Monday, July 27, 2009

worth it




kung may genie na magbibigay katuparan sa lahat ng kahilingan ko pero hindi mo na pwedeng gawin ang isang bagay na pinakagusto mong gawin,PAPAYAG KABA

kung isa kang materyosong tao at hindi ka marunong mag-value sa mga bagay siguro PAPAYAG KA? kung ikaw ay selfish na tao,pipiliin mo yung bagay na gusto mong hilingin kasi gusto mong magkaroon noon.

kung isa ka namang taong himihiling ng gusto mong mangyari na kaya mo namang tuparin yun nga lang wala kang sikap,siguro PAPAYAG KA?
yung hihilingin mong magkarron ka ng banye-banyerang pera.magkaroon ng mansyon gaya ng kay pacman.makapunta sa ibat-ibang lugar o bansa.magmay-ari ng mga hacienda.bumili ng isang dosenang limousine at magkarron ng isang "most intelligent house" gaya ng kay bill gates.


pero sana kung pangarap mong makamit lahat ng pangarap mo.sa tulong ng isang genie.isipin mo muna kung anu ang magiging consequence nito.mayaman ka nga.mabibili mo lahat ng gusto mo pero hindi mo na opwedeng gawin ang bagay na pinkagusto mo..PARA SAN PA?
hindi worth it diba.?


imposibleng mangyari pero siguro kung lahat ng imposible ay pwedeng maging posible sa pagdaan ng panahon.kung sakaling one day,habang naglalakad ako ay may makita akong "OLDIES NA BOTE" at naisipan kong irub at ayon lumabas ang isang genie na sabing magbigay ako ng kahilingan at handa nyang tuparin.siguro this time we need to use the PRINCIPLES OF BANGZ..

bang's 3 wishes

1.sana lahat ng gustong makamit ng tao sa buhay nila ay makamit nila.pantay-pantay at walang nangingibabaw.

2.sana dalawang klase lang ng tao ang mabuhay sa mundo yun ay ang MABUTI AT MABAIT,hindi ang MABUTI AT MASAMA.

3.last is,sana kung anu man ang sakit ng mga bansa ngayon sana gumaling na.lalo na ang pilipinas,maihahalintulad ko ito sa isang taong lumulubha na ang sakit na kanser.dahil sa ibat-ibang dumi na dumadapo dito.may mataas itong lagnat,nalalagas na ang mga buhok at unti-unting nanghihina.naniniwala ako na "ANG MGA MAMAMAYAN LANG ANG TANGING GAMOT NA MAGPAPAGALING SA KAIT NG BANSA NILA."


kung lahat ng yan ay matutupad ng isang genie kapalit ng isang bagay ng pinakagusto ko ngunit di ko na pwedeng gawin,PAPAYAG AKO!!!
kasi utak at puso ang ginamit ko.kung sa LOVE nga nagawa kong magsakripisyo para sa isa Y NOT kung para naman sa ikabbuti ng lahat ang sakripisyong gagawin ko.
sana kahit wala talagang genie na tutupad sa lahat ng kahilingan natin.tayo mismo ang gumawa ng paraan para makamit natin kung ano man ang gusto natin.hindi lang para sasarili kundi idamay mo na rin ang ibang tao.

kaya ako,ikaw at lhat ng tao.kailangan na nating gumising,maghilamos tayo.!!! "MAY PROBLEMA ANG MUNDO AT NANGANGAILANGAN ITO NG TULONG NATIN.HINDI NG ISANG GENIE KUNDI TAYO MISMO."

2 comments:

Chimmie said...

ang baet mo naman at para sa iba lahat ng hineleng mu. napadaan lang aku. magtatanung na den kung pwede aku makipaglinkex. tnx.

♥superjaid♥ said...

lam mo sis, kaya fiction lang ang mga gennie ay para malaman ng mga tao ang salitang pagsusumikap..at tama ka, dapat talaga matuto tayong paghirapan at pagsumikapan ang mga pangarap natin sa buhay..*apir* Ü