Sunday, November 1, 2009

Pasko kasama ang isang OFW


Isa sa pinakamalungkot na lugar para sa mga OFW ang ‘airport”. Ito kasi yung lugar kung saan malalayo na sila sa kanilang mga mahal sa buhay. Dito nila binubuhos yung mga luha nila n asana kung pwede lang hindi na sila umalis pa.

Sampung taong gulang ako ng umalis ang aking ina patungong ibang bansa upang doon magtrabaho at maghanap ng swerte. Umalis ang mama ko na hawak ang mithiin niya na itataguyod niiya ang pamilya naming. Hindi man madali para samin pero may tiwala kami kay Mama.

Tumagal ng mga taon si mama sa ibang bansa. Bagaman umuuwi siya kada ikatlong taon,kulang pa ito para makapiling ang inang bihira lang naming makasama. Tinaguyod kami ni Mama hanggang sa makatuntong ako sa kolehiyo. Kumuha ako ng kursong journalism dahil yun ang pangarap ko at gusto ni Mama para sakin, ang maging manunulat. Nagsumikap ako sa pag-aaral higit pa sa pagsisiskap ni Mama sa pagtatrabaho para naman kahit paano ay masuklian ko ang pagmamahal niya sakin. Sa bawat dampi ng ballpen ko sa papel ay inspirasyon ko si Mama. Kapag nakakatapos ako ng isang sulatin ay iniisip ko kung tapos na kaya si Mama sa 18 oras na trabaho niya?. Nagpahinga na kaya siya matapos niyang manahi ng mga damit at mag-alaga ng bata na hindi naman niya anak?.

Kailan kaya siya uuwi?. Limang pasko naring hindi buo ang pamilya namin. Disyembre na,isang lingo nalang bago magpasko ngunit wala pa akong balita kay Mama. Nais ko sanang ipagmalaki sa kanya ang tropeong napanalunan ko sa isang paligsahan sa malikhaing pagsusulat. Nais ko sana ngayong Pasko ,ksama namin siya. Kasalo sa hapagkainan at kumakain ng hamon sa Noche Buena. Paano ko maibibigay sa kanya ang binili kong regalo gamit ang naipon kong pera na napanalunan ko sa ibat-ibang palahok.

Dumating na ang bisperas ng Pasko,maagang nagluto sila Ate para sa Noche Buena. Nadako ang aking tingin sa Christmas tree na dati at dinedesenyuhan naming kasama si Mama. Hindi ako mapakali at tila biniblang ko ang bawat minuto na lumilipas. Ngayon lang kasi kami hindi binati ni Mama ng “Maligayang Pasko”. Biglang narinig ko ang pagkatok sa pintuan. May tao ata? Hindi ko alam kung bubuksan ko ang pinto. Bumilis ang tibok ng puso ko. Si Mama na kaya ito? Bubuksan ko na!! natigil ako ng ilang sandal dahil sa bumungad sakin. Ito ang babaeng matagal ko ng hinihintay ang pagbabalik. Ang aking Mama!! Agad niya akong niyakap ng mahigpit samantalang ako ay gulat parin sa nangyari. Muli ko na naming naramdaman ang yakap ng isang ina.

Natupad na yung hiling ko n asana ngyong Pasko ay mabuo ang pamilya naming. Inabot ni Mama ang regalo sa aking mga kapatid at panghuli ang sakin. Binuksan ko ito at nasorpresa ako na ang laman ng kahon ay isang blankong libro at isang ballpen. Hinding-hindi ko maliimutan yung sinabi niya saking, “Anak,yang librong yan ang magiging bahagi ng iyong tagumpay sa pinli mong larangan. Huwag mong sayangin ang pribilehiyo mo na mabigyan o mailipat ang isip mo sa papel. Iyakap mo ang sarili mo ditto at angkinin ang bawat espasyo ng papel na kinalaunan ay magiging pahina. Hayaan mong maubos ang tinta ng ballpen na iyan dahil nais mong abutin ang iyong mga pangarap at nais mong matuto ang mga tao sa buhay mo at hindi dahil sa nakakasulat ka. Anak,andiyan lang ang pangarap mo hinihintay ka para abutin mo.”

Salamat kay Mama dahil andiyan siya at hindi na niya kami iiwan. Kahit wala siyang nauwing pera samin, ang mahalaga kami ay samasama. Tulad ni Mama, kahit gaano pa karaming swerte ang magkaroon ako sa ibang bansa,uuwi parin ako sa bansa ko upang makasama ang aking pamilya at yun ang mas importante sa akin kaysa makakita ng snow sa labas ng aking bintana sa magandang umaga ng Pasko.

No comments: