Friday, November 6, 2009

sa labas ng malamig na rehas



Taong 2002 nang lumuwas si Nhel at namasukang driver sa isang mayamang pamilya sa Maynila. May anak ang amo niyang babae na nagngangalang Johar. Naging malapit si Johar kay Nhel dahil ito ang naghahatid-sundo sa kanya sa eskwelahan. Lingid sa kaalaman ni Johar umiibig na pala sa kanya si Nhel nuon pa.

Mahal na mahal ni Nhel si Johar,mas humigit pa ito nang malaman niyang mahal din siya ng amo niyang si Johar. Malaki man ang agwat ng estado ng buhay nila,itinuloy pa rin nila ang kanilang relasyon at inilihim sa magulang ni Johar. Sa di inaasahan,nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan si Johar at ang kanyang magulang. Si Nhel ang una niyang tinakbuhan dahil alam niyang makakatulong ito sa kanya. Dahilan sa sobrang pagkagulo,nagdesyon si Johar na magtanan nalang sila ni Nhel at pinaburan naman ito. Dinala ni Nhel si Johar sa Davao kung saan dun siya nakatira. Duon sila nanirahan. Kalaunan nalaman ito ng mga magulang ni Johar na nagtanan ang dalawa dahil sa pagsusuplong ng isang katulong. Pinuntahan nila ang tirahan ni Nhel sa Davao para kunin si Johar. Pagdating sa bahay ni Nhel nagulat siya na ang amo niya ay nanduon at may mga kasamang pulis. Pinosasan siya at dinala sa prisinto. Nakulong si Nhel sa salang kidnaping na hindi naman niya ginawa kay Johar. Pinaratangan siya na dinukot niya nang sapilitan si Johar.

Ang mga magulang ni Johar ay nagngitngit sa galit dahil sa ginawa ng anak. Halos bumaba ang tingin nila kay Johar dahil sa pagpatol sa isang driver lamang. Ngunit ipinagtanggol ni Johar si Nhel dahil mahal niya ito. Nagdesiyon ang mga magulang ni Johar na dalhin ito sa Amerika para dun nalang manirahan. Bago ang pag-alis ni Johar tumungo siya sa prisinto upang bisititahin si Nhel at para narin magpaalam. Tila yun na ang katapusan ng lahat para kay Nhel dahil iiwan siya ng kanyang kasintahan. Ngunit hindi, dahil nangako si Johar na hihintayin niya si Nhel hanggang sa ito ay makalaya.

Binuo ni Nhel ang sampung taon niyang sintensiya. Bagaman nalalapit na ang paglaya niya malungkot parin siya dahil wala na siyang nabalitaan tungkol kay Johar. Hindi na ito sumusulat sa kanya.

Sa paglaya ni Nhel ,tumungo siya sa bahay nina Johar. Nagbabakasakaling madatnan niya duon ang kasintahan na matagal na niyang hindi nakasama ngunit wala ito nuon. Pabalik-balik si Nhel na tila hindi nagsasawang maghintay sa kasintahan.

Dumating ang kaarawan ni Nhel, matapos ang kanyang trabaho tumungo siya sa bahay ni Johar upang makibalita. Pinangako kasi ni Johar sa kanya na uuwi ito sa kaarawan niya matapos lumaya. Malayo palang, natanaw na niyang maraming tao sa bahay ni Johar. May mga kotseng nakaparada at mga upuang nakapwesto sa labas ng bahay. Minadali niya ang paglalakad sa pag-aakalang baka ito ay supresa lang na inihanda sa kanya ni Johar. Ngunit sa labas ng bahay bumungad sa kanya ang tarpaulin na may mukha ni Johar at detalye kung kailan ito namatay. Hindi makagalaw si Nhel ngunit makikita na nangingilid ang luha sa kanyang mga mata. Hindi niya maisip na nasa harapan na niya ang pinakamamahal niya. Ang taong sampung taon niyang hinintay na makasama. Ang kasintahan niyang nakahiga na sa selyadong kabaong. Laking hinayang ni Nhel dahil kung kailan may maipagmamalaki na siya sa mga magulang ni Johar saka pa ito namatay. Namatay ang kasintahan niya dahil sa pangungulila sa kanya.

Sa araw ng libing ni Johar dumagsa ang mga kaibigan at mahal sa buhay. Sa di kalayuan, nakamasid si Nhel at umiiyak. Taimtim na nagluluksa sa pagkawala ng kanyang kasintahan. Nang umalis na ang mga nakipaglibing, lumapit na si Nhel sa puntod nito. Duon na niya binuhos ang mga luha na matagal na niyang pinigilan dahil sa pangungulila kay Johar. Ang mga taong nasayang ay hindi na maibabalik pa. Ang mga pangakong binuo nila ay wala nangg saysay pa.

Habang umiiyak si Nhel ay may humawak sa kanyang balikat. Nang nilingon niya, ito pala ay mga magulang ni Johar. Humingi sila ng tawad kay Nhel dahil sa mga nangyari noong nakaraan. Bagaman alam ni Nhel na malaki ang kasalanan ng mga ito sa kanya, nanaig parin ang pagpapatawad sa kanya. Napansin ni Nhel ang batang lalaki na nagtatago sa likod ng ina ni Johar, nang biglang ipinakilala sa kanya na ang sampung taong batang lalaki na iyon ay anak nila ni Johar. Ang batang pinangalanan ni Johar bilang Johnel.

Niyakap agad ito ni Nhel. Pakiramdam niya ay muli niyang nakapiling si Johar sa katauhan ng kanyang anak. Nawala man si Johar na kanyang pinakamamahal, nag-iwan naman ito ng kayamanan na bunga ng kanilang tapat na pagmamahalan.

1 comment:

Arvin U. de la Peña said...

kaygandang kuwento..a great love story..minsan kasi talagang minamaliit ng magulang lalo na kapag mayaman ang nakakarelasyon ng anak nila lalo na kapag nalaman na mahirap lang ang lalaki..pwd ito sa pelikula..