sa nakaraang bday niya..maswerte parin si tatang dahil kahit paano may bumubisita s akanya di tulad ng mga ibang puntod na halos wala ng makaalala. para dalawin.

Nagflashback tuloy sa isip ko yung panahong nakikita ko siya na talagang hirap na.NA gustuhin man naming dalhin siya sa ospital kaso wala kaming pera.Yung nakikita ko siya na nakahiga sa lumang papag namin at nakaratay na.Yung naririnig namin yung ungol niya dahil nasasaktan siya.
sapat na siguro,yun para mapagbayaran niya lahat ng kasalanan niya.Nagpahinga na si tatang at alam ko in GODS TIME makikita ko ulit siya.Yung makakausap ko na siya ng maayos kasi tuwid na siya magsalita.Yung moment na makikita ko siya na suot ang paborito niyang ALPOMBRA,hanbang hawak ang PUTING PANYO na hawak niya nung nakaburol siya.

ganun pla yung feeling ng namatayan.Parang kalahati ng katawan mo ay baldado.GAnun pala yung feeling na naglalakad ka habang kasunod ka ng karo ng patay.Habang suot mo yung puting tshirt at may blackpin na nakakabit sayo.Yung hanggang sa huling sandali na ililibing siya at hahagisan mo ng bulaklak.


i miss you tatang at sana kung nasaan ka man ngayon nasa maayos ka sana..

antayin mo ko tatang.magkikita ulit tayo yun nga lang matatagalan pa..

3 comments:

Anonymous said...

GANDA NAMN NITOH.PARA SA LOLO MO BA YAN?

Project Inversion said...

sobrang hiappaginiwan ka na ng taong mahalaga sa buhay mo...
masakit man sa kalooban mo, pero kelangan talaga tanggapin mo...
when i was in this situation, i was thinking on how to save a life... and i made this post for my Lola, http://wtwdjezardo.blogspot.com/2009_08_14_archive.html

My post is related to yours.
I know how it feels...

masakit na kung masakit pero sa huli kelangan pa din natin matutunan tanggapin..
ndi natin hawak ang buhay natin at buhay ng iba, hiram lang natin 'to...
kung gustona Nya kunin, wala na tayo mgagawa...

I would also like to share this post which i found relateed also to the post i gave, http://wtwdjezardo.blogspot.com/2009_08_10_archive.html
this is about the sharing what you feel when you're in this kind of situation...

LIFE maybe hard and unfair, we can do nothing 'bout it but to LIVE WITH IT.

have a pleasant morning!

Rhea Rivera said...

hi. can you tell me the title of the song? thanks.