Wednesday, September 15, 2010

Finally, dalaga na si Zoxie





Well bakit nga ba ako nagpopost!!! naka online ako sa facebook ng di ko inaasahang makita ang STATUS ni LORAINE ( REIIN GONZALES CROOX IS IN RELATIONSHIP WITH ALVIN??)

late na naman ako.. kung sila man di ako nakapila! kainis


[nabadtrip at nanghinayang kaya nagisip ng topic]

FINALLY, DALAGA NA SI ZOXIE (topak sa buhay ko)
18 years old na siya at mature enough para magdesisyon para sa sarili niya. Dati sa una kong bertday blog sa kanya almost puro message at wishes ! And now siguro magkukuwento ulit ako ng buhay ko AFTER naming magkahiwalay ni TOPAK!!

After december 24.. sobrang dami kong natutunan. hindi ko alam pero yun siguro yung tinatawag na DI INAASAHAN.
Nagmahal ako para MATUTO hindi para MASAKTAN. Sa nangyari sa relasyon namin ni Loraine wala man lang akong naramdaman na galit. Pati break up namin aminado akong naging tahimik.

May isang bagay lang na pinagtataka ko, Bakit yung ex ni loreng at yung jowa nya naun tumagal samantalang sakin 1 and a half month?

September 17 2009 ng huli akong magpost ng birthday blog ko for ZOXIE. One year na pala ang nakalipas after kong ihayag yung mga bday wish ko para kay TOPAK. Now im here nakaharap sa laptop (courtesy of ate jinky) para magpost ng di ko alam kung anu ba ang sasabihin ko para sa TAONG MINSANG NAGING PINAKAESPESYAL SA BUHAY KO.

Well, finally dalaga na si Lorelie Gonzales, (kilala sa tawag dito sa blog kong ZOXIE)

18 years old na siya at mature enough para magdesisyon para sa sarili niya. Anu nga ba naging buhay ko after naming magkahiwalay ni Topak? Aminado ako it takes 6 months para mag-antay pero 1 month para makamove on! Mas nauna ang MOVE ON ko kaysa PAGHIHINTAY. And now its been 8months at siguro eto na yung sinasabing PROMISES ARE MEANT TO BE BROKEN. Why? Kasi…. Hindi ko natupad yung usapan namin ni Topak na sa pinakaespesyal na araw sa buhay niya dapat magkasama kami, Kumakain ng Balot, nagtutusok g siomai at kinakamay ang kalamares. Magdamag magkukuwentuhan at inabukasan pagluluto niya ko ng adobo.

Hindi naman ako nagmahal para masaktan, nagmahal ako para may matutunan.








Aminado akong di kami nagtagal ni Loraine, at mas matagal pa yung paghihintay ko kasya sa mg araw na OFFICIALLY KAMI NA. Kaya marami ang di naniniwalang nahirapan ako magmove on.

Ang totoo everytime na makikita ko yung pictures ni Topak kasama si Jhoan (gf niya). May konting kurot sa puso ko. Gusto kong iminimize or iclose yung page para somehow di ko makita yung pic nila pero THAT’S THE REALITY na si Topak nakamove on na samantalang ako napag-iiwanan. May nakilala akong katulad ni Topak, pagdating sa pag-iisip ng mga positibong bagay (si MOMAY). But now, malapit na siyang ikasal. At yun yung pinakamasaklap na parte sa buhay ko, na nagregalo si God sakin ng 2 taong super nagcause ng great change sa buhay ko at sa bandang huli kukunin din sakin at ibibigay sa iba.

Siguro kung tatanungin ko si Loraine ngayon kung ano yung greatest dream niya. Ang isasagot siguro niya sakin ngayon “ Gusto kong maging Photographer”. At hindi na yung “ Gusto kong tumira sa isang mall at kainin lahat ng ice cream”

Iniisip ko kung isang estudyante pa ba si Loraine na makikita sa gilid ng room habang nagbabasa ng libro? Yung iiyakan yung mga bagay na maliit lang?

After 8months ngayon ko lang ulit naopen itong samin ni Zoxie. Ngayon lang ulit ako nakapagpost ng blog. Siguro nga, marahil itong blog na to ay para lang sa storya namin ni Zoxie na open for all madlang pipol. Ngayon ko lang aaminin na OO UMIYAK AKO!! SA FONE MISMO HABANG KAUSAP KO SI LORELIE. LALO NA NUNG SINABI NIYANG KASAMA NIYA SI JO THAT TIME. Umiiyak ako habang sinasabi ko sa kanyang “DAPAT AKO YUNG KASAMA MO DYAN EH”

Hindi masakit pero malungkot sa part ko. Hindi ako umiyak kasi nasaktan ako, umiyak ako kasi alam kong yung oras na iyun ay yung huling oras na pwede kaming maging sweet sa isat-isa ng walang malisya. Malungkot dahil yun na yung huling beses na tatawagin ko syang HONEY.

May something sa puso ko na hanggang ngayon nakalaan parin kay Zoxie at di ko alam kung ano yun. Dalaga na si tanda. At isa na ako sa mga taong nakangiti habang tinitignan siya na malaki na ang pinagbago.

I know at nararamdaman kong dito ako hahanapin ni Tanda kaya magiiwan ako ng mensahe para sa kanya.


