may mga bagay daw sa mundo na hindi pangmatagalan..hindi lahat ng gusto mo pwede mong mapasaiyo..hindi dapat lahat ng routine mo sa buhay ay paulit-ulit na lang nangyayari.may mga pagkakataon ding kailangan natin na pagbabago hindi lang para sa tin kundi para na rin sa ikabubuti ng iba..
PAGBABAGO..ang ang sisimulan ko.. ewan ko ba kung bakit ngayon ko lang narealize yang bagay na yan.. siguro bunga ito ng pagbabasa ko ng mga libro ni BOB ONG..ang "BAKIT BALIKTAD MAGBASA NG LIBRO ANG MGA PILIPINO,STAINELESS LONGGANISA,ANG PABORITONG LIBRO NI HUDAS,MCARTHUR,KAPITAN SINO at ALAMAT NG GUBAT..at kung anu ang pagbabagong iyon..KALAHATI SA SARILI AT KALAHATI SA PAGSUSULAT..
kalahati sa sarili ,dahil gusto ko ng bumalik,gusto ko ng gumising sa datin ako..sa sinasabi kong pagbabago,sana maiwan ko lahat ng bad memories na nangyari sa loob ng 8 months..isa na lang siyang mantsa na gusto kong tanggalin..
isa na kong STAFF WRITTER SA SCHOOL ORG. NAMIN,VARSITY PLAYER PARIN ng BADMINTON,MINSAN CHOREOGRAPHER,at kapag gabi MAdalas makalaban mo sa MGA DANCE CONTEST..
ang totoo niyan..walang maniniwalang problemado ako dahil kengkoy ako(Palabiro)..
malakas magtrip,mambara,mangasar,magtago ng gamit ng kaklase,mahilig sumayaw sa classroom,palakanta kahit na may klase,laboy,matakaw at malakas mamburaot..yan ako si BANGZ sa harap ng mga katropa,kadancer,kagangster at kaklase..
sa pagbabago ko sa sarili ko sana mabusog ako..sana mabusog ang mga taong kasama ko sa aking pagbabago.
KALAHATI PARA SA PAGSUSULAT..kasi kalahati ng pagkatao ni BAngz nasa blog niya..dun ko inilalabas ang mga kadramahan na di ko kayang ilabas sa totoong buhay..sa pagbabasa ko ng mga libro ni BOB ONG at BLOG ni KUYA napatunaySAUL KRISNA..
napatunayan ko na ang bawat sulat pala ay may maliit na litrato ng utak ng tao....gusto kong maging manunulat higuit sa gusto kong magsulat..ngayon ko lang naisip na bakit hindi kaya ibahin ko ang istilo dahil puro nalang heart broken ang mga blog ko..
sabi ni bob ong "mas madaling maiintindihan ang pagsulat kung tatanggapin mo ang mga gasgas na konsepto na nagsasabing ang bawat salita ay tools o kagamitan..
makakaasa kayo na sa pag-iwas ko sa nakaraan na dahilan ng mga broken blogs koh..kapalit nito ang ibat-ibang lasa ng putaheng papakain ko sa inyo..
"kung wala akong magagawa sa kinatatayuan ko ngayon,wala rin akong magagawa sa kung saan ko man gustong pumunta."
wala akong hinahabol na tao sa parehong paraan na wala rin akong iniiwasan..(GUSTO KO LANG NG PAGBABAGO AT YUN ANG KAILANGAN NG LAHAT NG TAO)
ayokong sayangin ang bawat espasyo na papel.ayokong maubos ang tinta ng ballpen ko ng walang patutunguhan..naniniwala akong sa pinakamadilim na parte ng gabi habang ginagawa ko ito ay may bukang-liwaywayna paggising ko lahat ng blog ko ay makikita ko na nasa isang libro.
sabi nga ni bob ong.."kung di mo alam kung sino ka panu mo mapagmamalaki ang sarili mo?"
sana nga sa pagbabagong sinasabi ko..mahanap ko na ang tunay na ako..para kahit paano may maipagmamalaki ako hanggang sa pagpanaw ko..!!!
No comments:
Post a Comment