Oh,siya na naman. Ang aking VIO! ang nag-iisa at tanging Vio ko.Ang makita siya sa klase ay tila kumpleto na ang lahat.
Sandali lang,Bakit masyado akong conscious sa sarili ko? Maganda ba ako tingnan?Ang bilis ng tibok ng puso ko. Mapipigilan ko ba ito? hindi ko kaya.Sinubukan kong magpapansin sa kanya,nginitian ko siya,pero hindi man lang niya ako nginitian.
Oo,siya si Vio at wala ng iba.Sa tagal ng panahong kami ay magkasama,naging magkaribal na kami sa pagiging honor sa klase.Simula pa lang nuong elementarya hanggang hayskul.Hindi ko siya masisisi sa pagiging ganuon.Ngunit may isang bagay akong dapat itago sa aking sarili,MAHAL KO SIYA,KAHIT ANO PA MAN.Ang puso ko ay tumitibok para sa kanya.Sa tuwing gigising ako sa umaga mas lalo akong napapamahal sa kanya.Para siyang kakaibang kaklase sakin.Lahat ng hinahanap ko sa isang lalaki ay nasa kanya-matalino,disiplinado,matipuno at higit sa lahat responsable,Ngunit anong gagawin ko?Hindi man lang niya ako kausapin.Kung alam lang niya na ang babae na tinuturing niyang karibal ay umiibig na sa kanya.
Nagpatuloy pa ito hanggang sa hindi ko na mapigilan.Magkahalong takot at pagkasabik ang aking narararamdaman.Nasasabik ako sapagkat sa wakas magsusuot na ako ng toga.Natatakot ako kasi ang pelikula na ginagawa namin ni Vio ay magtatapos na.ITS OUR GRADUATION DAY!!
Matitigil ko pa ba ang oras?Gusto kong tumagal ang araw na ito hanggang sa makaipon ako ng lakas ng loob na sabihin sa kanya kung gaano siya kahalaga.Nang abutin niya ang diploma,para bang iyon na ang katapusan ng lahat ng mga pangarap ko kasama siya na hindi pa man nabubuo.
makaraan ang 15 taong pagsubok na takasan ang alaala ng kahapon.Sa wakas nahanap ko na ang lugar kung saan ako nababagay.Masaya na ako sa buhay ko ngayon kahit na hindi ko maitatago ang katotohanan na ang nararamdaman ko para sa kanya ay hindi na mawawala.Pero anong gagawin ko?Siguro masaya na siya sa kung sino man ang pinili niyang mahalin?Ngunit para sakin hanggang ngayon mananatili parin siyang espesyal sa puso ko.Oo,sa wakas nahanap ko na ang aking kaligayan pero hindi parin ako kumpleto.
Tuesday, March 30, 2010
Sunday, March 14, 2010
will you still forgive me?
Promises are meant to be broken… well, that’s what they say… hmmm pero come to think of it… it makes perfect sense ‘di ba… ilang pangako na ba ang binitawan sa iyo ng kaibigan mo na napako? Ilang pangako na ba ang ginawa ng boyfriend/girlfriend mo na hindi ka daw niya sasaktan, lolokohin at iiwan pero look at you now… nag-iisa ka na lang ‘di ba (ouch!!!) at ilang beses ka ng pinangakuan pero ‘di naman natupad? Madami na noh? at ‘di mo na mabilang sa dami…
Lahat tayo aminin man natin o hindi ay nag bitaw na ng pangako na ‘di naman natupad… oh wag kang mag deny…. Sure yun! At kabilang din ako sa mga taong nag promise but I failed to make it happen, hindi ako exempted at lahat tayo naranasan ng mabigo dahil sa mga pesteng pangako na ‘di naman natupad. Alam natin kung gaano tayo umasa pero nag hintay lang tayo saw ala. Nangako siya na mag babago siya and yet look at them wala pa rin pag babago, nangako siya na ikaw lang ang mamahalin niya pero let me ask you something… sino yung yakap yakap at kahalikan niya now? Nangako siya na ‘di ka niya sasaktan… pero look at you now, kulang na lang ay “blade” at for sure mas gusto mo pang wakasan ang buhay mo kaysa ma-feel mo yung pain every damn day dahil sa mga promises niya na puro naman kasinungalingan.(Sorry if medyo morbid yung mga sinasabi ko, ito kasi yung nararamdaman ko now)
Bakit ba tayo na ngangako if alam natin hindi natin kayang gawin or tuparin? Bakit natin kailangan mag sinungaling? Siguro nangangako tayo para lang mapasaya yung taong mahal natin or ma satisfy sila… ginagawa natin yung minsan para lang matigil sila sa pangungulit sa atin… Pero hindi naman dapat mag bitaw tayo ng mga pangako sa kanila if ‘di naman natin kayang tuparin (ouch!!!). We all know na nag papaasa lang tayo sa ginagawa natin at mahirap yung mag paasa sa wala… makakasakit lang tayo sooner or later.
If your not pretty sure na matutupad mo yung mga pangakong bibitiwan mo… you or should I say “We” should shut our mouth to prevent further problems. If we think we can’t make it happen sana lang sabihin natin agad at ‘wag pa natin dagdagan ng kasinungalingan…. Take it from me… it would just make things more complicated.
Maybe your wondering kung ano na naman ba ang nangyari sa akin at bakit ito ang topic ko…sorry to say but secret yun (hehehehe) let’s just say na may unexpected thing na nangyari sa akin kagabi that made me write ‘bout this stuff. Next time ko na lang isusulat yung nangyari sa akin kagabi some other time…
*I’m sorry for all the pain that I’ve caused dahil sa mga broken promises ko at for all those who have hurt me… your forgiven…
Subscribe to:
Posts (Atom)