TANDA/TOPAK!

Happy happy 18th bertday! Sorry kung di ako makakapunta dyan para kumain ng ballot. May intrams kasi kami at lalaban ako ng badminton. Don’t be excited tanda, baka ayaw pa ni lord na kumain ako ng balot dyan. Pupunta ako dyan sa time na may karapatan na akong pumunta dyan dahil legal na ko sa mga taga Laurel at STI.

Topak I miss you! Miss you so much.. Tanda im happy for you in a way na Ok ang buhay mo ngayon. Siguro time na para sabihin ko sayo yung tunay na feeling ko. Tanda, mahalaga ka sakin. May isang pinto sa puso ko na inaantay ka para katukin mo. May mga bagay ditto sa mundo na isang tao lang ang makakapagpatunay na totoo lahat. Abutin mo lang ang mga plano mo sa buhay. Alam kong kahit di ka pa 18 mature ka na mag-isip.

Topak its my 2nd bday blog. And sana nagiimprove hahaha.. di naman ako nawala eh andito lang ako. Nagkataon lang na yung prisensya na nakakapagpasaya sayo ay kasama mo. Kaya nababalewala yung aura ko. Ang sarap isipin na di man lang tayo nag-away nung di pa TAYO at nung TAYO na at lalo na nung hindi na TAYO. May isang salita na tumatak sa isip ko na ipanamana mo sakin à MARAMING PWEDENG MANGYARI! At dahil dyan naniniwala akong marami pa ngang surprises at changes na mangyayari.

Topak dito ako, still buo ! thanks for everything sorry for this simple gift eto nga pala contact ko ( 09483751791)

Happy 18th bday lorelie Gonzales. Isa ka ng ganap na dalaga. No more ice creams, koko crunch and kitkat. Again happy bday at sana maging Masaya ka pa sa mga susunod mong araw!

from your:

topak and bestbuds.


Monday, August 23, 2010

Mga hinuhang Magaganap

Mga Hinuhang Magaganap

By. Janine Diaz

Natigil ako SA pagbabasa habang nasa biyahe ang eroplanong aking sinasakyan ng madako ang aking panigin sa petsa na nakalagay sa pahayagan na aking binabasa, Abril 2022. Sampung taon na ang nakalipas nang ako ay nagtaos ng klehiyo sa CAINTA CATHOLIC COLLEGE. Ako si Janine Diaz. Kilala sa tawag na Bangz, isa ng ganap na manunulat na nakadestino sa California at nagtatrabaho bilang isang editor sa isang malaking kompanya sa L.A... Binigyan ako ng 7-day vacation leave na malugod kong tinanggap. Napili kong umuwi nalang ng Pilipinas dahil matagal din akong hindi nakabisita dito.

Naalala ko ang EDUCRATS. Inilabas ko ang litrato na nakatago sa wallet ko. Sampung taon na ang nakalipas matapos naming matanggap ang inaasam na diploma. Matapos naming magpalitan ng autograph, iyakan at yakapan. Wala na akong naging balita sa kanila. Ano na kaya ang nagging buhay ng EDUCRATS? Nagtagumpay kaya sila sa napili nilang larangan?

Habang inaayos ko ang damit ko,maksidenteng nahulog ang litrato naming. Dinampot ito ng isang babae at iniabot sakin. Nang tiningala ko siya para pasalamatan siya pala si Abegail Guevarra isa ng flight stewardess sa isang first class airline.nang lumapag ang eroplano nagpaalam na ako sa kanya. Sa paglalakad ko sa NAIA nabunggo ako ng isang newscaster si Mam Reggie Guevarra na nagmamadali para sa flight niya patungong U.S upang saksihan ang panunumpa ng bagong presidente na si Michelle Obama.

Tumungo muna ako sa El Grande Hotel na pagmamay-ari ni Janine Zapanta upang magpahinga. Makaraan ang 2 araw nakatanggap ako ng tawag mula sa kaibigan kong si Bob Ong. Naghanda pala siya ng mga talaan ng aking mga dadaluhan para sa bago kong libro.

Binuksan ko ang telebisyon para manuod ng balita at si Liezel Joy Muya na pala ang pumalit kay Mel Tiangco sa 24 oras. Binabalita niya ang tungkol sa pinay na bagong miyembro ng NASA si Ritchelita Laurente isa ng astronaut. Kinabukasan tumungo ako sa Mall of Asia upang saksihan ang pagbubukas ng isang galeriya na pagmamay-ari ni Grace Agustin na isang pintor; lalo akong napahanga ng ipinta niya si Grace Dei de leon na isang sikat na ramp model suot ang napakagandang damit na likha ni Monique Lhuiller.

Binuksan ko rin ang aking laptop para puntahan ang webite na www.travelwithdiane.com isang sikat na website ni diane Jose tungkol sa kanyang paglalakbay bilang misyonaryo.

Sa ikalimang araw na pamamalagi ko. Niyaya ako ng bagong may-ari ng Julie’s Bakeshop na si Kaye Gaco upang manuod ng isang konsiyerto. Tampok ang international recording artist na si Ivan Manela na bagong kasal kay Ofelia Medina na isa ng guro sa Unibersidad ng Pilipinas. Panauhin din sa konsiyerto ang bokalista ng bandang Parokya ni Jm na si John Michael Gutierrez na ama ng 2 supling ni Marisa Jimenes, ang abogado ni Aling Dionisia Paquiao. Pumunta din ako sa Asian Hospital para bisitahin ang kababata ko ng makabunggo ko si Marisa Biscuecos. Na nurse na doon. Sa di kalayuan nakita ko si Ema Rose Gaco na nurse naman ng isang senador. Sa labas ng ospital ay ay nakasalubong ko si SPO1 Grace Abines at SPO2 Marianne Joy Pasang na kasalukuyang may iniimbestigahang krimen sa tulong na rin ni Elena Siasat na isa ng crime scene investigator.

Sa ikaanim na araw ko nakatanggap ako ng imbitasyon para maging panauhing pandangal para sa araw ng pagtatapos ng mga sekondarya sa CAINTA CATHOLIC UNIVERSITY. Iba na ang eskwelahan na minsan ay aking naging tirahan. Lumawak na ang dating isang palapag na gusali ng mga kolehiyo. Ang pasilidad ay kompleto Na. Ang silid na dati ay tmatagaktak ang pawis naming ngayon ay fully-airconditioned na.

Tumungo ako sa opisina ng punong guro at sumalubong sakin si Francisco Aguba ang bagong college dean. Sinalubong din ako nila Wenilyn Bautista, Rosevie Moyo, Maryrose Marco at Allan Salazar na pawing mga guro na din sa aming eskwelahan. Sila Unica Cano, Marybel David, Reyna de Guzman at Myleen Servo naman ay ipinagmalaki nila sakin ang diploma nila ngmakatapos sila ng Master of Arts.

Sinulit ko ang oras dahil baka matagalan ulit ako bago makabalik. Naglakad lakad ako sa pasilyo na dati ay kalimitan kong dinadaanan. Dinalaw ko ang silid kung saan ako natuto sa maraming bagay, bumagsak sa mga pagsusulit at kung saan pinahalagahan ako na aking mga kaklase.

Nakita ko pa yung sarili ko na nasa likuran malapit sa pinto habang nakikinig sa mga sermon at pangaral ng guro ko. Nakita ko pa ang sarili ko na nakikipagkwentuhan sa mga kaklase ko kapag walang klase. Naririnig ko pa yung tawa naming magbabarkada habang pinaplano kung saan at kailann kami maglalaboy.

Naupo ako pansamantala sa stage. Pinagmasdan ko ang paligid ng paaralan. Miss na miss ko na ang EDUCRATS. Ang mga kaklase kong apat na taon kong kasama ay makikita ko pa kayang samasama? Ano na kaya nangyari sa mga guro ko? Paano ko sila pasasalamatan kung ngayon ko lang natututunan mga tinuro nila?

Sa ikapitong araw at huling pamamalagi ko, nakatakda muli akong magtalumpati sa aming eskwelahan para magpasalamat sa mga sumuporta sa libro ko. Sa pagbukas ng talon, bumungad sakin ang maraming tao na hindi ko inakalang ganon karami ang dadalo. Pinasalamatan ko lahat ng naging bahagi ng tagumpay ko. Sa huling parte ng aking talumpati ay binanggit ko na:

“Life is never about the people who act true to my face,. It is always about the people who remain true behind my back.”

Nagtayuan ang lahat at pumalakpak. Nang masorpresa akong isa-isa ng umaakyat sa entablado ang mga dati kong kaklase na andun pala para suportahan ako.

Yan ang mga graduates ng CCC matagumpay sa mga napili nilang larangan.

I love the way you smile while take pics ♥
I love the way you scold me 'Baka' ♥
I love the way you laught ♥
I love the voice when u jst awake ♥
I love to see your eye ♥
I love to hear you scold me '傻瓜' and i love to be your '傻瓜' forever ♥
I even love the way u jealous, and pretend your'r not jealous ♥

Sunday, June 27, 2010

Lumilipad na naman ang isip ko





May mga araw na msaya, mas Masaya at pinakamasaya pero walang araw na malungkot, siguro iniisip mo lang na malungkot ka kaya nasabi mong hindi ka Masaya.

[ 3:35 am nagising ako dahil sa ingay ng mga nagbibinggo kong kapitbahay]

Tinitignan ko ang mga kapitbahay kong adik sa bingo. Ang mga umubos ng graba ng kapitbahay naming para pang tantos sa bingo card nila.
Ang saya tignan kasi naistorbo nila ako matulog dahil sa lakas ng sigaw nila
[ sa N highway, sa I buntis}

Dati pa aman maraming nangyayaring kababalaghan na nangyari sa buhay ko kahit hindi halata sa akin may tinatago karanasan na super nagwindang ng buhay ko.



"What if....
you didn't know what you had...
until it was gone...
what if life gave you a second chance...
to love the one you lost?
what if you have only one day
to express how much you love him/her?

go ahead and tell her/him now before
it's too late..

kinuha ko lang kay kua saul!!

nakakapagtaka kasi hmmm.. wala akong maisip lumulipad ang isip ko
sa maling tao na naman ako nainlab. di ko alam bat ganito kahit na alam kong may bf siya di ko maiwasang lapitan siya at kausapin.






Sa isang maliit na sulok ng inbox ko. May nakilala akong isang babaeng sobrang malawak ang pananaw sa buhay. Ang nagturo sakin na lahat ng bagay bago mo makuha dapat pinaghihirapan.
Siya si Maria Jackie Nicole Serrano. Bagong prinsesa? Not at all pero siya ang bida ng blog ko ngayon.Well, maraming bagay ang tinuro sakin ni MOMAY maliban sa paghithit ng Chongkie. Natuto akong lumaban sa mga bagay na kahit alam mong wala ng pag-asa kung mapapakita mo palang seryoso ka talaga sa isang tao may posibilidad na makuha mo siya.
Ayoko siyang ikumpara kay ZOXIE pero may 2 bagay na masasbai kong pareho sila yun ay ang tining ng boses at pagiging malambing. Si Jackie may BF na at may isang bagay na siguro yun na ang magdudugtong sa kanila ng BOYFRIEND niya habambuhay! I dont know if destiny lang ba or aksidente na mahalin ko ang taong may Boyfriend na at may posibilidad na malapit ng IKASAL.. hindi ko alam kay GOD kung bakit yung mga LOVE STORY niya na nais kong buuin laging may sabit.
Sabi ng kuya ko: “ Gawein mo lang yung mga bagay na magpapasaya sayo kahit na sa tingin mo masasaktan ka lang sa bandang huli.”
I miss blogging at siguro eto na rin yung way para somehow malaman ni Jackie na seryoso ako sa kanya kahit na I’VE MET HER IN A WRONG TIME. I LOVE JACKIE not because sweet siya or kaboses niya si ZOXIE but i LOVE JACKIE sa paraan na ipinaramdam niya saking na iba ako sa mga nakilala niya. I LOVE HER THE WAY SHE MADE ME STRONGER.
“Sa kahit ano mang kalakaran ng pag-ibig , kahit gaano mo man paghandaan ang katotohanan laging mas masakit ang resulta kesa inaasahan.”
I have 4months to THINK, PLAN AND MOVE before bumalik ang boyfriend ni MOMAY galing training bilang sundalo. KAKAPIT PA BA AKO? DAPAT KO NA BANG TIGILAN? MOMAY TULUNGAN MO KO? Readers GIVE AN ADVICE PLZ!!!
MOMAY if ever na mabasa mo ito “ Your the best thing ive ever had”




MAHIRAP MAG "I LOVE YOU" KUNG
WALA NA SIYA SA IYO...
wala na kasing mag i-"i love you too" sa iyo


Hays. Gagawin ko nalang lahat ng makakaya ko!!


Natuto akong mag hintay
pero natuto rin akong mapagod,
Natuto akong magtiis
pero natuto din akong sumuko,
ang masakit lang dito...
Natuto akong mag mahal ng buo
pero ang mahalin ako ng buo
ay di kayang matutunan
ng taong mahal ko



! GUDLAK BANGZ!!!

Thursday, June 10, 2010

suicide note ng isanG jejemoN!

Wala akong kinalaman sa picture sa taas.... napapansin ko lang na may namumuong cold war ng mga jejemons at jejebusters... kaso dahil busy ako sa gf ko at sa mga bagay BAgay!!.... hehehe di ko alam ang meaning ng mga nabanggit na salita sa taas....


Opps.. Hindi Ako isanG jejemoN pero this time lanG . NAkaktuwA yung SuiCide noTe pinakaunIque at HEartfelt na PamamaalAm na NAbasa Ko.

Wala ako Sa mood MAgpost PEro Nung MAkita ko ito Sa blog Ni kuA saul TAe.. dAmi Ko tawa..
Paa BagaNg aNG binaBAsa ko ay isanG sulat ng alien .ahahaha

well mild jejemOn ako pero hindi terminal noh.

Anu mababasa Mo ba YAn!!!


--[ i LHAb YouW AsaWaH kowQh !! mhAl N4h mh4L kiT4h!!] f3ckyouw!!

Sunday, May 9, 2010

makapagpost lang si BANgz !




Nanunuod ako nang bubble gang ng maisipan kong gumawa ng blog. MEdyo nag laylo kasi ako nitong mga nakaraang linggo hindi araw nagkaroon kasi ng malfunction yung tinta nang ballpen ko kaya hindi ako masyadong makapagsulat.

Nakakatuwang isipin na balik na naman ako sa dati na nagsusulat, itatype at ipopost. Ginanahan na naman ako kasi nalaman kong nagbabasa pa pala nang blog ko ang No ONe reader ko!. Panibagong kwento?? siguro uo pero hindi pa siguro eto yung time para ipakilala ko siya .. ayoko na!! tahahaha.. kahit pa may basbas ni Zoxie na magkwento ako tungkol sa prinsesa ko ngayon???

masarap palang sumulat habang kumakain. Mas mainam pala kung nagkukwento ka habang tumutugtog ang paborito mong senti na kanta. at mas gaganahan ka pala talagang magsulat kapag alam mo pagkatapos mo sa ginagawa mo ay may taong nagiintay para magbasa ng sulat mo.

medyo tagilid pala ang kasabihang TIME HEALS ALL WOUNDS! TIME IS A BIG HEALER!. because YOUONLY GET TO BE HEALED WHEN YOU DECIDED TO BE CURED!. gagaling ka lang kapag naisipan mong gusto mo na talagang gumaling!! TAMA!!!!

well! wala akong balak maging emo kasi hindi naman ako EMO!!. jejemon???
malapit palang siguro dahil sa mga bagay na matagal nawala tapos aangkinin ka kapag bumalik. yung bagay na hirap ka na pero ayaw ka pang bitawan at mga bagay na gusto mo pero ayaw ka paring paniwalaan.
well!! well! Well ! kaya ko ito isang maanghang na pancit canton at banana chips lang ang katapat nito.

[ natulog si bangz ipagpapatuloy kinabukasan ]

bibigyan ko kayo nang background about sa LABLAYP ko!!

--> akisidente lang ang pagkakakilala ko sa lablayp ko!

well hanggang dun lang tipid nuh.. may tamang panahon para dyan..
Pero sabi ng kuya ko. " THERE ARE NO ACCIDENTS IN LIFE" . Lahat daw ng bagay nangyayari kasi may dahilan.
[ agree naman ako ]

""everything happens for a reason. every people we meet will have a role in our lives be it small or big. some will hurt, betray and make us cry to become stronger. Some will teach us lesson not to change us but for us to realize our mistakes and to help us grow and make us a better person as we can be. And some would simply inspire and love us to make us happy WHOLE and COMPLETE.

dadating ang araw magkakaroon ako ng kapangyarihan na makapagsabi ng tamang BAGAY sa tamang TAO sa tamang PANAHON.

wag magmamadali laging tandaan.--> sa tamang panahon may isang taong magbibigay alam sayo kung bakit paraka sa kanya at kung bakit hindi ka para sa iba.

LIVE LOVE TO THE FULLEST!!

its nice to be BAcK!!

Wednesday, April 7, 2010

Habilin ni Tofie




this post was requested by TOFIE DIAZ via email. This is his LOVESTORY!!!


Sept. 17, 2009 ng makilala ko si LORLEE sa isang chatsite. Siya ang nagpakilala ng site mo sakin. Si Lorlee ay matagal ng reader ng blog mo samantalang ako ay baguhan palang sa pagbabasa ng AM I REAL? Site na sinasabi mong Balikong buhay.

Nang nakilala ko si Lorlee nahilig na din ako sa pagbabasa pero isang blogsite lang ako madalas pumapasyal yun ay ang blog mo Bangz. I fell in love with Lorlee siguro its because na rin sa common denominator naming when it comes to feelings ar reaction after we read your blog. Hindi ko rin alam kung paano ko sasabihin kay Lorlee yung feelings ko for her ,not because nahihiya akong mareject kundi dahil may boyfriend siya.

Bangz si Tofie lang ako nagmamahal at gumagawa ng mga bagay na imposibleng mangyari para lang sa minamahal. Natatakot ako nab aka kapag sinabi ko kay Lorlee ay baka tuluyan na kaming hindi magkita.(yah hindi pa talaga kami nagkikita kaya nga nakakarelate ako sa story nyo ni ZOXIE eh.

Hanggang sa dumating yung time na hindi ko pinghandaan. Nagkaroon kami ng debate about sa post mong “SOUNDLESS BEAT”. Kung bakit nga ba may mga taong torpe?. Deep inside syempre aminado akong isa ako sa mga torpeng yun. To the point na baon na ako sa pang-aasar niya palihasa daw CHICKBOY AKO.

Umamin na ako sa kung ano ang nararamdaman ko.

Lorlee, mahal kita,mahal na mahal. Sorry kung ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin sayo. “Wala nga naman akong karapatan masaktan pero hindi ako kailangang utusan para mahalin ka”. Those lines ang nagpatigil ng mundo ko. Siguro mas mahirap bigkasin yun kung kaharap ko na talaga si Lorlee.

Tofie, kung alam mo lang ang pinagdadaanan ko ngayon. Tofie, nagkamali ako nung tanggihan kita noon. Ikaw lang pala ang hinihintay ko.

Kasalan ko kaya handa akong magtiis Lorlee. Kahit pa makihati ako sa kanya ibibigay ko ang pgmamahal na hindi niya kayang ibigay.

Sshh..Tofie,sayo lang ako at hindi mo na kailangang makihati pa. handa na akong magmahal at hindi ko kaya na mawala ka pa Tofie.

Sa wakas nagging kami ni lorlee nung NOV 07, 2009. Overwhelmed at sa sobrang tuwa halos di ko na mabitawan yung cellphone ko sa kaaantay at sabik na mabasa ang text ng GIRLFIREND ko. Halos di ko na makilala ang sarili ko dahil sa nabago sakin ni Lorlee. Akal ko dun na nagtatapos yun pero hindi pa pala.

Bangz naghiwalay din kami ni Lorlee nitong DEC 23 the day before ng xmas eve. Ipinaglaban ko siya Bangz gaya ng sinabi mong”HANGGAT MAY PAG-IBIG IPAGLABAN MO”.

Nagkabalikan sila ng BF niya. Siguro nga hindi pa time para magkita kami ni Lorlee. Siguro nga tama yung sinabi niya na hindi naman niya kasalanan na mahalin ko sya ng higit sa buhay ko.

Na marami pang mas deserving para sa pagmamahal ko.” Mahirap Bangz pero yun yung tingin kong way para somehow malaman niyang handa akong magsakripisyo para sa kanya—ang magpalaya!.

After 4 months of trying to escape the memories of yesterday, finally I’ve found the environment where I really fit in. Im happy with my life now though I cant hide the fact that my feelings for her wont vanish forever. But what can I do? Maybe shes happy right now to whomever she has fallen in love. But for me ,until now “Lorlee will still forever the girl in my heart. Yes, definitely Ive found the bliss of happiness but still I am INCOMPLETE.

Bangz ayokong umasa na babalik pa siya dahil nagpaalam na siya sakin. 4 months is enough para ipakita sa kanya na pagod na ako at nakaramdam ng kawalan ng pagpapahalaga.

Aminado ako na hanggang ngayon iniiyakan ko parin si Lorlee. Wala akong magawa but to Forgive even I ve been hurt to much. Sa labas ng telon malakas at matatag ako pero sa likod nito gaya din ako ni Lorlee na naging mahina lalo na sa mga panahong dapat ay magkasama kaming dalawa.

Bangz thanks sa lahat lahat. Sobrang laki ng naitulong mo sakin pati sa blog mo. Sana 1 day nakita kita sa personal. Sana makabuo din ako na kakaibang lovestory gaya ng sayo.

Kay Lorlee, if ever man na mabasa mo ito dito sa blog ni Bangz . Si TOFIE AY SI TOFIE PARIN. Mananatili ako sa kung ano ako na nabago mo at mananatiling buo para sayo.

Salamat sa lahat.

Tofie Diaz



Para kay Tofie, hindi pa tapos ang buhay mo. Huwag mong hayaang umikot ang mundo mo para lang sa iisang tao. Kung sa tingin mo nakamove-on na siya why not? Magmove-on ka na rin. May mga taong tinadhana para tanggapin at mahalin tayo. Yung taong kahit alam niyang mahina siya pipilitin niyang maging matatag para sa taong mahal niya. Tulad mo Tofie;

“I HAD LET GO OF WHAT I THOUGHT I OWNED. IT HURTS, A LOT ACTUALLY, BUT GETTING THRU EACH DAY MADE ME REALIZE THAT THE WORLD WILL JUST KEEP ON TURNING AND I HAVE TO CONTINUE EVEN IF SHES NOT AROUND. SO I GOT TO MOVE ON. FACE THE WORLD AFTER SHE RUINED IT AND PROVE THAT I CAN BE BETTER THAN WHAT SHE USED TO HAVE IN ME”.

KAYA mo yan Tofie may tiwala ako sayo!!!!

Tuesday, March 30, 2010

milya milyang pagkakataon

Oh,siya na naman. Ang aking VIO! ang nag-iisa at tanging Vio ko.Ang makita siya sa klase ay tila kumpleto na ang lahat.


Sandali lang,Bakit masyado akong conscious sa sarili ko? Maganda ba ako tingnan?Ang bilis ng tibok ng puso ko. Mapipigilan ko ba ito? hindi ko kaya.Sinubukan kong magpapansin sa kanya,nginitian ko siya,pero hindi man lang niya ako nginitian.


Oo,siya si Vio at wala ng iba.Sa tagal ng panahong kami ay magkasama,naging magkaribal na kami sa pagiging honor sa klase.Simula pa lang nuong elementarya hanggang hayskul.Hindi ko siya masisisi sa pagiging ganuon.Ngunit may isang bagay akong dapat itago sa aking sarili,MAHAL KO SIYA,KAHIT ANO PA MAN.Ang puso ko ay tumitibok para sa kanya.Sa tuwing gigising ako sa umaga mas lalo akong napapamahal sa kanya.Para siyang kakaibang kaklase sakin.Lahat ng hinahanap ko sa isang lalaki ay nasa kanya-matalino,disiplinado,matipuno at higit sa lahat responsable,Ngunit anong gagawin ko?Hindi man lang niya ako kausapin.Kung alam lang niya na ang babae na tinuturing niyang karibal ay umiibig na sa kanya.


Nagpatuloy pa ito hanggang sa hindi ko na mapigilan.Magkahalong takot at pagkasabik ang aking narararamdaman.Nasasabik ako sapagkat sa wakas magsusuot na ako ng toga.Natatakot ako kasi ang pelikula na ginagawa namin ni Vio ay magtatapos na.ITS OUR GRADUATION DAY!!


Matitigil ko pa ba ang oras?Gusto kong tumagal ang araw na ito hanggang sa makaipon ako ng lakas ng loob na sabihin sa kanya kung gaano siya kahalaga.Nang abutin niya ang diploma,para bang iyon na ang katapusan ng lahat ng mga pangarap ko kasama siya na hindi pa man nabubuo.

makaraan ang 15 taong pagsubok na takasan ang alaala ng kahapon.Sa wakas nahanap ko na ang lugar kung saan ako nababagay.Masaya na ako sa buhay ko ngayon kahit na hindi ko maitatago ang katotohanan na ang nararamdaman ko para sa kanya ay hindi na mawawala.Pero anong gagawin ko?Siguro masaya na siya sa kung sino man ang pinili niyang mahalin?Ngunit para sakin hanggang ngayon mananatili parin siyang espesyal sa puso ko.Oo,sa wakas nahanap ko na ang aking kaligayan pero hindi parin ako kumpleto.



Gising Zandra!nananaginip ba ako?siya na naman.Paano ko malilimutan yung pagtayo niya na tila isang sundalo at syempre ang mga mapangusap niyang mata.Papalapit na siya sa akin habang sinasambit ang mga salitang "MAHAL KITA , SA SIMULA PALANG NA NAKITA KITA.IBA KA SA MGA BABAENG NAKILALA KO.YUN NGA LANG WALA AKONG LAKAS NG LOOB NA SABIHIN SAYO DAHIL WALA PA AKONG KAHIT ANONG MAIPAGMAMALAKI SAYO."Bakit hindi mo ako hintayin? Parang gusto ko ng tapusin ang buhay ko nung mga oras na iyon.Kung sinabo niya lang sakin iyon ng mas maaga edi sana magkasama na kami ngayon.

Naglakad siya papalayo habang dumadaloy ang mga luha sa kanyang pisngi.Gusto ko siyang habulin kaso pinigilan ako ng mga ka-ministry ko.Siguro hindi niya maaatim na makita ako suot ang asul na palda at mahabang damit at ang puting belo na magtatakip sa buhok ko upang hindi makita ng mga tao.Pero kahit ganuon,mananatili parin siyang nag-iisang lalaki sa puso ko.Kahit na ako ay isa ng MADRE,hindi ko makakalimutan ang taong naging dahilan ng malaking pagbabago ko.


Mas pipiliin ko pang maging tagasunod ng DIYOS kaysa makasama ang taong hindi naman si VIO.

Mahal ko si VIO pero sa ngayon,mas matimbang ang pagmamahal ko sa DIYOS at hindi na ito magbabago pa habang buhay.



Sunday, March 14, 2010

will you still forgive me?





Promises are meant to be broken… well, that’s what they say… hmmm pero come to think of it… it makes perfect sense ‘di ba… ilang pangako na ba ang binitawan sa iyo ng kaibigan mo na napako? Ilang pangako na ba ang ginawa ng boyfriend/girlfriend mo na hindi ka daw niya sasaktan, lolokohin at iiwan pero look at you now… nag-iisa ka na lang ‘di ba (ouch!!!) at ilang beses ka ng pinangakuan pero ‘di naman natupad? Madami na noh? at ‘di mo na mabilang sa dami…
Lahat tayo aminin man natin o hindi ay nag bitaw na ng pangako na ‘di naman natupad… oh wag kang mag deny…. Sure yun! At kabilang din ako sa mga taong nag promise but I failed to make it happen, hindi ako exempted at lahat tayo naranasan ng mabigo dahil sa mga pesteng pangako na ‘di naman natupad. Alam natin kung gaano tayo umasa pero nag hintay lang tayo saw ala. Nangako siya na mag babago siya and yet look at them wala pa rin pag babago, nangako siya na ikaw lang ang mamahalin niya pero let me ask you something… sino yung yakap yakap at kahalikan niya now? Nangako siya na ‘di ka niya sasaktan… pero look at you now, kulang na lang ay “blade” at for sure mas gusto mo pang wakasan ang buhay mo kaysa ma-feel mo yung pain every damn day dahil sa mga promises niya na puro naman kasinungalingan.(Sorry if medyo morbid yung mga sinasabi ko, ito kasi yung nararamdaman ko now)
Bakit ba tayo na ngangako if alam natin hindi natin kayang gawin or tuparin? Bakit natin kailangan mag sinungaling? Siguro nangangako tayo para lang mapasaya yung taong mahal natin or ma satisfy sila… ginagawa natin yung minsan para lang matigil sila sa pangungulit sa atin… Pero hindi naman dapat mag bitaw tayo ng mga pangako sa kanila if ‘di naman natin kayang tuparin (ouch!!!). We all know na nag papaasa lang tayo sa ginagawa natin at mahirap yung mag paasa sa wala… makakasakit lang tayo sooner or later.
If your not pretty sure na matutupad mo yung mga pangakong bibitiwan mo… you or should I say “We” should shut our mouth to prevent further problems. If we think we can’t make it happen sana lang sabihin natin agad at ‘wag pa natin dagdagan ng kasinungalingan…. Take it from me… it would just make things more complicated.
Maybe your wondering kung ano na naman ba ang nangyari sa akin at bakit ito ang topic ko…sorry to say but secret yun (hehehehe) let’s just say na may unexpected thing na nangyari sa akin kagabi that made me write ‘bout this stuff. Next time ko na lang isusulat yung nangyari sa akin kagabi some other time…
*I’m sorry for all the pain that I’ve caused dahil sa mga broken promises ko at for all those who have hurt me… your forgiven…

Tuesday, February 2, 2010

Bakit nga ba ako nawala sa BLOGWORLD?



Almost 1 month na simula ng huli kong ipost ang proud blog about sa “KWENTO AT KWENTA NG LABLAYP KO”. Isang buwan din akong tumahimik at nagtago sa mga taong nag aantay ng ng balita sa kung ANO NA BA ANG BALITA SA LABLAYP NI BANGZ?.
Ano nga ba ang nangyari?Bakit nga ba higit isang buwan nanahimik si Bangz sa pagpopost ng kwento nila ni ZOXIE. I wish this time I made the right decision. Eto ako si BANGZ after almost 1 month na pananahimik IM READY TO FACE THE TRUTH! Hindi ko matiis ang blogworld na itago ang kung ano ang nangyari sa inaaabangan nilang binubuo kong love story. “WALA NA PO KAMI NI ZOXIE? Yah you read it right WALA NA KAMI. I don’t need to elaborate kung bakit kami naghiwalay?. Alam nyo naman siguro kung gaano ko kamahal yung tao to the point na naisipan kong magmakaawa sa kanya na kung pwede PAGSABAYIN NALANG KAMI NUNG PINALIT NIYA?
2 days after kong mapost ang KWENTO AT KWENTA NG LABLAYP KO! Naghiwalay kami. Tinanggap ko yun nag emsi ako ng childrens party ng dec24 ng nakikipagplastikan sa mga bata. Nag Christmas eve ako ng di ko mamalayan kung dapat ba akong tumanggap ng bati nilang MERRY XMAS!


Xmas day na siguro mga 1;30 am nuntinanong ko sa kanya na” KUNG AKO SI SANTA AT NASA HARAP MO NA AKO NGAYON AT TINANONG KITA KUNG ANONG WISH MO NA GUSTO MONG GAWIN KO ANO YON?”

-simple lang sinagot niya: “BUMALIK SANA YUNG NGITI AT SIGLA SA TAONG KAHARAP KO,PLANO MAN NIYANG IWASAN AKO,SANA KAHIT PAPANO MERON PART SA PAGKATAO NIYA NA MAGPAPAALALA SA KANYA NA KAHIT KELAN DI SIYA MAWAWALA SA PUSO KO (PROMISE).”-Loraine Gonzales ZOXIE
Yan yung last wish na pinakiusap sakin ni ZOXIE. Siguro dec 30 yung last txt message niya sakin the day matapos ko siyang kantahan ng theme song naming na “IKAW NA SANA”. (na hanggang ngayon di ko pa ineerase mga message niya sa inbox ko dahil wala talaga akong balak burahen) .Basag ako pakiramdam ko yung test na matagal ko ng nireview para ipasa sa school nabelewala. Pakiramdam ko yung training na pinagpaguran ko para lang ipanalo yung laban ko bilang varsity player wala ring nangyari. Mga mambabasa,handa na akong humarap sa mga reaksyon nyo pangungutya man ito o hindi. Handa na akong tanggapin lahat ng sasabihin niyo na yung pinagmamalaki kong love story ay TAPOS NA!







Sabihin man ni ZOXIE na MALAYO NA ANG MUNDO NAMIN! Naniniwala akong may mga force na biglang nangyayari sa outer space na maglalapit sa mga mundong magkakalayo. At yun yung hihintayin ko. Tanga man isipin pero 2years ,3 or 4 years from now kapag kinalabit ako ni ZOXIE at nalaman kong mag-isa nalang siya handa akong iwan ang lahat ng meron ako balikan lang siya. HINDI KO SIYA HINIHINTAY pero naniniwala akong kahit gaano pa kami katagal magkalayo kung kami talaga para sa isat-isa edi kami.

Salamat sa lahat ng mga taong kahit paano ay nakapawi ng pagwawala ko. Kay KUA CM alam niya kung gaano ako kaexcited Makita si Zoxie to the point na tanungin ko siya kung anong magandang diskarte ang gagawin ko kapag nagkita na kami.!Kay kua saul na nag advice na wag ko nalang ilabas sa blog kung ano nangyari,sorry kua saul I think ito kasi ang makakabuti. Sa mga bloggers at mga nagbabasa ng BLOG KO salamat sa lahat2x.at hnda kayong tanggapin ang mga salitang binubuga ko. Sa dancefloor at sa mga kadance mate ko sa salitang LIFE LIKE DANCE! Bravo ako ang laki ng hinugot kong lakas ng loob para maisayaw lang ng maayos ang mga steps ng buhay ko.

KAY ZOXIE!:I Know mapapasyal ka sa blog ko kapag nagtanim ka sa hacienda mo (FARMVILLE).

Topak ,I miss you so much! Kahit ginawa mo sakin yun napatawad na kita dun pa lang sa time na nalaman kong ginawa mo yun. I know Masaya ka na I know na kuntento ka na kasi sa kanya mo ko nakikita dagdag pa dun na magkasama kayo. Loraine,di ka man lang nagpaparamdam sakin. Sana sa 18th bday ko magparamdam ka naman. Alam mo nman yung date diba (FEBRUARY 9)
Manang, kung ano ko sayo dati,kung ano yung feelings ko for you hindi nabawasan yun. Natanggap ko na lahat lahat!magingat ka palagi,wag mong pababayaan sarili mo. If ever na maisipan mong itext ako ito digits ko 09198973568. Salamat sa lahat tinatanawa kong utang na loob lahat ng ginawa mo sakin.

Isang tao lang ang mas makakapagpasaya sa magiging 18th bday ko this February 9 yun ay ang batiin ako ni Loraine Gonzales a.k.a ZOXIE.

“Siguro kailangan nating MADAPA kasi merong mas tamang paraan ng PAGTAYO. Kailangan nating UMIYAK kasi hindi lahat kayang idaan sa TAWA. At minsan kailangan nating MASAKTAN kasi meron tayong dapat MATUTUNAN.”-bangz

Tuesday, January 26, 2010

Sunday, January 3, 2010

xmas party

javascript:void(0)