Sunday, March 14, 2010
will you still forgive me?
Promises are meant to be broken… well, that’s what they say… hmmm pero come to think of it… it makes perfect sense ‘di ba… ilang pangako na ba ang binitawan sa iyo ng kaibigan mo na napako? Ilang pangako na ba ang ginawa ng boyfriend/girlfriend mo na hindi ka daw niya sasaktan, lolokohin at iiwan pero look at you now… nag-iisa ka na lang ‘di ba (ouch!!!) at ilang beses ka ng pinangakuan pero ‘di naman natupad? Madami na noh? at ‘di mo na mabilang sa dami…
Lahat tayo aminin man natin o hindi ay nag bitaw na ng pangako na ‘di naman natupad… oh wag kang mag deny…. Sure yun! At kabilang din ako sa mga taong nag promise but I failed to make it happen, hindi ako exempted at lahat tayo naranasan ng mabigo dahil sa mga pesteng pangako na ‘di naman natupad. Alam natin kung gaano tayo umasa pero nag hintay lang tayo saw ala. Nangako siya na mag babago siya and yet look at them wala pa rin pag babago, nangako siya na ikaw lang ang mamahalin niya pero let me ask you something… sino yung yakap yakap at kahalikan niya now? Nangako siya na ‘di ka niya sasaktan… pero look at you now, kulang na lang ay “blade” at for sure mas gusto mo pang wakasan ang buhay mo kaysa ma-feel mo yung pain every damn day dahil sa mga promises niya na puro naman kasinungalingan.(Sorry if medyo morbid yung mga sinasabi ko, ito kasi yung nararamdaman ko now)
Bakit ba tayo na ngangako if alam natin hindi natin kayang gawin or tuparin? Bakit natin kailangan mag sinungaling? Siguro nangangako tayo para lang mapasaya yung taong mahal natin or ma satisfy sila… ginagawa natin yung minsan para lang matigil sila sa pangungulit sa atin… Pero hindi naman dapat mag bitaw tayo ng mga pangako sa kanila if ‘di naman natin kayang tuparin (ouch!!!). We all know na nag papaasa lang tayo sa ginagawa natin at mahirap yung mag paasa sa wala… makakasakit lang tayo sooner or later.
If your not pretty sure na matutupad mo yung mga pangakong bibitiwan mo… you or should I say “We” should shut our mouth to prevent further problems. If we think we can’t make it happen sana lang sabihin natin agad at ‘wag pa natin dagdagan ng kasinungalingan…. Take it from me… it would just make things more complicated.
Maybe your wondering kung ano na naman ba ang nangyari sa akin at bakit ito ang topic ko…sorry to say but secret yun (hehehehe) let’s just say na may unexpected thing na nangyari sa akin kagabi that made me write ‘bout this stuff. Next time ko na lang isusulat yung nangyari sa akin kagabi some other time…
*I’m sorry for all the pain that I’ve caused dahil sa mga broken promises ko at for all those who have hurt me… your forgiven…
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
promises are made to be brocken? hmmmm tama nga yun. pero its our job not to let it happen. hehe
napadaan lng. makakaya mo rin yang nararamdamn. :D
Hindi naman sa ganun!
Ginagamit nila 'yung line na iyan...
A PROMISE is a PROMISE...
Yan yun!
Post a Comment