Saturday, September 5, 2009

Milya-milyang pagkakataon




Oh,siya na naman. Ang aking VIO! ang nag-iisa at tanging Vio ko.Ang makita siya sa klase ay tila kumpleto na ang lahat.


Sandali lang,Bakit masyado akong conscious sa sarili ko? Maganda ba ako tingnan?Ang bilis ng tibok ng puso ko. Mapipigilan ko ba ito? hindi ko kaya.Sinubukan kong magpapansin sa kanya,nginitian ko siya,pero hindi man lang niya ako nginitian.


Oo,siya si Vio at wala ng iba.Sa tagal ng panahong kami ay magkasama,naging magkaribal na kami sa pagiging honor sa klase.Simula pa lang nuong elementarya hanggang hayskul.Hindi ko siya masisisi sa pagiging ganuon.Ngunit may isang bagay akong dapat itago sa aking sarili,MAHAL KO SIYA,KAHIT ANO PA MAN.Ang puso ko ay tumitibok para sa kanya.Sa tuwing gigising ako sa umaga mas lalo akong napapamahal sa kanya.Para siyang kakaibang kaklase sakin.Lahat ng hinahanap ko sa isang lalaki ay nasa kanya-matalino,disiplinado,matipuno at higit sa lahat responsable,Ngunit anong gagawin ko?Hindi man lang niya ako kausapin.Kung alam lang niya na ang babae na tinuturing niyang karibal ay umiibig na sa kanya.


Nagpatuloy pa ito hanggang sa hindi ko na mapigilan.Magkahalong takot at pagkasabik ang aking narararamdaman.Nasasabik ako sapagkat sa wakas magsusuot na ako ng toga.Natatakot ako kasi ang pelikula na ginagawa namin ni Vio ay magtatapos na.ITS OUR GRADUATION DAY!!


Matitigil ko pa ba ang oras?Gusto kong tumagal ang araw na ito hanggang sa makaipon ako ng lakas ng loob na sabihin sa kanya kung gaano siya kahalaga.Nang abutin niya ang diploma,para bang iyon na ang katapusan ng lahat ng mga pangarap ko kasama siya na hindi pa man nabubuo.

makaraan ang 15 taong pagsubok na takasan ang alaala ng kahapon.Sa wakas nahanap ko na ang lugar kung saan ako nababagay.Masaya na ako sa buhay ko ngayon kahit na hindi ko maitatago ang katotohanan na ang nararamdaman ko para sa kanya ay hindi na mawawala.Pero anong gagawin ko?Siguro masaya na siya sa kung sino man ang pinili niyang mahalin?Ngunit para sakin hanggang ngayon mananatili parin siyang espesyal sa puso ko.Oo,sa wakas nahanap ko na ang aking kaligayan pero hindi parin ako kumpleto.



Gising Zandra!nananaginip ba ako?siya na naman.Paano ko malilimutan yung pagtayo niya na tila isang sundalo at syempre ang mga mapangusap niyang mata.Papalapit na siya sa akin habang sinasambit ang mga salitang "MAHAL KITA , SA SIMULA PALANG NA NAKITA KITA.IBA KA SA MGA BABAENG NAKILALA KO.YUN NGA LANG WALA AKONG LAKAS NG LOOB NA SABIHIN SAYO DAHIL WALA PA AKONG KAHIT ANONG MAIPAGMAMALAKI SAYO."Bakit hindi mo ako hintayin? Parang gusto ko ng tapusin ang buhay ko nung mga oras na iyon.Kung sinabo niya lang sakin iyon ng mas maaga edi sana magkasama na kami ngayon.

Naglakad siya papalayo habang dumadaloy ang mga luha sa kanyang pisngi.Gusto ko siyang habulin kaso pinigilan ako ng mga ka-ministry ko.Siguro hindi niya maaatim na makita ako suot ang asul na palda at mahabang damit at ang puting belo na magtatakip sa buhok ko upang hindi makita ng mga tao.Pero kahit ganuon,mananatili parin siyang nag-iisang lalaki sa puso ko.Kahit na ako ay isa ng MADRE,hindi ko makakalimutan ang taong naging dahilan ng malaking pagbabago ko.


Mas pipiliin ko pang maging tagasunod ng DIYOS kaysa makasama ang taong hindi naman si VIO.

Mahal ko si VIO pero sa ngayon,mas matimbang ang pagmamahal ko sa DIYOS at hindi na ito magbabago pa habang buhay.




No comments: